"CONGRATS!" Agad na yumakap si Celine nang makitang pumasok na sa loob ng bahay si Benedict. God, she missed her husband so much. Kinausap niya ang mga magulang ni Benedict na i-surprise ito para sa bagong achievement ng asawa. Sumang-ayon naman ang mga ito. Inimbita niya rin ang mga magulang niya. Family celebration sana ang gaganapin ngunit napahiwalay pa siya nang mapagtantong hindi lang pala si Benedict ang pumasok sa bahay. "Sol?" aniya sa kaibigan. Alanganing ngumiti ito. "Sorry, sumabay na uli ako kay Ben. Anyway, papunta na rin dito ang driver ko para sunduin ako," apologetic na saad nito. "Hija, nice to see you here," saad ng Mommy ni Benedict. Lumapit pa ito sa dalaga. "Congratulations, too. Alam kong isa ka rin sa dahilan kung bakit naging successful ang pagpunta niyo sa Ce

