IN JUST a snap of finger. Lahat nang binuo ni Celine ay tila gusaling bigla na lang gumuho. How could Benedict go this far? Talaga bang gustong-gusto nitong niloloko siya? Hindi niya na maintindihan ang mga nangyayari. Akala niya ay nalagpasan na nila ang lahat. When they were in Paris, gusto nitong doon na sila tumira. He even told her for god knows how many times that he loved her so much. Pero bakit? Bakit malalaman niyang magkasama ang mga ito sa Cebu ngayon? Natawa siya bigla. Tawang walang kabuhay-buhay. Unti-unting pumatak muli ang kanyang mga luha habang bumabalot ang sakit sa kanyang buong sistema. Nasasaktan siya isiping pinapakita at pinaparamdam sa kanya ni Benedict na mahal siya nito pero ang totoo ay upang mapagtakpan lang nito ang mga kalokohan nitong ginagawa. Hindi niy

