"Son, I want you to investigate him." Tinignan ko ang folder na laman ay ang profile ng taong nais na ipaimbestiga ni Chief, My dad. "Sya ang matagal ng napapabalitang isa sa mga drug lord. Gusto kong kumuha ka ng katibayan para mahuli na sya pati ang isa pang drug lord na kasosyo nya." Pabagsak na naupo ako at napahilot ng sentido. Sa mundong pinili ko ay masaya ako ngunit kaakibat din no'n ang buong araw na paggugol ko sa trabaho. "Boss." Tumingin ako kay Dex na pumasok ng opisina ko na may dalang meryenda. Sumandal ako sa kinauupuan kong recliner. "Thanks." "Nagpunta nga pala rito yung fiancé nyo." Binuklat ko ang folder na laman ay profile ng drug lord na pinapagawa sa akin ni Dad. "And?" "Ayun, umalis ng malamang wala ka. Hanep din no'n, parang asong sunod ng sunod sa'yo."

