"BREAKFAST in bed, Mahal." Bumungad kay Celine ang maamong mukha ni Benedict. Bitbit nito ang isang tray. Amoy na agad niya ang mabangong sinangag. Ngunit sa halip na pansinin niya ito agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Didiretso na sana siya sa banyo nang hapitin siya ni Benedict at niyakap nang mahigpit. "Mahal, I'm sorry," bulong nito na kinatayo ng mga balahibo niya. She closed her eyes tight. Pinipigilan ang sariling lumambot sa inaasta nito. May tampo pa rin siya dahil hindi man lang ito tumawag kagabi. Ni hindi nga niya alam kung anong oras na ito dumating. She was about to pull herself out of him pero mas humigpit ang yakap nito sa kanya. "Ben," malamig niyang saad. "I won't." Hinalik-halikan pa nito ang buhok. "Not until you forgive me. I'm sorry. Promise, I'll make i

