"CELINE, my goodness!" Hinarap ni Celine si Ritz. Kita niya ang pinaghalong pag-aalala at lungkot sa mukha ng kaibigan. Hindi niya alam pero may gulat pa rin sa kanya ang nakita. Napakuyom siya ng kanyang palad habang nakatingin sa dalawang pigura na magkahawak kamay. She doesn't deserve all this pain. She doesn't deserve to be hurt. Pero bakit gano'n? Ano ba ang nagawa niya para maramdaman ang ganitong sakit? "I'm okay," she said, of course she was lying. Paano siya magiging okay kung nakita niya ang asawa niya na kasama si Mirasol na papasok sa condo unit ng huli. Alam niya ito dahil nakapunta na siya rito minsan. She was invited by her bestfriend. Napangiti siya nang mapait. Walang bestfriend ang gagawin ang mga ginagawa ni Mirasol. Narinig niya ang pagpalatak nito at maaanghang n

