LULAN NA KAMI ng sasakyan at tahimik lamang kami. Pasimpleng sumulyap ako kay Dante at pansin ko na malalim ang iniisip niya kahit nakatingin siya sa daan.
Naging malaki ang epekto sa kanya ng sinabi ni Dex kaya siya nagkakaganyan.
Ang gusto kong malaman ay kung ano iyon? Sino ang chief nila?
Nakarating kami sa harap ng bahay namin na hindi ko siya natatanong about sa nais kong itanong sa iniisip niya.
"Uhm, Dante, are you okay?"
"Yes. I'm okay, Babe. Sige na, pumasok ka na."
Tumango ako at inalis ang seatbelt. Binuksan ko ang pinto at kinuha ko ang bag ko. Bumaba ako at maging siya. Kinuha niya ang teddy bear sa backseat at binigay sa akin kaya kinuha ko.
"Mag-iingat ka sa daan."
"Yes, I will."
Hinalikan niya ako sa labi at tinignan pa niya ako bago siya tumalikod na. Umatras ako palayo sa kotse at tinignan siya na sumakay na. Binaba niya ang bintana sa passenger seat at sinilip ako.
"I'll call you later."
"Okay."
Tumango siya at pinaandar na ang sasakyan kaya nakatanaw ako sa humaharurot niyang sasakyan at mawala na ito sa paningin ko. Napahinga ako ng malalim at humarap sa gate. Nag-doorbell ako kaya lumabas si Mang Rey.
"Good morning, Mang Rey."
"Good morning, Anna. Bakit ngayon ka lang?"
"Ah, ngayon lang po kasi ako hinatid ni Dante."
Tumango siya.
"Sige, pumasok ka na at nasa hapagkain pa ang Papa mo."
Ngumiti ako at humakbang na papasok. Naglilinis ang ilang kasambahay at binati nila ako kaya nginitian ko sila.
"Ah, Ate, pakisuyo nga po na ilagay ito sa kwarto ko. Kakausapin ko lang po si Papa."
Tumango ito at lumapit. Binigay ko sa kanya ang teddy bear kaya naglakad na ako patungong kusina.
Kinakabahan ako ngayon dahil tiyak na galit na sa akin si Papa. Huminga ako ng malalim at pinanatag ang sarili.
Pagpasok ko sa dinning area ay nakita ko si Papa na malalim ang iniisip at hindi ginagalaw ang pagkain.
"P-Papa.."
Nag-angat siya ng tingin at napatayo siya.
"Anak."
Agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
"Patawad po kung hindi ako umuwi, Papa. I'm sorry."
Hinagod niya ang braso ko para pakalmahin.
"Hindi mo na ba gustong makasama si Papa? Nalulungkot si Papa."
Tumingin ako sa kanya at kita ko ang lungkot ng mukha niya kaya nakaramdam ako ng konsensya sa dibdib ko.
"I'm sorry, Papa. Gusto ko po kayong kasama kaya 'wag na po kayong malungkot."
Nagliwanag ang mukha niya at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.
"Kung gano'n ay kahit saan tayo pupunta ay sasama ka kay Papa?"
Napakuno't noo ako sa pagkalito pero tumango ako na kinangiti niya.
"Opo. Bakit, saan po tayo pupunta?"
"Maupo ka muna at kumain ka na ba?"
"Hindi pa po."
"Oh, kumain ka muna at tsaka tayo mag-usap."
Tumango ako at hinubad ang bag tsaka sinabit sa upuan. Naupo ako at ngumiti kay Papa.
"Uhm, Papa, malapit na po ang graduation ko at alam niyo po ba na valedictorian ako?"
"Hindi na nakakapagtaka iyon, Anak. Lagi kang may medalya sa school kaya hindi na ako nagtataka kung ngayong last year mo na sa high school ay may mauwi kang medalya. Kelan ba ang graduation mo?"
"Sa isang linggo na po. Kaya Papa, kayo po ang magsasabit sa akin para makita ng lahat kung gaano ako ka-proud sa inyo."
Napangiti siya at nilagyan ako ng ulam pagkatapos ng kanin.
"Ang bait talaga ng anak ko. O, siya, kumain ka na."
Tumango ako at kinuha ang kubyertos. Napangiti na sumubo ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na galit sa akin si Papa. Akala ko ay galit siya dahil sa penthouse ni Dante ako natulog.
Habang kumakain kami ay lumapit ang sekretarya ni Papa na si Mr. Rosales.
"Hi po."
Ngumiti at tumango ito sa bati ko.
"Anong sasabihin mo at inistorbo mo kami ng anak ko?"
Nakatingin ako sa kanila ng may ibulong si Secretary Rosales. Napatingin ako sa kamay ni Papa na kumuyom at nanginig.
Umayos ng tayo si Secretary Rosales ng matapos siya sa binubulong niya kay Papa.
"May ipagagawa ako sa 'yo. Tara sa office ko."
Tumayo si Papa at tumingin sa akin.
"Maiwan muna kita, Anak. Ipagpatuloy mo ang pagkain."
Tumango ako kaya umalis na sila.
Ano kaya ang binulong ni Sekretary Rosales? Bakit parang hindi mapalagay ang reaksyon ni Papa?
Napahinga ako ng malalim dahil minsan ay hindi ko mahulaan ang iniisip ng mga nakakatanda.
Napabuntonghininga uli ako at nagpatuloy sa pagkain. Sandali lang din akong kumain at pagkatapos ay pinaligpit ko na sa kasambahay ang mga natira para itabi kung sakaling kakain pa si Papa.
Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Nakita ko ang teddy bear sa kama ko kaya napangiti na lumapit ako rito at kinuha.
Niyakap ko ito at pakiramdam ko ay yakap ko si Dante kapag ginagawa ko ito.
Hay! Miss ko na agad siya. .
Naupo ako sa kama ko at binitawan sa kama ang teddy bear. Napahikab ako dahil inaantok pa rin ako. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at tinungo ang banyo para maligo. Gumamit ako ng bathtub para makapag-relax.
Pumikit ako at napakagat ako ng labi ng maalala ang bawat paghawak ni Dante sa katawan ko. Nahaplos ako sa private part ko at naipit ng hita ko ang kamay ko sa kiliting hatid ng paghaplos ko. Hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay nasa loob ko pa rin si Dante. Pakiramdam ko ay hinahanap na siya ng katawan ko. Napahaplos ako sa dibdib ko habang na-i-imagine ko ang lahat ng ginagawa ni Dante sa katawan ko.
Nag-init ako at bumibigat ang pakiramdam ng tiyan ko sa nararamdaman kong pag-iinit. Mariin na napakagat ako ng labi habang bumibigat ang paghinga ko sa sensasyong nararamdaman ko.
Hindi ko na nakayanan kaya mas lalong inipit ng hita ko ang kamay ko at nanginig ako.
Hingal na hingal ako sa ginawa ko. Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong papaligayahin ko ang sarili ko.
Kasalanan ito ni Dante. Pakiramdam ko ay palagi na siyang hinahanap ng katawan ko. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang laging kapiling.
Umahon ako sa bathtub at nagbanlaw. Nag-shampoo na rin ako at pagkatapos ay nagsabon ng katawan. Saglit lang din ng matapos ako ay lumabas ako habang tinatapis sa katawan ko ang towel.
Lumapit ako sa closet ko at kumuha ng komportableng pantulog ko. Nang makahanap ay sinuot ko agad iyon. Nagbubutones ako ng blouse na pantulog ko habang lumalapit sa tukador.
Kinuha ko ang blower at nagpatiyo ako ng buhok gamit iyon.
Habang nagpapatiyo ay hindi ko mawaglit sa isip ko ang mga iniisip nila Papa at Dante. Gusto ko mang magtanong ngunit alam ko na hindi rin nila sasabihin dahil sa isip nila ay bata pa ako para maintindihan.
Ayoko ng pakiramdam na iyon. Alam ko sa sarili ko na matured na ako kaya maiintindihan ko rin naman kung sasabihin nila. Pero siguro ay hahayaan ko na lang iyon, tutal baka wala rin naman akong kinalaman doon.
Pagkatapos matiyo ng buhok ko ay lumapit na ako sa kama at sumampa. Agad akong lumapit sa unan ko at inayos ko si teddy bear sa kabilang side para i-upo at isandal sa head board ng kama. Nahiga na ako at inunan ang mga kamay ko habang nakatagilid ng higa at nakatingin kay teddy bear.
Napangiti ako at pumikit dahil hinihila na talaga ako ng antok. First time kong matulog ng maaga dahil sa puyat. Nakakapanibago na talaga.
Hanggang sa panaginip ko ay naroon si Dante. Pero bumigat ang loob ko na hindi ko malaman kung bakit umiiyak ako habang nakatingin sa kanya. Parang sobra akong nasaktan. Wala siyang ano mang emosyong pinapakita sa akin basta iyak ako ng iyak habang nagkakatinginan kami.
Nang unti-unting lumabo at mawala si Dante ay napasinghap ako at napadilat. Napaupo ako at napahawak sa dibdib ko. Hingal na hingal ako at inalala ang naging panaginip ko.
Ano 'yon? Bakit gano'n ang napanaginipan ko?
Tumingin ako sa paligid at sa bintana. Nakita ko ang kulay kahel na liwanag ng kalangitan kaya napasapo ako sa ulo ko ng sumakit ito sa tagal ng naging tulog ko. Nahiga uli ako at natulala sa kisame.
Iniisip ko pa rin kung bakit gano'n ang napanaginipan ko? Parang may ginawa si Dante na kinasakit ng loob ko.
Napaidtad pa ako ng mag-ring ang cellphone ko. Napahinga ako ng malalim at gumapang ako palapit sa dulo nitong kama at inabot ang cellphone ko na nakapatong sa table.
Naupo ako at tinignan ang tumatawag at nakita ko na si Dante. Napatikhim ako at sinagot ang tawag niya.
"Hello.."
"Hi, Babe. Are you busy? I was calling you but you didn't answer my calls."
"Oh, sorry, nakatulog kasi ako."
"It's okay. I understand. Uhh, I just missed you, babe."
Napangiti naman ako.
"Miss na din naman kita."
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"It's good too hear that. Anyway, my Dad's birthday celebration is tomorrow evening. I want you to be my date."
"A-ano? Hindi ba nakakahiya? Hindi pa naman ako kilala ng parents mo. Tsaka wala akong isusuot."
"Kaya nga, isasama kita para ipakilala sa kanila. And don't worry they are not eating you."
"Heh!"
Natawa siya kaya napailing na lang ako.
"So, are you going out with me? Ako na ang bahala sa isusuot mo."
"Uhm, yes, but I'm nervous."
"Don't be. Hindi ka nila sasaktan dahil nasa tabi mo ako."
Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti.
"Sige.."
"Alright. So, let's talk later. Tinawagan lang kita dahil na-miss ko na ang tinig mo at para sabihin sa 'yo na ikaw ang ka-date ko. Tatapusin ko lang itong trabaho ko."
"Okay. Bye."
"I love you, babe. Bye."
Napangiti na napatingin ako sa cellphone ko at wala na siya sa kabilang linya. Nag-unat ako ng braso dahil kahit papaano ay naalis ang naging bangungot ko.
May kumatok kaya naibaba ko ang kamay ko mula sa pag-uunat. Bumukas ang pinto at nakita ko si Manang Merly.
"Anna, mabuti't gising ka na. Pinapatawag ka ng Papa mo sa opisina niya at nais ka niyang makausap."
"Okay po, Manang. Mag-aayos lang po ako at bababa na rin."
Tumango siya at sinara na ang pinto. Nilapag ko sa side table ang cellphone ko at umalis na ako sa kama. Nagpunta ako sa banyo ko para maghilamos at magmumog. Para akong lasing sa itsura ko. Tapos ang mga mata ko ay naniningkit sa pagkakatulog.
Inayos ko lang ang buhok ko at gumamit lang ako ng banyo pagkatapos ay lumabas na rin. Tinungo ko ang closet ko at kumuha ng sando para presko naman. Hindi na ako nagpalit ng pambabang pantulog ko at lumabas na ako ng kwarto ko.
Wala nang naglilisawang mga kasambahay dahil tila namamahinga na sila, lalo't hapon na. Kumalam naman ang sikmura ko at ngayon lang ako nakaramdam uli ng gutom. Kumain naman bago matulog, pero gutom na naman ako.
Pagbaba ko, sa kusina muna ako dumeretso at nakita ko ang tagapagluto namin.
"Miss Anna, nagugutom ka na ba?"
"Opo, Ate." sabi ko at napahawak ako sa tiyan ko.
"Sige, Miss Anna. Magtungo ka na sa dinning table at ipaghahanda kita ng makakain."
Tumango ako at lumabas na ng kusina. Naupo ako sa silya at pumalumbaba sa lamesa. Natulala ako dahil nakakapanlata ang araw na ito. Napabuntonghininga ako at napaayos ng upo ng agad na makita ko si Ate na dala ang kakainin ko.
Tinolang manok..
Kaya natakam ako at agad na nagsandok ng kanin. Humigop ako ng sabaw at napapikit ako sa sarap.
"The best ka pa rin magluto, Ate!"
Napangiti siya at nilapag ang baso ng juice sa harap ko.
"Mabuti naman at nasarapan ka, Miss Anna. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka pa. Haharapin ko lang 'yung ginagawa kong meryenda para mamaya."
Tumango ako at kumuha ng manok. Sulit ang gutom ko dahil ang sarap ng tinola na mainit-init pa.
Habang kumakain ako ay biglang nakaramdam ako ng pagbabaliktad ng sikmura ko. Agad akong napatayo habang nakahawak sa bibig ko. Pumunta ako sa kusina at mabilis na lumapit sa lababo.
Binuksan ko ang gripo at nagsuka ako.
"Anna, ayos ka lang?"
Huminga ako ng malalim at nagmumog. Para pa rin bumabaliktad ang sikmura ko.
"O-opo. Ayos lang ako, Ate. Medyo sumama lang po timpla ng tiyan ko."
"Naku, baka sa niluto ko?"
Nanghihina na humarap ako kay Ate dahil sa kaba sa boses niya.
"Hindi po doon, Ate. Gutom na gutom po kasi ako kaya siguro ako nasuka ng mabigla ang tiyan ko."
Napahinga naman siya ng malalim habang hindi mapakali.
"Gano'n ba. . . Sandali, sasabihin ko ito sa Papa mo. Baka nasira na ang tiyan mo."
Pinigil ko siya sa braso ng ambang aalis na siya para tawagin si Papa.
"Ayos lang po talaga ako, Ate. 'Wag niyo na po ito sabihin kay Papa at tiyak na magpapatawag pa iyon ng doctor. Simpleng pagbaliktad lang po ng sikmura ang naramdaman ko kaya 'wag na po kayong mag-alala."
Tumango siya kaya ngumiti ako at humarap uli sa lababo para magmumog ng maigi. Napahinga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko para himasin dahil parang lalong sumama ang pakiramdam ko.
Hindi ko na pinagpatuloy ang pagkain at pumanik na ako sa taas para ipahinga itong nararamdaman kong sama ng pakiramdam.
Nahiga agad ako sa kama pagkarating ko sa kwarto. Napahawak ako sa tiyan ko at dibdib para himasin dahil parang hindi pa rin bumababa ang kinain ko.
Sa gano'ng pakiramdam ay nakatulog akong muli. Pero paggising ko ay agad akong bumangon at tumakbo patungo sa banyo habang sapo-sapo ko ang bibig at dibdib ko.
Agad akong napahawak sa lababo at sumuka. Binuhay ko ang gripo at napahawak ako sa dibdib ko para tapikin ito.
Hingal na hingal at hinang-hina ako sa dami kong sinuka. Tumingin ako sa salamin at ang putla ko. Kinakabahan ako dahil baka meron na akong sakit kaya ako nagsusuka. Ang sakit din ng ulo ko dahil sa bigla kong pagbangon.
Naupo ako sa tiolet at napasapo ako ng mukha.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? May sakit nga ba ako?
Napahinga ako ng malalim. Hindi na dapat malaman ito ni Papa dahil baka mag-alala lang iyon. Huminga ako uli ng malalim at umalis sa pagkakaupo sa toilet.
Lumabas ako ng banyo at naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Pagbaba ko ay saktong nakita ko si Papa.
"Anak, magdamag kang natulog? Anong oras na? Makakatulog ka pa ba n'yan?"
Lumunok ako at lumapit sa kanya na nakaupo sa sofa habang nasa tabi niya si Secretary Rosales.
"Masakit lang po ang ulo ko, Papa, kaya po natagalan ang naging tulog ko." bumeso ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Gano'n ba. Uminom ka na ba ng gamot sa sakit ng ulo? Gusto mo bang magpa-check up?"
Sabi ko na nga ba.
"Hindi na po, mawawala rin po ito mamaya."
Napahinga siya ng malalim at tumango.
"Anyway, I have something to tell you."
Tinignan ko siya at nagtinginan sila ni Secretary Rosales.
"Ano po 'yun?"
Humarap siya sa akin ng kaunti at hinaplos ni Papa ang buhok ko na ginagawa niya kapag nag-aalala siya para sa akin.
"Anak, sana ay maunawaan mo si Papa. Kailangan ko lang itong gawin para sa kinabukasan mo.."
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Kaya napakuno't noo akong tinignan siya.
"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?"
Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, nakausap ko na ang Tita Olivia mo. At nasa proseso na rin ang enrollment mo. Doon ka muna sa amerika mag-aaral, Anak. Doon ka muna sa Tita Olivia mo. Pangako, susunod ako sa 'yo doon."
Bumigat ang hininga ko at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"P-po? Pero Papa, a-ayoko po sa abroad." umiling ako sa kanya at napaiyak na ako.
"Anak, para sa 'yo din ito. 'Di ba, dati ay napag-usapan natin na ako ang pipili ng school mo na papasukan sa college?"
"P-pero Papa, napag-usapan na po natin na dito po ako magka-college. Ayoko po sa abroad, Pa. Dito na lang po ako, please."
"Anna, hindi kita sinuway nung mag-boyfriend ka. Kaya naman this time sundin mo ang nais ko, Anak. 'Wag mong suwayin si Papa."
Napayuko ako habang hindi mapigilan na mapaluha sa pagdisgusto sa nais ni Papa.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumakbo ako para umakyat sa taas.
"Anna!"
Napatakip ako ng bibig at napahagulgol dahil hindi ko mapigilan na mainis kay Papa. Ayokong umalis. Ayokong iwan siya. Ayokong iwan si Dante. At lalong ayokong mag-aral sa ibang bansa.
Pagdating sa kwarto ko ay padapa na nahiga ako sa kama ko habang tahimik na umiiyak.
Takot ako kay Tiya Olivia. Ayoko doon sa amerika dahil tiyak na wala akong kalayaan. Akala ko ay magiging kampante ako sa susunod na pasukan pero ang malamang aalis ako rito ay nagkaroon ng takot sa dibdib ko.
May kumatok kaya hinatak ko ang kumot ko at nagtalukbong ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang paghikbi ko.
"Anak, I'm sorry.."
Lumundo ang kama kaya napasimangot ako.
"I hate you, Papa!"
"Anak, don't hate Papa. I'm doing this for you. At sana ay 'wag na 'wag mong sasabihin ito kay Soriano."
Napatigil ako sa pag-iyak at hinawi ko ang kumot bago napaupo at napatingin kay Papa. Magsasalita sana ako ngunit nauna si Papa.
"Anak, kailangan kong ibangon ang company natin. Ayokong saktan ka ng mga pinagkakautangan ko. Kaya please, pumayag ka na sa nais ko para sa 'yo."
Napamaang ako at hindi makapaniwala.
"I-ibig sabihin po ay nalulugi na po ang negosyo niyo?"
Malungkot siyang ngumiti at hinawakan ang mukha ko para tuyuin ang luha ko.
"Ibabangon ko iyon, Anak. At habang ginagawa ko iyon ay sana doon ka muna sa Tita Olivia mo. Ayokong idawit ka ng mga pinagkakautangan ko."
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya at napaiyak siya kaya nabahala ako at agad na yumakap sa kanya.
"S-sige po, Papa."
"Salamat, Anak.. 'Wag na 'wag mong sasabihin o babanggitin sa boyfriend mo itong pag-alis mo. Baka kapag nalaman ng mga pinagkakautang ko ay baka idamay ka dahil akala nila ay tatakasan ko sila."
Tumango agad ako.
"Opo, Pa."
Bumitaw ako ng yakap at pinunasan niya ang luha ko at malungkot siyang ngumiti. Humikbi ako at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Papa, promise me. Hindi niyo po pababayaan ang sarili niyo. At pangako niyo po na susundan niyo ako doon."
Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
"Syempre naman. Hindi ako malalagay sa panganib at dadalawin kita sa amerika."
Nagyakapan uli kami at mahigpit kong niyakap si Papa dahil ngayon palang ay kumakabog na ang dibdib ko sa lungkot na mawalay sa kanya.