NATIGIL si Celine nang makitang nagpunas ng mukha ang kanyang anak. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan nito. At halos madurog ang puso niya sa nakitang tinitignan ng anak niya. Isang batang babae ang sinundo ng daddy nito, kita sa mukha ng bata ang sobrang saya at ganun din sa daddy nito. Nang ibaling niya uli ang tingin sa anak ay mas doble ang sakit na naramdaman niya. Nakatingin na pala sa kanya ito at hilam ang mga luha sa mga mata nito. Kitang-kita niya ang lungkot sa mukha nito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo rito. At nang makalapit na siya ay yumakap lang ito kasabay nang paghagulhol nito. Tila pinupunit ang puso niya sa bawat pagtangis ng kanyang princesa. Dalawang linggo mula nang mangyari ang gulo sa bahay nila nang datnan ng mga magulang niya si Benedict isang uma

