Pagkatapos ng binyag ni Third ay sunod na inasikaso namin ni Dante ang lahat ng mga kailangan namin sa kasal. Medyo nakakapagod din pala. Pili ng gown na magiging design ng wedding gown ko, pati cake at kakainin sa reception ay pumipili rin kami at tinitikman. Ang huli ay mga souvenir at invitation. Si Aubrey ang pinili naming designer para gawin ang gown ko. Kaya alam ko na magiging maganda ang kalalabasan no'n. Ang maghahanda ng pagkain namin ay ang Graciano production. At sa reception ay sa isang cruise ship na matagal nang gustong dalhin ako doon ni Dante. Kahit nakakapagod ay excited ako sa nalalapit naming kasal. Ganito pala ang feeling ng mga bride na parang nakakapressure pero alam mong may happiness na kasama. Napahilot ako sa sentido ko bago nahiga. Medyo masakit lang ang ulo

