Chapter 5

1777 Words
"MOMMY, si daddy ba iyon?" Napatingin si Celine sa kanyang anak na pupungas-pungas pa habang nasa bungad ng kusina. "Yes, baby." Sumimangot ito. Paano ay missed na missed na nito si Benedict. Sa tuwing tatawag kasi ang asawa ay kung hindi nasa eskwelahan ang anak, tulog naman ito. Maaga kasi ang pasok nito at alas tres nang hapon ang labas. Masyado kasing busy si Benedict sa Cebu. Maging sila man ay saglit lang nagkakausap. Kinukwento lang niya ang nangyari sa kanila ni Angela buong maghapon. Missed na missed na rin sila ni Benedict. Lagi ngang malungkot ang boses nito sa tuwing magkakausap sila. Gustong-gusto na nitong bumalik ng Manila. "'Di ko na naman nakausap," maktol ni Angela. Lumapit siya sa anak at kinarga ito. "Uuwi na rin naman bukas si Daddy. May pasalubong daw siya sa'yo." Inupo niya ito sa isa sa mga stool sa kusina nila at saka niya ito tinimplahan ng gatas. "I missed him so much." "Missed ka na rin naman daw ni Dady. 'Wag na malungkot si baby. Bukas din naman ay nandito na siya." Nakasimangot pa rin ito kaya naman lumuhod siya para magpantay sila ng anak. "Smile ka na. Sige ka, baka hindi pa umuwi si Daddy bukas." Napipilitan naman na ngumiti ito. "Promise?" "Promise," sagot niya at saka niya tinaas ang kanang kamay. "I LOVE you too," sagot ni Benedict kay Celine pagkababa ng tawag na iyon. He missed them so much. Kung pwedi nga lang hilain ang gabi ay ginawa na niya. Excited na siyang umuwi bukas. Ice-celebrate nila ang magandang nangyari sa team niya. Another deal was closed by him. Bukod kasi project nila dito sa Cebu may hindi inaasahang business meeting siyang dinaluhan. Isang Chinese businessman ang kanyang nakausap at nakipagclose ng deal sa kanya. Ginawa niya ang lahat para mapa-oo ang matandang Intsik. At hindi naman siya nabigo. Dahil bago natapos ang usapan nila ay pumirma ito ng kontrata sa kanila. Agad niyang tinawag ang kanyang asawa upang i-balita rito ang magandang nangyari. Iyong tuwa sa tinig ng boses nito ang siyang nagpawala ng kanyang pagod. 'Di rin kasi biro ang pinunta nila rito. Tutok na tutok siya. Ayaw niyang magkamintis sa project na ito. Ito rin ang dahilan kung bakit madalang niyang makausap ang kanyang mag-ina. Lagi na lang niyang iniisip na matatapos na rin naman ito. "Boss, tara inuman na!" kantyaw ng mga ka-team niya. Umiling-iling na lang siya habang nangingiti. "Sige, sagot ko na lahat." Nag-unahan nang lumabas ng hotel ang mga kasama niya. "Ben." Napalingon siya kay Sol. Nakangiti ito habang papalapit sa kanya. Nakalabas ang pantay-pantay na ngipin nito. "Congrats again!" "Congrats sa buong team," aniya na lang. Wala naman kasi siyang ibang sasabihin. Isa pa, medyo ilag siya rito. Pakiramdam niya kasi ay nagiging clingy ito sa kanya. Well, siguro ganon naman ito sa iba. Sumabay na itong lumabas sa kanila. LASING na halos lahat ng mga kasama ni Benedict at hindi maitatangging pati siya ay lasing na rin. Talagang sinagad ng mga ito ang alak. Tutal ay alas dos palang naman ang biyahe nila kaya naman humirit ang mga ito na sagaran na ang pagdiriwang na siya naman sinang-ayunan niya. Pagbalik kasi nila ng Maynila ay subsob na naman sigurado sila sa trabaho. Pa-reward na rin niya ito sa mga kasama na tumulong sa kanya sa project na ito. Napatingin siya sa orasan. Ala-una nang madaling araw. Inaantok na rin siya. Kaya naman nagpaalam na siya sa kanyang mga kasama na mauuna na. Binayaran niya ang bill nila at nag-iwan na lang ng extrang pera. Nahihilo at inaantok na talaga siya. "Sir, sabay niyo na rin si Ms. Mirasol. Mukhang lasing na rin, eh," ani ng isang kasamahan niya. Napatingin siya sa babaeng nakayukyok sa harap ng bartender. Nakatulog na nga yata ito. Katabi niya ito kanina habang nag-iinuman sila. Pero tanging tipid na sagot at tango lang ang binibigay niya rito. Nakaramdam naman yata ito kaya humiwalay ito sa kanila at pumunta sa bar at doon mismo nag-inom mag-isa. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito. Kahit papaano ay bestfriend ito ng asawa niya. Isa pa babae pa rin ito. Lumapit siya rito at tinapik-tapik ito. Tumingala ito sa kanya at biglang ngumisi nang mapagsino siya. "Hey, Mister Sungit." Hindi na niya intindindi ang tinawag nito sa kanya. "Tara na. Sumabay ka na sa'kin." "Ba't kinakausap mo ako ngayon?" Mukhang hindi pa ito lasing diretso pa naman kasi magsalita. "I'm tired, Ms. Bueneventura. Sasabay ka ba o hindi?" medyo inis niyang tanong. Ngumiti itong matamis sa kanya. "Yeah, since mapilit ka naman." INAALALAYAN ni Benedict si Sol habang naglalakad sila sa hallway ng hotel na kanilang tinutuluyan. Kanina kasing pagtayo nito ay bigla itong natumba. Akala pa naman niya ay 'di ito lasing kanina. "Hey, nandito na tayo. Where's your key?" aniya nang nasa tapat na sila ng unit nito. Hindi ito kumibo kaya naman sinilip niya ito. Napailing siya nang makitang tulog pala ito. Nagdadalawang-isip man ay binuhat na niya ito at pinasok sa loob ng unit niya. Nahihilo at inaantok na rin siya. Bahala na kung ano ang iisipin nito bukas. Sa sala na lang siya matutulog at sa kwarto niya ito ihihiga. Matapos ihiga ay kumuha siya ng pamalit na damit niya. T-shirt na puti at jersey short. Nakakahiya naman sa bisita kung madadatnan siya nito sa usual niyang pantulog na tanging boxer lang ang suot. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang asawa. He needed to talk to her. Ewan niya, na-missed na naman niya ang asawa. Ilang oras na lang ay makikita na niya ito. Pero gusto niyang marinig ang boses nito. Kaso ay nakakailang tawag na siya ay wala pa rin sumasagot. Baka mahimbing na ang tulog nito. Umayos na lang siya ng higa sa sofa. Pilit na pinagkakasya ang sarili. NAALIMPUNGATAN si Benedict nang maramdaman niyang tila may dumadampi sa kanyang mga labi. Kahit hirap ay pilit niyang minulat ang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. "Celine?" aniya. Hindi ito sumagot sa kanya at ngumiti lang bago muli siyang hinalikan. Agad na uminit ang pakiramdam niya. Ilang araw na niyang miss ito. At miss na rin niya ang bagay na ito. Matagal ang halikan nila. Ibang klase ang asawa niya ngayon. Masyado nang mapusok. Hindi nga niya namalayan na na-alis na nito ang suot niyang puting t-shirt. Ang mainit nitong mga palad ay humaplos sa kanyang katawan. Umayos siya ng upo. Mabilis naman kumandong ito sa kanya. Mas lalo siyang napamura nang malamang wala na itong suot na kahit na ano. Naging mas mapusok ang halik na ginawad nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa pagiging aggressive ng asawa niya ngayon. Dati-rati ay napakimi nito. Marahil ay sobrang miss lang siya nito. At natutuwa naman siya sa ideyang iyon. Ang mga kamay nito ay nakasabunot sa kanyang buhok habang ang katawan nito gumigiling sa ibabaw niya. Hindi na siya nakapigil. Sinapo niya ang pang-upo nito at tumayo. Hindi pa rin pinuputol ang halikan nila. Mas lalo pang uminit at umingkad ang libido niya sa katawan anng marinig ang impit na ungol nito. "Bennn.. Oohhhh." Nang makapasok sa kwarto ay agad niyang hiniga ito. Nagkabundol-bundol pa sila sa kung saan-saan dahil madilim na ang buong paligid. Mabilis niyang inalis ang suot na boxer at pumwesto sa pagitan ng mga hita nito. "s**t!" He thrusted himself as deep as he could. Tila walang bukas niya itong inangkin. NAPAMURA si Benedict nang maramdaman ang masidhing pagkirot sa kanyang ulo. Napahawak pa siya sa kanyang sentido habang hinihilot ito. Hinding-hindi na niya talaga sasagarin ang alak kahit kailan. Inunat-unat niya ang katawan nang mapagtanto ang pwesto niya. Bakit nasa kwarto siya? Hindi ba't sa sofa siya natulog kagabi? Bahagyang nangunot ang noo niya. Pero agad namang nawala nang maalala ang kanyang panaginip kagabi. It was him and his wife making love. And it wasn't a typical love making. It was their first wild love making. Parang totoo talagang nangyari iyon. s**t! Ganoon na ba niya ka-missed ang magandang asawa? To the point na nakapanaginip pa siya ng ganoon? Bumaba na siya ng kama at nakakailang hakbang palang nang bumukas ang pinto ng CR sa loob ng kwarto niya. At literal na napamura siya nang makita kung sino ang lumabas roon. "What the hell are you doing here?" aniya kay Mirasol. Mabilis din siyang tumalikod dito. Paano ay nakatapis lang ito. Mukhang bagong paligo. Hindi rin nakaligtas ang mahuhubog at makikinis nitong mga hita sa kanya. Tang'na "Wow, ha? Ma-o-offend ba ako or what? After what we had last night? After mong masarapan kagabi ganyan ang bungad mo sa'kin?" Humarap siya rito dahil sa narinig. "What are you talking about?" he asked. Nagkatinginan sila sa mata. Ngumisi ito. "Well, hindi na pala dapat ako magulat kung hindi mo maalala. You were moaning Celine's name why you were f*****g me... hard." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. No, hindi maaari. Nagsisinungaling lang ang babaeng ito. Hindi siya nagtaksil sa asawa. "So?" anito ng hindi siya magreact sa sinabi nito. "You're lying." Napahilot pa siya sa kanyang sentido. Mas lalo yatang sumakit ang ulo niya. "Oh, really? You kept on telling me pa na I'm so aggressive last night. You kept also on asking me kung sigurado ba ako sa ginagawa ko. Why, Benedict? Hindi mo ba naranasan lahat ng iyon kay Celine? Well, knowing her. Masyadong inosente iyon." Uminit bigla ang ulo niya. "Shut up. Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako." Ngumiti lang ito sa kanya at naglakad palapit sa kanya. Napaigtad siya ng bumulong ito sa kanya. "Benedict, I can give you what your wife can't give. Wild s*x. 'Tsaka this will be our little secret. Hindi naman natin sasabihin sa asawa mo." Nangunot ang noo niya. Bakit ganito ito kung umasta? "You're Celine's bestfriend," aniya. Para naman mahiya ito sa mga sinasabi. Mas lumapad ang ngiti nito. "I know. Pero walang makakapigil sa'kin oras na may nagustuhan ako. Wala akong pakielam kung sino pa ang makakabangga ko." Nanuyo ang lalamunan niya nang hagurin nito ng mga daliri ang kanyang dibdib pababa sa kanyang matitigas na abs. Mabilis niyang hinuli ang kamay nito nang matanto kung saan ang sunod na punta nito. "What we had last night was wrong. I was drunk. Wala akong maalala. And I thought it was Celine who..." "I know," sansala nito. "But this time... Sisiguraduhin kong ako ang maaalala mo." Inalis nito ang buhol ng twalyang nakatapis sa katawan nito. Tumambad sa kanya ang hubad nitong katawan. Napalunok siya ng ilang beses. At bago pa siya maka-react ay hinuli na ng malalambot at mapupulang mga labi nito ang kanyang mga labi at kinawit ang dalawang kamay sa kanyang batok. Fuck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD