KABANATA 4 - FIRST KISS

3910 Words
NAKA-INDIAN SEAT KAMI na nakaupo ng mga kaklase ko sa damuhan habang nasa harap si Ma'am na ipinapaliwanag ang dapat at hindi namin dapat gawin habang narito kami sa bantayan island. Narito kami sa mismong gubat malapit sa mabundok na lugar ng bantayan island. Narito ako sa likuran ng mga kaklase ko at katabi ko si Darrel dahil siya lang naman ang may gusto na makatabi ako. Napatingin ako kela Dante na siyang tumutulong na magtayo ng tent para sa tutulugan namin mamayang gabi. Nagtataka talaga ako kung bakit sila kasama sa field trip namin. "Anna," napatingin ako kay Darrel. Nahihiyang ngumiti at kinuha ko ang alok niyang sandwich. "Salamat." may baon pala siyang sandwich. Nakakahiya dahil binigyan pa niya ako ng baon niya. Actually, nagugutom na ako pero tiniis ko lang dahil tiyak na inahahanda na ang pagkain namin. Kumagat ako at napatango ako dahil ang sarap. Chicken ang karneng nilagay na may special na palaman na nilagay rin sa tinapay. "Ang sarap." sabi ko at tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya habang kinakain din ang sandwich niya. "Nag-experiment si Mommy na pwedeng i-negosyo pa kaya ito ang unang sampol. Masaya ako dahil nagustuhan mo. Sasabihin ko kay Mommy pag-uwi natin ang reaksyon mo sa ginawa niyang sandwich." wika niya. Namula naman ako dahil nakakahiya pero masaya ako dahil ang sweet namang anak ni Darrel sa Mommy niya. "Ang sarap pala gumawa ng ganito ang Mommy mo. Pati 'yung negosyo niyong manok ay natikman na namin ni Papa. The best din iyon." Ngumiti siya at napakamot sa ulo, "Salamat sa pagsuporta sa negosyo namin." Tumango ako at ngumiti bago muling kumagat sa sandwich. Mas lalong sumarap ang sandwich dahil habang tumatagal na nakakausap ko si Darrel ay parang mas nakikilala ko siya. At inaamin ko na kinikilig ako dahil hindi niya ako pinapabayaan kahit lahat ng kaklase ko ay ayaw sa akin. Tumingin kami kay Ma'am at nakinig sa sinasabi nito. At pagkatapos ng maraming paalalahanan ay tumayo na kami dahil naka-ready na daw ang food namin. Pumila kami para ma-distribute ng maayos ang food namin. Dahil ayokong makisingit kaya nasa huli ako. Sila Dante ang nagbibigay ng food sa linya namin at habang sa boys ay si Ma'am. Panay ang ngiti ni Ma'am habang si Dante ay seryoso lang at katulong si Dex sa pag-abot.. Umusad ang pila at nang ako na ay ngumiti ako. "Ubos na." sabi ni Dante kaya nawala ang ngiti ko. Tumingin ako sa pinamimigay ni Ma'am at wala na rin. Napatingin ako kay Darrel dahil meron na rin siyang hawak na para sa kanya. Dinig ko ang tawa nila Amy dahil naubusan ako. "Naku, pano kaya 'to? Nagkulang pa ng isa." sabi ni Ma'am na hindi alam ang gagawin. Bumagsak ang balikat ko pero pinilit kong ngumiti kahit hiyang-hiya ako sa nangyari. "Ayos lang po, Ma'am. Kumain naman po ako ng chicken sandwich." sabi ko. "Huwag kang mag-alala, Anna. Share na lang tayo." sabi ni Darrel kaya nahihiya ako rito. "Naku, wag na, ayos lang. Busog pa naman ako sa sandwich na bigay mo." tanggi ko.. "Okay lang. Medyo busog pa man din ako, kaya share na lang tayo." pilit niya kaya napangiti ako. "S-sige.." Inaya ako nito kaya susunod sana ako pero may matigas na kamay na pumigil sa braso ko. Napatigil ako at napatingin sa taong iyon. Nagtataka na napatingin ako kay Dante. "Sa akin ka na sumama. May dala akong pagkain." aniya. "Huh? Pero.." Hindi na niya ako pinatanggi pa at hinila na niya ako. Lumingon ako kay Darrel at sinenyasan ko ito na pasensya na. Napatingin ako kay Dante na hinihila ako palayo sa lugar kung nasaan ang iba. May dalang bag si Dante at hindi ko alam ang laman. "Saan mo ba ako dadalhin? Bakit lumayo pa tayo doon?" tanong ko. Huminto siya at tumingin sa akin. Tinignan ko siya na nagtataka pero napatili na lang ako ng iyakap niya ang isang braso sa hita ko at halos mahilo ako ng isampa niya ako sa balikat niya. "Ibaba mo nga ako!" inayos ko ang salamin ko sa mata dahil muntik na itong mahulog. Napakapit ako sa damit niya sa likod at tinignan ang nilalakaran niya. "Doon tayo sa kweba. Malamig doon." aniya. Tumatawid siya sa tubig at mabatong daan. Natatakot ako baka malaglag ako kaya todo kapit ako sa damit niya. "Bakit doon pa? Tsaka ayoko sa kweba. Nakakatakot doon." reklamo ko. Hindi siya umimik at parang kay gaan ko lang kung buhatin niya ako habang tumatawid sa mababang tubig ng ilog. Nang makatawid siya ay hindi pa rin niya ako binababa dahil mabato pa. Nang makarating kami sa sinasabi niyang kweba ay doon lamang niya ako binaba. Napatingin ako sa kweba at napalunok ako dahil base sa nababasa kong horror story ay nakakatakot sa kweba at maraming paniki. Hinawakan ako sa braso ni Dante at hihilahin sana ako ngunit pinigil ko siya kaya napatingin siya sa akin habang nagtataka. "Ayokong pumasok. Nakakatakot." umiling ako habang pilit na binabaklas ang kamay niya. "Hindi mo kailangan matakot dahil kasama mo ako. Tara." sabi niya. Hinila niya ako kaya napakapit na lang ako sa braso niya habang natatakot na humakbang pasunod sa kanya. Pero nang tuluyan kaming makalapit sa kweba ay namangha ako, dahil hindi pala masyadong madilim at may liwanag na nanggaling sa taas na siyang tumatanglaw sa loob ng kweba. "Wow! Ang ganda pala." Bulalas ko. "See. I told you." inismiran ko siya dahil wala naman siyang sinabi na ganito kaganda. Binitawan niya ang braso ko. Nilapag niya ang bag sa lupa at naupo siya sa malaking bato. Nakabukaka pa siya habang binuksan ang bag kaya naupo ako sa nakitang pwedeng upuan na bato. "May baon kang food?" sabi ko ng makita na nilabas niya ang mga food container mula sa bag. "Yeah." maikling tugon niya at tumingin sa akin bago inabot ang isang food container kaya kinuha ko. "Thanks." nilapag ko sa kandungan ko ang food container at binuksan ko ang takip, "Wow! Mukhang ang sarap nito." napakaganda ng pagkakaayos ng pagkain sa container. Isang klase ng pork na pantay-pantay ang hiwa at mukhang malulutong at malambot pa. May rice din na kulay brown na mukhang masarap din dahil parang may hinalong sauce sa kanin. At may orange fruit na slice na para sa dessert. "Kumain ka na." aniya kaya tumango ako at napangiti na kinuha ang kutsara't tinidor sa gilid ng food container. Nagdasal muna ako. Pumikit ako at nagpasalamat sa pagkain. Dumilat ako pagkatapos at napangiti na sinunggaban na ang pagkain. Napatango ako dahil ang sarap. Napatingin ako kay Dante at nakita ko siyang nakatingin sa akin, "Ang sarap nito. Sino nagluto nito?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin at sumubo ng pagkain niya, "Binili ko lang. Kumain ka na nga lang." aniya na nagsusungit na naman. Hindi ko na nga lang siya pinansin at ganadong kumain ako. Nang mabusog at maubos ko ang pagkain ko ay kumuha ako ng orange at kumagat. Hmm.. Ang tamis at ang sarap. Bagay na bagay sa kinain ko. Pampababa ng kinain. Napatingin ako kay Dante ng maupo siya sa tabi ko at inalok ang inumin niya. Nagdadalawang isip pa ako dahil ininuman niya iyon. "Ayaw mo?"tanong niya. Pero nauuhaw na rin ako at wala pa akong nagiging panulak sa kinain ko. Kaya walang choice na kinuha ko. Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ang nguso ng bote. At nang mapunasan ko ay tsaka ako uminom. Humarap ako sa kanya ng matapos akong uminom pero nagulat ako dahil magkalapit na ang mukha namin. Tumingin siya sa akin. Kinabahan naman ako kaya hinarang ko ang inumin niya sa pagitan ng mukha namin para maalis ang titig niya sa akin na nagpakaba sa akin. "T-tapos na akong uminom." sabi ko. Kinuha niya ang bottled water kaya umayos ako ng upo at niligpit ang pinagkainan ko. "May gusto ka ba 'don sa lalakeng kaklase mo?" tanong niya sa maawtoridad na tono. Namula naman ako at pekeng natawa, "Ano bang tanong 'yan?" tumingin ako sa kanya pero nakatingin siya sa kawalan at seryoso lang habang uminom uli ng tubig. Napahigpit ang hawak ko sa container dahil nahihiya ako na sabihin. "Hindi ka pwede do'n. Mag-focus ka sa pag-aaral mo." pagpa-patuloy at pagbabawal niya. Tinignan ko siya uli, "Bakit, sino ba may sabi na pwede ako? Masama bang magkaroon ng crush sa kanya? Tsaka focus kaya ako sa study ko. Hmp!" depensa ko. Tumayo ako at lumapit sa bag na pinaglagyan niya kanina ng pagkain. Naupo ako at sinilid ko doon ang container na kinainan ko at maging ang kanya. Sinara ko ang zipper at tumayo na ako. "Babalik na ako. Baka tapos na rin silang kumain at tiyak na may activities na ipagagawa sa amin si Ma'am... Hmm, salamat sa food." paalam ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang bag at tumingin siya sa akin. "Okay, but don't mad at me." suyo niya at humawak sa braso ko. "Huh?" Tumingin siya sa akin at parang ang daming sinasabi ng mga mata niya. Napatingin ako sa kamay niya ng humawak siya sa mukha ko. Bigla ay nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bumaba ng unti-unti ang mukha niya sa mukha ko. Pero hindi doon ako natakot kundi sa paa ko na tila may lumilingkis. "M-mister.." humawak ako sa damit niya kaya nagtataka na tinignan niya ako, "m-may ahas sa paa ko." sabi ko. Nakita ko na nagulat siya at napatingin sa paa ko. Dahil sa sobrang takot ko ay napayakap ako sa leeg niya at napayakap ang mga binti ko sa baywang niya para hindi ako maabot ng ahas. "Waaaahh! May ahas!" tili ko. Hinampas ko ang balikat ni Dante at tumingin sa ahas na ngayon ay nasa paa ni Dante nakalingkis. "Patayin mo! Patayin mo!" sigaw ko pa. Imbes na matakot siya ay humalakhak pa siya. Niyakap niya ako at pinasubsob ang mukha ko sa leeg niya. "Hindi na kailangan na patayin, dahil mapapaalis ko din 'yan." sabi niya. Narinig ko ang pagpito niya kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin habang pumipito. Pero nang matapos siya ay ngumiti siya. "Wala na." aniya. "Huh?" tumingin ako sa paa niya at wala na nga. Nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti naman at wala na. Pero natigilan ako ng bigla kong ma-realize kung nasaan ako ngayon. Nahihiyang inalis ko ang mga binti ko sa baywang niya at napayuko na bababa sana ako pero napatingin ako sa kanya ng humigpit ang yakap niya sa baywang ko. "I can protect you. Only you." aniya habang nakatitig sa akin na para bang marami siyang nais na gawin. Awkward na ngumiti ako at bigla akong pinag-initan ng pisngi sa sinabi niya. "Hindi mo naman ako kailangan na protektahan." sabi ko at pilit na umaalis sa bisig niya. "Kailangan at hindi mo maalis sa akin iyon." sabi niya na seryosong-seryoso. Ano ba 'to? Bakit ayaw pa niya akong bitawan? Nakakailang lalo't dikit na dikit ako sa kanya. "S-sige.. pero bitawan mo na ako. Bumalik na tayo baka hinahanap na ako ni Ma'am." Huminga siya ng malalim at tinignan uli ako, "Can I have something from you?" tanong niya. "Huh? Ano naman 'yon?" nakatingala ako sa kanya dahil kahit buhat niya ako ay mas malaki pa rin siya sa akin. Nagtataka na napatingin ako sa kanya ng ipahawak niya ako sa leeg niya para umangkla uli. Hinapit pa niya ako sa baywang at hinawakan ako sa ulo. Unti-unting nanlaki ang mata ko ng lumapit ang mukha niya sa akin. Tumitig siya sa mga mata ko bago itagilid ang ulo niya at naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. "E-eh.." nilayo ko ang mukha ko pero hinapit niya uli ang ulo ko at sa pagkakataong iyon ay sinakop niya ng buo ang labi ko. Hindi ko alam ang gagawin at para akong nanigas sa bisig niya sa pagkabigla. Humawak ako sa balikat niya para lumayo sa labi niya at lumayo ang labi niya. Nabitawan niya ang labi ko at tumigil siya sa paghalik bago napatingin sa akin. "B-bakit mo ako hinalikan?" tanong ko na may kasamang nebryos sa tono ko. Umangat ang sulok ng labi niya at hinalikan ako sa noo, "I want to protect what's mine and I want to mark you as mine." aniya at binitawan ang baywang ko kaya agad akong lumayo sa kanya. Napatakip ako ng bibig at natutulala pa ako sa ginawa niya. Malakas na binayo ko ang dibdib niya at agad akong tumakbo para lumabas ng kweba. Wala akong masabi dahil bago sa akin ang ginawa niya. At gusto ko man siyang sigawan dahil kinuha niya ang first kiss ko pero hindi ako nakapag-react agad dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Agad niya akong nahabol at pinigil sa braso pero hinawi ko ang kamay niya. "Damn it!" sigaw niya kaya natakot ako dahil seryoso siya. Huminga siya ng malalim at hinila uli ako. Pilit kong binabaklas ang kamay niya sa braso ko pero mahigpit ang kamay niyang nakahawak. Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya ngayon. Hindi na niya ako binuhat na parang sako bagkus ay pinangko niya ako na parang pang-bridal style. Nakayuko ang ulo ko habang tumatawid siya sa ilog. Nang makarating kami sa mabato at walang tubig ay hindi pa rin niya ako binababa. "Ibaba mo na ako." sabi ko. Hindi siya nakinig at nang makarating kami sa patag na lupa ay doon niya ako binaba kung saan malapit sa camp. Agad ko siyang tinalikuran. "Anna." tawag niya sa maawtoridad na tono. "Don't talk to me. I hate you." sabi ko. Bigla akong napahinto ng makarating agad siya sa harap ko. Iiwasan ko sana siya pero hindi niya ako hinayaan na makaalis sa kinatatayuan ko. "You can't hate me just because I kiss you." sabi niya. "Bakit hindi, ha? First kiss ko 'yon!" tinulak ko siya sa dibdib pero hindi man lang siya natinag. "I know." napatigil ako sa sinabi niya at tinignan siya, "don't hate me because I-i.." "Ano?" Binuka niya ang bibig pero wala namang boses na lumalabas. Napahinga siya ng malalim at humawak sa mukha ko. "You're so cute, babe." aniya kaya halos umusok ang ilong ko sa sinabi inya. "Huwag mo kong matawag-tawag na babe. Anna ang name ko. At 'wag mo akong tatawaging 'cute', hindi naman ako cute." sabi ko. Natawa siya kaya umirap ako at iniwasan siya. Nagmadali akong lumayo sa kanya at dinig ko ang tawa niyang pang-asar. Umiling-iling ako at pinalo ang pisngi ko. Argh! Nakakainis ang lalakeng iyon! Bakit ba kasi niya ako hinalikan? Napatingin sa akin sila Amy ng makabalik ako. Nginisihan ako ng mga ito tila ba may ginawa na naman ako. "Nasa loob talaga ang kulo." parinig ni Amy pero hindi ko na pinansin. Napatingin ako kay Darrel at ngumiti, pero nawala ang ngiti ko ng umiwas siya ng tingin at lumapit sa mga kaklase naming lalake. Bigla ay para akong napahiya lalo na nang magtawanan sila Amy ng makita ang pag-iwas sa akin ni Darrel. Napayuko ako at naupo sa isang bato kung saan malayo sa mga kaklase ko. Napatingin ako kay Darrel at naguguluhan ako kung bakit niya ako iniiwasan ngayon? "Slut." "Yeah. Akala niya ang ganda niya dahil dalawa pa ang tinutuhog." sabi ni Amy. "Class! Dahil tapos na kayo mag-lunch at mag-pahinga. Let's proceed to our activity." sabi ni Ma'am. Natigil lang sila Amy ng mag-salita si Ma'am. Hindi ako mapakali dahil hindi ako pinapansin ni Darrel. Siya pa naman ang partner ko ngayon. "Ang activity ngayon ay dapat na mahanap niyo ang mga tinago naming red notes. At kapag nahanap niyo na ay pwede na kayong magtampisaw sa dagat. Tandaan, ang hindi makakakuha ay siya ang aatasan sa pagkain natin mamayang gabi." paliwanag ni Ma'am sa gagawin. Napuno ng excitement ang mga kaklase ko. Tumingin ako kay Darrel na nakipag-apiran sa mga kaklase kong lalake. Agad na nagsimula ang activity at iniwan ako ni Darrel para sumama sa mga kaklase kong lalake. Tumingin ako kay Dante na nakahalukipkip habang katabi sila Dex. Sinenyasan ako ni Dex na kaya ko daw kaya tumango na lang ako at sumunod sa mga girls. Dahil wala akong kasama kaya sumunod lang ako sa mga girls. Pero nililibot ko ang tingin ko para makahanap ng red note. "Anna." Napatingin ako kela Amy. Humalukipkip si Amy na lumapit sa akin. "Gusto mo ba na tumulong para makahanap ng red notes?" tanong niya. Tumango ako, "Oo." tugon ko. Ngumiti siya at nagkatinginan sila ng chicken pet niya at pati ang ibang girls. "Okay. Doon ka sa gawing iyon at kami rito sa way na ito." sabi niya. Tinignan ko ang tinuro niya at nakita ko na medyo masukal na kagubatan iyon. Tumingin ako kela Amy. "Ako lang mag-isa?" tanong ko. Kasi hindi ko kaya. Baka maligaw ako. Ngumiti si Amy tila ba bago lang sa paningin ko. Dati kasi ay ngisi ang palagi niyang bungad sa akin. "Kaya mo 'yan. At paiibahin ko rin ng way ang iba para mabilis natin mahanap ang red note. Kaya sige na, doon ka, ha?" paliwanag niya. Huminga ako ng malalim at tumango na kinangiti niya maging ng ibang girls. Umalis na sila kaya humugot ako ng hangin at tinatahak ang daang tinuro ni Amy. Hinawi ko ang mga sanga ng puno habang kinakabahan ako na tinatahak ang masukal na gubat. Luminga-linga ako sa mga puno dahil baka doon nilagay ang mga red note. Lakad lang ako ng lakad at hanap ng hanap pero hindi ko pa rin makita ang red note. Napagod na rin ako kaya naisipan ko na bumalik na lang pero kinabahan ako sa paglingon ko dahil hindi ko na maalala ang dinaanan ko. Agad akong tumakbo habang nagsisimula ng mangilid ang luha ko. "Amy! Nasaan kayo?! Amy!" Nadapa ako ng matisod ako sa ugat ng puno. Napamaang ako habang napapangiwi sa sakit ng paa ko. Napaiyak ako hindi dahil sa sakit, kundi sa takot na hindi makaalis sa masukal na gubat na ito. Tumayo ako kahit iniinda ko pa ang sakit ng paa ko. Lalo akong naguluhan sa daan dahil ang daming interseksyon. Tumingin ako sa langit at maliwanag pa naman. Lakad ako ng lakad at tila mas lalo lang akong lumalayo at naliligaw. Natatakot ako na abutin ng dilim dahil baka hindi na ako makabalik pa sa camp. Bigla ay napatili ako at biglang nagdilim ang paningin ko ng mahulog ako sa isang malalim na hukay. 'Please help me...' piping hiling ko. Napakislot ako at unti-unti akong dumilat. Sumalubong sa akin ang kadiliman kaya napaupo ako. Naalala ko na nahulog ako sa isang hukay. Madilim na! Ibig sabihin ay kanina pa ako nawawala. Napatayo ako at kinapa ang pader ng lupa. Napaiyak ako dahil hindi ko alam kung paano ako makakaalis rito. Napaupo na lang ako at niyakap ang mga binti ko habang umiiyak. Ano ba namang kamalasan ito? Dapat kasi ay hindi ko sinunod si Amy. Puro kapahamakan lang ang ganti no'n sa akin. Nakarinig ako ng hiyaw ng uwak kaya mas lalo akong natakot. Dasal ako ng dasal na sana ay may tumulong sa akin. Kahit imposible ay sana meron man lang maghanap sa akin kahit sino sa mga kaklase ko o kela Ma'am. "Anna! Nasaan ka?! Anna!" Bigla ay napatigil ako sa pag-iyak. Agad akong napatayo ng marinig ang boses ni Dante. "Dante! Dante! Narito ako!" sigaw ko. Binuhos ko ang buong lakas ko sa pagsigaw para marinig niya. Napatigil lang ako ng makita ang ilaw at napaiyak ako ng makita kong sumilip si Dante. Napabuga siya ng hangin at nabigla ako ng tumalon siya bigla para magpahulog din sa hukay. "Bakit tumalon ka pa? Paano tayo makaalis?" tanong ko at nainis dahil hindi ba siya nag-iisip? "Ayos ka lang?" tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko. Tumango ako at nagpunas ng luha. Bigla niya akong niyakap kaya napaiyak uli ako dahil nawala ang takot ko ng yakapin niya ako. "Umalis na tayo rito. Ayoko na rito." pakiusap ko. "Oo, aalis na tayo. Tahan na. Sabi ko naman sa 'yo ay poprotektahan kita kahit anong mangyari." sabi niya. Hinaplos niya ang buhok ko habang mahigpit na yakap ako. Bumitaw siya at pinunasan ang luha ko. "Tahan na," tumango ako sa kanya, "sumakay ka sa likod ko." aniya at tumalikod sa akin. "Huh? E, baka mabigatan ka? Tsaka paano tayo makakaalis kung buhat mo ako?" tanong ko "Basta. Sanay ako sa ganito, kaya 'wag ka nang maraming tanong." sagot niya. Tsss. Ang sungit na naman. Kumapit ako sa leeg niya ng mahigpit ng hawakan niya ang legs ko at ipayakap sa baywang niya. Nilagay niya sa bibig ang dala niyang flashlight at napamaang ako ng makita na may dala siyang dalawang medyo maliit na kutsilyo. Malakas na tinukso niya iyon sa lupa at gamit ang isa pang kutsilyo ay tinukso niya din iyon hanggang sa paakyat kami ng paakyat. Napakalakas niya para paulit-ulit na itusok ang kutsilyo at hugutin sa lupa habang paakyat kami. At take note! Buhat pa niya ako. "Mauna kang umakyat." aniya ng makarating na kami sa ibabaw. "B-baka mahulog ako." alanganing sabi ko. "Kaya mo 'yan. Hindi ka mahuhulog dahil sasaluhin kita kung mangyari man iyon." sabi niya kaya naman wala na akong choice. Humawak ako sa ibabaw ng lupa at pilit na inaahon ang katawan ko. Umapak ako sa balikat niya pero napasinghap ako dahil akala ko ay mahuhulog ako. Sinalo ako sa pang-upo ni Dante kaya tinignan ko siya. "Huwag mo nga akong hawakan diyan." suway ko. "Damn it! Umakyat ka na at nangangawit na ako." masungit niyang pagmamadali sa akin. Ngumuso ako at huminga ako ng malalim bago ko binuhos ang buong lakas ko para umakyat. Nang makaakyat ako ay nakahinga ako ng maluwag. Agad kong dinaluhan si Dante at tinulungan sa pag-akyat niya. Nang makaakyat siya ay hinugot niya ang kutsilyo sa lupa at nilagay sa suksukan niya na nasa gilid ng pantalon niya. Napaupo na lang ako sa pagod at napaiyak ulit ako dahil kung hindi siya dumating ay baka hindi na ako nahanap pa. Napayakap ako sa kanya at umiyak sa leeg niya ng maupo siya sa harap ko para damayan ako.. "Thank you, Dante. Natatakot talaga ako na baka walang maghanap sa akin. Hindi ko akalain na hahanapin mo ako." sabi ko. Tumugon siya sa yakap ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Hahanapin talaga kita kahit pa nasaan ka. I'll protect you no matter what happen. And I'll always here for you." wika niya. Tumayo siya at tinayo ako habang magkayakap pa rin kami. Tumingin ako sa kanya habang nakayakap ako sa leeg niya at siya ay nakayakap sa baywang ko. Kumabog na naman ang dibdib ko. Kahit medyo madilim ay kita ko pa rin ang mga mata niya. Humigpit ang yakap niya sa akin at lumapit ang mukha niya. "'W-wag." pigil ko. "Bakit?" halos pabulong niyang tanong habang nakatitig siya sa akin. "Hindi ko gusto na kunin mo pa ang second kiss ko. Hindi ko nga pinangarap na ikaw ang makakuha ng first kiss ko, e." sabi ko. Ngumiti siya, "I can kiss you all the time and no one can stop me, even you." aniya at nilapit niya ng tuluyan ang mukha sa akin. Napapikit ako ng sakupin niya ang labi ko habang mahigpit akong yakap. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinahalikan pero hindi ko rin siya mapigilan dahil para siyang may salamangkang nilagay sa akin at hindi ko matanggihan ang halik niyang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD