KABANATA 12 - MEET HIS FAMILY

4025 Words
HINDI AKO MAPAKALI dahil ngayong araw ko makakadaop palad ang pamilya ni Dante. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng pamilya niya para sa kanya.. "Anak, saan ka pupunta?" Tumingin ako kay Papa na kalalabas lang ng kwarto niya. Pansin ko na madalas umaalis ng bahay si Papa at palagi pang kasama si Secretary Rosales. Kaya ngayon lang ako makakatyempo na makapagsabi. "Pa, pupunta po ako kay Dante. Meron po kasing event sa pamilya niya at inaya po niya ako." "Bakit hindi ko alam 'to? Bakit hindi pinaalam ito ni Soriano?" Napangiti naman ako dahil alam ko na nagtatampo siya kaya lumapit ako sa kanya at yumakap sa baywang niya. "Sabi ko po kasi na ako na po ang magsasabi sa inyo.. Tsaka, palagi po kayong umaalis kaya po hindi ko agad nasasabi sa inyo.." Napahinga siya ng malalim. "Pasensya na at marami lang inaayos ang Papa mo. Pero gusto mo ba samahan kita sa event na iyon? Baka kung anong gawin sa 'yong masama ni Soriano at nang pamilya niya.." Natawa ako kay Papa at inilingan ko siya. "Ano naman pong gagawing masama sa akin ni Dante? Tsaka, kaya ko na po ang sarili ko, hindi naman po ako pababayaan ni Dante doon." Hinaplos niya ang likod ko at hindi ko na naman mabasa ang iniisip ni Papa. "Sana nga anak.. Kung ako ang masusunod ay hindi kita hahayaan na kay Soriano ka mapunta. Oras na may gawin siya sa 'yo na ikasasakit mo ay hindi titigil si Papa na parusahan ang lalakeng iyon." Napangiti naman ako dahil talagang love na love ako ng Papa ko. Kaya nga sobrang mahalaga siya sa akin at hindi ko kayang iwanan. Nang makapagpaalam ay lumabas na ako ng bahay. Napangiti ako ng makitang nakaabang na si Dante. Lumapit ako sa kanya at napangiti siya na umayos ng tayo mula sa pagkakasandal niya sa kotse niya. "Bakit kasi hindi na lang ako dito mag-ayos?" "Hayaan mong ako na ang gumastos sa pag-aayos mo para mamaya... Get in.." Sumakay ako ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nang makasakay ay siya naman ang umikot at sumakay rin. "Anong sabi ng Papa mo? Mabuti at hindi siya tumutol? Balak ko sanang puntahan ka na sa loob." "Ano ka ba.. Kahit naman masyadong strict minsan sa akin si Papa ay papayagan naman ako no'n kapag gusto ko. Tsaka sabi ko naman sa 'yo ay ako na ang bahala.." Ngumiti siya at nang makabitan niya ako ng seatbelt ay napangiti ako ng sakupin niya ang labi ko at hinalikan. Tumugon ako at napahawak sa braso niya dahil nakahawak ang kamay nito sa expose kong hita dahil suot ko ang maikling maong short. "Sa susunod ay 'wag ganitong kaikli ang isusuot mo.. Baka hindi ako makapagpigil palagi sa 'yo." Hinampas ko siya sa braso ng magbitaw ang labi namin at sabihin niya iyon. Ngumisi siya at hinaplos ang hita ko. "Minsan lang naman ako nagsusuot ng ganito at agad din naman ako magpapalit." "Kahit na. Ayoko na magsusuot siya ng ganyan lalo na't sa pampubliko. Ako lang ang dapat makakita ng lahat sa 'yo, maliwanag?" Tumango at ngumiti ako habang haplos ko na ngayon ang mukha niya. "I understand." Ngumiti siya at hinalikan pa ako ng isang beses bago siya umayos ng upo kaya napangiti na tumingin ako sa harapan. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa penthouse niya. Akbay niya ako na naglakad kami papasok. Nakita ko ang ilang babae na nakaupo sa sofa na agad din namang napatayo ng makita kami. "Ayusan niyo na siya at ilang oras na lang ay magsisimula na ang party." "Yes, Sir." Sabay na sabi ng mga babae na make-up artist pala. Tumingin ako kay Dante na inalis ang pagkakaakbay sa akin. Ngumiti siya at naglakad palapit sa couch at naupo habang nakahalukipkip ang mga braso at nakabukaka ng upo. "Miss, tara rito." Napatingin ako sa dalawang babae na inakay ako palapit sa nakaset-up na mga gamit nila para maayos akong maayusan. Naupo ako sa hair dresser chair. Merong salamin na maraming ilaw sa palibot no'n na parang sa mga artista. Inumpisahan na akong ayusan at nakakaantok pala kung walang gagawin maliban sa maupo at hayaan sila na ayusan ako. Si Dante ay prente lang na nakaupo habang pinapanood ang ginagawa sa akin. Nakakailang tuloy dahil kita ko sa salamin kung gaano siya nakatutok sa pag-aayos sa akin. Tinatanong rin siya ng hairstylist at make-up artist kung approve ba siya sa pinapahid sa mukha ko at buhok. "Wag niyong masyadong tapangan ang make-up. Gusto ko ay sakto lang. Yung hindi matatabunan ng make-up ang mukha ng girlfriend ko." Namula naman ako sa sinabi niya kaya sinuway ko siya mula sa salamin. Kumindat siya kaya ngumuso ako para pigilan ang pagngiti ko. Kainis.. Gaya ng sabi niya ay light make-up lang at parang mala-rosas ang mukha ko dahil nga hindi masyadong pinatungan ng maraming make-up ang mukha ko. Para pa rin akong bata. Tapos ang buhok ko ay kinulot ang dulo at tsaka nilagyan ng hair spray para hindi magulo at hindi maalis ang kulot. Sinuotan din nila ako ng hikaw at kwintas na kinamaang ko dahil puro diamonds at halatang original ito. "Okay, makakaalis na kayo. Ito ang bayad ko.." "Thank you, Sir." Nagpaalam na ang mga ito at binibit ang gamit nila. Bumaba ako ng recliner at tumingin kay Dante na lumapit sa akin. "You're so beautiful, Babe." aniya. Napahawak ako sa braso niya ng hapitin niya ako sa baywang palapit sa katawan niya. "Syempre, napahiran ako ng make-up at dahil din dito sa contact lens kaya ka nagagandahan." "No, even with or without make-up you are still beautiful." Hinaplos niya ang mukha ko gamit ang daliri niya at bumaba sa labi ko na may nakapahid na pink lipstick. Hinawakan niya ang mukha ko at nagkatinginan kami ng bumaba ang mukha niya. Lumapat ang labi niya kaya napakapit pa ako sa braso niya. Hinatak niya ako gamit ng isang braso para buhatin kaya napahawak ako sa leeg niya at napayakap ang legs ko sa baywang niya. Napapikit ako ng gumalaw ang labi niya. Naramdaman kong naglakad siya kaya napasabunot ako sa buhok niya ng sipsip niya ang labi ko. Binaba niya ako kaya napadilat ako. Hapit pa rin niya ako habang patuloy ang pagtugon namin ng halik sa isa't-isa. Nakadilat siya at nagkatitigan kami ng mata. Nagbitaw kami at hingal na hingal ako. "Damn, halik palang pero binabaliw mo na ako." "Ramdam ko nga." Ngumisi siya. Pinatalikod niya ako sa kanya at ngayon ko lang pinansin na narito pala kami sa kwarto niya. Napamaang ako ng makita ang magandang pink cocktail gown na nakalapag sa kama. Katabi din no'n ay ang isang pares ng glass shoes. Niyakap niya ako mula sa likod ko at pinatong niya ang baba sa balikat ko. "You like it?" "Uhm.." tumango ako habang hindi mapigilan na mamangha pa rin sa gown. Nilingon ko siya kaya nagkalapit ang mukha namin. "This is for you." sabi niya. "Talaga?" "Yes. And this is the only design made for you." Umalis siya ng yakap at naupo siya sa kama. Kinuha niya ang gown at may hinawakan siya doon. "May foam na rin ito.." Namula ako sa sinabi niya at hinampas ko siya na kinatawa niya. "Anong ibig mong sabihin 'don? Kahit naman wala n'yan ay meron naman kakapitan sa akin." Ngumisi siya. "I know. Used and tested by me." "Heh!" Natawa siya kaya kinuha ko sa kanya ang gown. Maglalakad sana ako para sa walk-in closet niya para magbihis pero pinigilan niya ako sa kamay kaya napatingin ako sa kanya. "Dito ka na magbihis.." Naningkit ang mata ko sa kakaiba niyang ngiti. Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko at tinulak ko ang noo niya kaya napangisi siya. "Style mo, Mr. Dante." "Why?" "Why mo mukha mo! Heh!" Nagmarcha ako patungo sa walking closet niya at narinig ko pa ang halakhak niya, kaya napangiti at napailing ako at pumasok na ng walking-closet. Nilapag ko muna sa table ang gown at hinubad ko ang t-shirt na puti na suot ko pati na ang bra ko. May baon akong cycling kaya sinuot ko iyon bago isuot ang gown. Tumapat ako sa salaming malaki at napangiti ako dahil bagay sa akin ang strap cocktail gown na pink. Hindi ko lang maabot ang zipper pero pinilit ko pa rin. Napalingon ako ng bumukas ang pinto at nakita ko si Dante na topless at ang t-shirt na hinubad ay nakasabit sa balikat niya. "Need help?" Tumango ako kaya lumapit siya sa akin at nagpunta sa likod ko. Naramdaman ko na hinawakan niya ang zipper ng gown na suot ko. Nang maitaas niya iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Nilagay niya sa isang side ang kulot kong buhok at nakiliti naman ako ng halikan niya ang balikat ko habang nakahawak siya sa baywang ko. "You're so hot." bulong niya. "Hot, mukha nga akong bata rito " Tumingin siya sa salamin habang pinapalandas niya ang ilong sa leeg ko tila inaamoy. "Kaya nga mas nakakaakit ka dahil mas naiisip ko na swerte ko at akin ang batang kagaya mo.." Kinilabutan naman ako pero ngumiti ako dahil mas gusto pala niya talaga ng gano'n. Niyakap niya ako kaya mas napalapit ako sa katawan niya. Napahawak ako sa braso niyang nasa baywang ko. "Hindi ka pa ba magbibihis?" tanong ko. Wala atang planong magbihis ang lalakeng ito. "Magbibihis, gusto mo ay sa harap mo pa." Pinalo ko ang braso niya at inirapan ko siya na kinangisi niya. Napatili naman ako ng kagatin niya ang balat ng leeg ko kaya siniko ko siya at nakaalis ako sa yakap niya. "Argh! Bakit mo ako kinagat, ha?" hinampas ko siya na kinatawa niya habang umiiwas sa akin. "Para naman hindi kita araw-araw kinakagat. Mas lalo ka kasing gumaganda, babe." Namula ako at tinalikuran siya na kinatawa niya. Napatili naman ako ng hulihin niya ang baywang ko at mapasandal na naman ako sa katawan niya. "Parang gusto ko munang angkinin ka bago tayo umalis." bulong niya. "Naku, ayoko nga." "Akala mo naman ay uubra sa akin 'yan. Sandali lang, babe, at hindi ako matatahimik hangga't hindi kita naaangkin.." "Dante.." Pinigil ko siya ng humalik siya sa leeg ko, pero hindi ko siya maawat dahil masyado siyang linta kung makayapos. Napahawak ako sa braso niya ng itaas niya ang dulo ng dress ko at mabilis na binaba ang suot kong cycling short at panty. "Pagkatapos ng graduation mo ay sa akin ka na titira.. Kukunin ko na ang karapatan ko." Nagtaka ako sa sinabi niya pero nawaglit sa isip ko iyon ng maramdaman ko ang katigasan ng pagkalalake niya ng ibaba niya ang pantalon. Bumigat ang hininga namin at mahinang nilabasan ng halinghing ang bibig ko ng unti-unti siyang pumapasok sa akin. Napasinghap kami pareho ng sumagad siya sa loob ko. Hindi ko mapigilan na bumigay muli ang katawan ko sa kanya. Halos araw-araw na atang merong nangyayari sa amin at nangangamba ako dahil parang kinaadikan na niya iyon na hindi ko naman mahindian. Kinuha niya ang kamay ko at niyakap niya ako kaya hindi ko maigalaw ang mga braso ko sa pagkakakulong ng mga braso niya. Impit na napaungol kami habang bumibilis ang bawat bayo niya sa akin. Habang tumatagal ay pabigat na pabigat ang hininga namin at patindi ng patindi ang init ng katawan namin. Hindi rin nagtagal ay pareho kaming nakarating sa tuktok ng sarap. Hingal na hingal kami habang ramdam ko ang pagtulo ng katas niya sa hita ko. Hindi pa niya hinuhugot ang pagkalalake niya tila inuubos talaga niya sa loob ko lahat. "Wag ka nang maghugas dahil para mas manuot sa 'yo ang bombang binaon ko." bulong niya at inalis na ang pagkalalake niya. Kumuha siya ng tissue at lumuhod siya sa akin para punasan ang hita ko. Napahawak sa buhok niya at napakagat ako ng labi ng halikan niya ang p********e ko. Tumingala siya sa akin at ngumiti siya na tumayo na. Pinulot niya ang pinaghubaran kong cycling at panty. "Magpahinga ka muna sa kama at magbibihis na ako." aniya at muling lumuhod. Sinuot niya sa akin ang panty ko kaya namumula man sa hiya ay sinuot ko ang panty ko at cycling na pinapasuot niya. Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos kong makaayos. "Sige na." Tumango ako at naglakad para lumabas ng walking-closet. Pinagpawisan rin ako sa nangyari at medyo naiilang ako sa katas ni Dante na lumalabas pa sa akin. Naupo ako sa kama at nakahinga ng maluwag ng makasagap ng mas malamig na aircon. Tinignan ko sa salamin ang mukha ko at mabuti hindi humulas ang make-up ko. 'Yung lipstick lang ang halatang naalis. Ilang sandali lang din ako nagpahangin at ilang sandali lang ay nakabihis na rin si Dante. Isang aqua blue tuxedo ang suot niya at slacks na katerno. May bulaklak pa sa bulsa ng coat at ang gwapo niya sa ayos niya. "I forgot.." aniya na lumapit sa akin at lumuhod. Kinuha niya ang glass shoes at ngumiti siya sa akin na kinuha ang paa ko at pinatong sa hita niya. "Paano mo naman nalaman ang size ko?" Nang masuot sa mga paa ko ang glass shoes ay pumatong ang mga kamay niya sa kama sa magkabilang gilid ko. At tumitig siya sa akin na nakakatunaw. "I have a source. I know everything about you, babe." Medyo umangat siya kaya nagkalapit ang mukha namin habang titig na titig siya sa akin. Napalunok naman ako dahil ang gwapo niya lalo. "Talaga?" "Yes.." "E, ako, wala pang alam sa 'yo masyado." Ngumiti siya at dinampian ako ng isang halik. "Lahat ng pinapakita ko sa 'yo ay ako. At malalaman mo rin ang iba dahil makikilala mo ang pamilya ko. At kapag nagsama na tayo ay mas ipapakita ko pa sa 'yo ang totoong pagkatao ko at kung gaano ako hindi nakakatulog mula ng una palang kita nakilala." May kakaiba sa sinabi niya pero ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Umayos siya ng tayo at naglahad ng kamay sa akin kaya nakangiti na tinanggap ko ang kamay niya. Napatili pa ako ng buhatin niya ako ng makatayo ako. Pinisil ko ang pisngi niya na kinangiti niya. Napailing na lang ako dahil magugulat na lang talaga ako sa pinaggagawa niya. Gamit ang sasakyan niya ay umalis na kami ng penthouse niya. Kinakain naman ako ngayon ng kaba dahil kinakabahan ako na ma-meet ang pamilya niya. Sa isang tila palasyo sa laki kami pumasok. Marami na ring mga nagmamahalang kotse ang naka-park sa paligid. Lahat ng paligid ay may ilaw at maging ang napakalaking fountain na may statue ng isang anghel. "Bahay niyo 'to?" tanong ko sa kanya. "Yes, babe." Lalo akong namangha dahil super rich talaga siya. Mas lalo akong nanliit dahil tila one fourth lang ng bahay nila ang kabuuan ng bahay namin na malaki rin naman pero hindi kasing garbo nito na parang sobrang daming rooms at iba pang parte ng bahay. May dalawang BG na agad tumakbo palapit sa pinaghintuan ni Dante ng makita ang sasakyan niya. "Wait me here.." sabi sa akin ni Dante at bumaba siya. Nakita kong yumuko ang dalawang BG sa kanya pero hindi pinansin ni Dante iyon at umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako sa pagbaba kaya lihim na huminga ako ng malalim dahil mas kinakabahan ako. "Park my car." utos niya sa isang BG at hinagis ang susi niya rito. "Let's go, babe." hinawakan niya ako sa baywang at inakay na kaya tumango ako. Hindi ko mapigilan na pagmasdan ang bawat nadadaanan namin sa bahay nila. Parang europe style siya at pansin ko na mamahaling materyales talaga ang ginamit sa paggawa ng bahay na ito. "Ang laki-laki ng bahay niyo, tapos hindi ka pa tumitira rito." "You want here?" "Huh? Bakit naman ako ang tinatanong mo?" bumaling ako sa kanya at nakatingin siya sa akin pero tumingin din agad sa nilalakaran namin. "Because you are my half." Napakuno't noo ako sa sinabi niya. "Huh?" Hindi na niya ako sinagot dahil may agad na sumalubong sa amin na another BG. "Sir, your Mom and Dad are waiting for you on the stage." Tumango rito si Dante. "Okay, I'm going there." Nang makapasok kami sa pagdadausan ng party ay tugtog ng violin ang bumungad agad sa aking pandinig. At mga masasayang bisitang eleganteng mga nag-uusap sa kanilang kakilala habang umiinom sila ng wine. At ang iba ay napakagara ng kasuotan na talagang pinaghandaan para sa kaarawan ng ama ni Dante. Napakaganda ng set-up ng mga lamesa at upuan. At chandelier din ang lahat ng ilaw. Nahiya ako ng agad mapunta sa amin ang tingin ng lahat. Pero mas tamang sabihin kay Dante sila nakatingin dahil humila ng tingin ang looks niya lalo na sa mga kababaihang mga kaedaran niya na nangingiting tumitig sa kanya tila ba wala ako sa tabi niya. Tumingin ako kay Dante at deretso lang ang tingin niya habang inaalalayan niya ako sa paglalakad. Nang huminto sa pinakaunang lamesa ay nahiya ako ng ipaghila niya ako ng upuan. "Have a sit, babe." sabi niya ng hindi ako maupo agad dahil nahihiya ako dahil nasa amin ang atensyon ng lahat. Para naman hindi na mas nakakahiya ay naupo na ako. Nakita kong sumenyas siya at napatingin ako sa waiter na lumapit. Naupo sa tabi ko si Dante at hinawakan niya ang kamay ko na nasa kandungan ko. "Lagyan mo ng lahat ng putahe ang lamesa namin." utos niya sa waiter. "Masusunod, Sir." "Let's call Mr. Dante.." tawag ng Host kaya pinukaw ko si Dante na nakatingin lang sa akin. "Tinatawag ka na.." Tumingin siya sa stage at napahinga siya ng malalim. "Okay, stay here and wait me, okay?" Tumango ako kaya ngumiti siya na tinitignan ang mukha ko. Binutones muna niya muli ang coat niya at tsaka siya tumayo para pumunta sa stage. Napatingin ako sa isang magandang babae na may katabing foreigner at may kilik na bata. Mataimtim na pinagmasdan ako ng babae at kinabahan ako dahil nakilala ko ito. Ito yung Ate ni Dante. Para niyang tinitignan ang buong pagkatao ko at magkatulad sila ni Dante na tumingin. Nang makaakyat si Dante ay swabe lang itong tumayo matapos niyang bumeso sa kapatid niya at tinanguan ang bayaw niya ata. Bumuka ang bibig ng Ate niya kaya umiwas ako ng tingin ng pareho na silang tumingin sa akin. Nilapag nga lahat ng putahe sa lamesa namin ng waiter. Napakarami no'n at halos hindi na magkasya kaya sinabi ko ay ayos na ang lahat. Ngumiti ako ng umalis na ito at muli akong tumingin kay Dante na binalaan ako ng tingin kaya nawala ang ngiti ko at umayos ako ng upo. "Ladies and Gentleman, let's welcome the birthday celebrant and his wife, Mr. And Mrs. Soriano!" Napuno ng palakpakan ang lahat kaya nakipalakpak din ako. Bumaba mula sa hagdan na nakakonekta sa second floor ang dalawang hindi masyadong kaedaran pero nasa tingin ko ay singkwenta na sila. Kagalang-galang ang lakad at tila sila 'yung tipong hindi yuyuko sa 'yo, dahil ikaw mismo ang yuyuko sa kanila. Seryoso ang mukha ng lalake habang ang babae ay may ngiting donya. Napakaganda din ng kasuotan nila na kulay gold. Maayos din ang ayos nila at kita ko na kung saan nagmana ng kagwapuhan si Dante. Dahil may itsura ang mga magulang niya lalo na nung kabataan siguro. Tumahimik na ang lahat ng makababa ang mag-asawa. Napatingin ang mga ito sa anak nila. Wala namang ano mang reaksyon si Dante. Bumeso sila sa parents nila at kita ko na pinagmasdan si Dante ng Mom niya. "Happy birthday, Senior Dominador." Nagtaas ng kamay ang ama ni Dante kaya napayuko ang host. Kinuha ng ama ni Dante ang mic at sila ng asawa niya ay humarap sa bisita. "Masaya ako na makita ang pagdalo ng mga taong nakakakilala sa akin at sa aming pamilya.." Nagulat ako ng mapunta sa akin ang tingin ng mag-asawa. Kinabahan ako kaya napayuko ako at napapisil ng kamay ko. "At meron rin palang hindi imbitado...." dagdag nito. Pakiramdam ko ay ako ang sinabihan nila, "Anyway, thank you for coming. This day is not just for me. I want to take this oppurtunity to reveal my good news to all of you." Lahat ay nakaabang sa good news na sinasabi ng ama ni Dante. Nakita ko na sumama ang timpla ng mukha ni Dante. "Later, I'll tell you.. But now, I want to introduce our child. Dianara Soriano Hamington with her husband and daughter. And of course, my only son.. Dante Soriano." Pumalakpak ang lahat kaya pumalakpak din ako. Pagkatapos sabihin ng ama ni Dante iyon ay nagtaka ako ng agad bumaba si Dante sa stage na kinatigil ng parents niya. "Thank you and let's celebrate my birthday." pagpapatuloy ng ama ni Dante na may hawak ng alak. Nakatingin ito sa amin ng maupo sa tabi ko si Dante. "Ayos ka lang?" tanong ko. "Yes, don't mind me.. Kumain ka na at narito na pala ang mga pagkain." Nilagyan niya ako sa plato ng pagkain habang ako ay nakatitig sa mukha niya. Hindi ko maunawaan kung bakit parang ilap siya sa pamilya niya. Habang kumakain na kami ay kumabog ang dibdib ko ng mapansin na papunta rito ang pamilya ni Dante. Kaya napahawak ako sa hita ni Dante para pukawin siya. Tumingin ako sa kanya ng tumingin siya sa akin. Nang maunawaan niya ang kinikilos ko ay napahinga siya ng malalim at uminom ng alak na nasa tapat niya. "Son, can you introduce this young lady beside you." Tumingin ako kay Dante na pinapagalaw ang dila sa loob ng bibig niya habang walang emosyon ang mata na nakatingin sa kawalan pero tila pikon na siya. Tumingin siya sa akin at tumayo siya. Inakay niya rin ako patayo kaya hindi ako makatingin ng maayos sobrang kaba sa presensya ng pamilya niya. Umayos ako ng tayo habang napapisil ako ng kamay sa kamay ni Dante. "She's Anna Francia Garcia, mi esposa." Naguluhan man ako sa sinabi ni Dante pero napatingin lamang ako sa ama niya na humalakhak ng mahina. "Did she know it?" "Don't ruin my plans, Dad." Nagkatinginan ang mag-ama at tila ba hindi nasisindak doon si Dante. "Stop both of you.. We have guest at nakakahiya. Marinig pa nila ang pag-uusap niyo." Ngiting-ngiting nakatingin sa mga bisita na nasa kabilang table ang Mommy ni Dante. Tila ba pinapakita na walang namumuong ano mang alitan sa pag-uusap ng pamilya niya. "Well I'm happy if you let me to know more about your esposa, Brother." Napatingin naman si Dante sa Ate niya na may kakaibang ngiti na nakatingin kay Dante. "No." walang kakabog-kabog na tutol ni Dante at inakbayan ako.. Sumama ang tingin ng Ate niya kaya parang hindi na ako makahinga dahil sa pinapakita nila. "You are more possessive now, Brother. As if I can hurt your so innocent esposa." Tumingin sa akin ang Ate niya at ngumiti pero hindi 'yung tipong gagaan ang loob mo, kundi 'yung tipong pangangatugan ka ng tuhod. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa kaya napayuko ako. "Wag na wag niyo siyang gagalawin, Ate. Don't you dare." matigas na sabi ni Dante na kinawala ng ngiting kakaiba ng Ate niya. Napatikhim ang magulang nila at tinapik ng ina nila ang balikat ng ate ni Dante. "Masyado ka lang na-miss ng Ate mo, Anak. Kaya 'wag kang magalit sa kanya." Hindi na pinansin ni Dante ang sinabi ng mom niya at hinila niya ako muli paupo. Prenteng naupo si Dante at kinuha ang kamay ko para hawakan niya. "Leave us alone." Napamaang ako na napatingin kay Dante. Ngumiti sa akin si Dante at pinisil ang kamay ko. "Anong gusto mo pang kainin?" "Ah, ayos na ito." Tumingin ako sa pamilya niya na nakatingin sa amin. Napayuko ako at sumubo ng kinakain ngunit hindi naman ako makakain ng maayos. Nang umalis ang pamilya niya sa harap ng table namin ay nakahinga ako ng maluwag. Tumingin ako kay Dante at umiinom lamang siya ng wine habang hawak ang kaliwang kamay ko. Hindi ko maintindihan ang kinikilos nila pero parang meron silang alitan pero parang wala din. Naguguluhan ako ngunit hindi ko naman malaman ang iniisip nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD