SINISISI ni Celine ang kanyang sarili sa nangyayari sa kanyang pamilya ngayon. Pakiwari niya ay malaki ang pagkukulang niya bilang ina at higit sa lahat ay asawa. If she could only turn back time. Pipilitin niyang punuin ang naging pagkukulang niya. Pero nangyari na ang nangyari. Kahit ano pa ang gawin niya ay hindi na mababago pa iyon. She smiled bitterly. Ito na lang ang tanging paraang alam niya. Alam niyang marami ang maaapektuhan pero kailangan niyang gawin. "Celine," untag ng kanyang Mommy. "Ano bang mayroon at ang daming handa?" Pinatawag niya ang mga magulang niya, magulang ni Benedict at mga magulang ni Sol. Pero ang ama lang ng huli ang makakarating sa mumunting pagsasalong magaganap ngayong gabi dahil naka-out of the country ang asawa nito. "Basta." Binalik niya ang pagh

