Chapter 2

928 Words
KATATAPOS lang nilang magsimba at umuwi na sila sa bahay. Gano'n lagi ang routine nila ng pamilya ni Celine kada-linggo. Agad siyang nagpunta sa kusina upang maghanda ng tanghalian. Wala silang katulong dahil mas gusto niyang siya mismo ang mag-aalaga sa mag-ama niya. Hindi na siya pinayagan na magtrabaho ni Benedict mula nang ikasal sila. Isang taon din siyang nagtrabaho bilang isang teller sa isang kilalang bangko. Katwiran ni Benedict, gusto nitong ito ang magprovide lahat ng mga pangangailangan. At ang gagawin lang ni Celine ay alagaan silang mag-ama. Ayaw din kasi nitong uuwi itong bahay na parehong pagod sila galing sa trabaho. At para matutukan daw niya ang kanilang prinsesa. She couldn't ask for more. She's happy, beyond happy actually because she was given a loving husband and very beautiful daughter. Kung tutuusin ay sobra-sobra ang natatanggap niyang biyaya. "Kain na!" sigaw niya sa labas pagkatapos niyang maihanda ang tanghalian. Naglalaro ang mag-ama sa may hardin. Napapangiti na lang siya sa mga ito. Kahit naman kasi babae ang anak nila ay game na game pa rin ang asawa niyang si Benedict sa mga pinaggagawa ng anak nila rito. Tulad na lang ngayon, may koronang bulaklak ang lalaki na tiyak niyang si Angela ang may gawa. Kumekendeng-kengdeng pa ito kaya naman tawa nang tawa ang anak nila. "Hey! Lunch is ready." Kinarga ni Benedict ang anak nila. Nang makalapit ay sabay pang humalik sa pisngi ang mga ito.  Siya naman ay napailing na lang. Susunod na sana siya nang mayroong nagdoorbell. Pinauna na niya ang mga ito sa komedor nila. Lumabas siya at binuksan ang gate. Ganoon na lamang ang gulat niya ng mapagsino ito. "Oh, my god!" tili niya. "Ikaw na ba talaga 'yan?" Tumikwas ang kilay nito. Sabay silang muling nagtitili. "My god, Celine! Na-missed kita." Niyakap siya nito nang mahigpit. Si Mirasol Buenaventura, o mas kilala sa tawag na Sol, ang bestfriend niya. High school pa sila noong huli silang magkita. Nagmigrate na kasi ang mga ito sa New York. At sa kasamaang palad, iyon na rin ang huli nilang pag-uusap at pagkikita. Ibang-iba na ito ngayon. The woman in front of her was oozing with so much elegance and sexiness. Dati pareho silang baduy. Pareho ring tahimik. Kaya nga sila ang super bestfriend, eh. Dahil sila-sila lang din ang nagkakaintindihan sa isa't-isa. Pero ngayon, mukhang napag-iwanan na siya nito. Milya-milyang layo. Napakaganda pati nito. No exact words can describe her bestfriend. Mahihiya ang mga salitang maganda at sexy dito. "Grabe ang ganda-ganda mo na ngayon! I mean, mas lalo kang gumanda!" puri niya. Manghang-mangha talaga siya. Sol flipped her hair. Iba na nga ito. Dati, sa tuwing sasabihan niya itong maganda ay yuyuko lang ito. "Syempre, tsaka isa pa, 'di pweding baduy-baduy-an roon. Naku, magiging tampulan ka nang pambubully." "Tara pasok ka! Tamang-tama, dito ka na mananghalian,” aya niya kay Sol. Pagbungad nila sa sala ay nasalubong nila si Benedict. "Hon, sino ba 'yang kausap mo at ang tagal..." Natigilan ito nang mapansing may kasama siya. "Benedict?" ani Sol. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang mag-asawa. "Ikaw ang asawa ni Celine?" Lumapit si Benedict sa kanya at inakabayan siya. "Yeah," tipid nitong sagot. "Wait, magkakilala kayo?" aniyang naguguluhan sa takbo nang usapan. "Yes, kagabi lang," nakangising saad ni Sol. Humigpit ang pagkakaakbay ni Benedict sa kanya. "Ba't wala ka kagabi? Sana pala nagkita na agad tayo. Anyway, okay lang naman at least mas na-surprised kita kanina." Tinignan nito uli si Benedict at ngumiti nang matamis. Hindi niya maintindihan ang kaibigan. Pati ang asawa niya ay biglang natahimik. Ano bang nangyari kagabi?     "SO, AYUN na nga. We introduced to each other last night. Well, it's my pleasure to meet the future CEO. And I'm so excited to work with him... At tiyak na mapapadalas ang pagkikita namin," pagbitin pa nitong saad. Si Benedict na ang papalit bilang bagong CEO ng kompanya ng mga Gallardo. Ang daddy pala ni Sol ang nakatransaksyon ng kanyang asawa noong isang linggo. Base na rin sa kwento ni Sol. Magkakaroon ng malaking project ang mga ito--- Five Star Hotels na itatayo sa iba't-ibang panig ng bansa. Ang asawa niya kasi ang naatasan na humawak nito sa panig ng kompanya ng ama nito at ang kaibigan naman niyang si Sol ang naatasan sa kabila. What a small world. Tuwang-tuwa dahil magiging madalas na ang pagkikita nila ng kaibigan niya. Nangako kasi itong dadalawin siya sa tuwing hindi ganoon ka-busy ang mga ito. "So, kailan mo naman balak mag-asawa?" tanong ni Celine maya maya kay Sol. Napahalakhak ito. "Asawa agad? 'Di ba pweding boyfriend muna?" Natutop niya ang bibig. "You mean, wala ka pang boyfriend?" Hindi siya makapaniwalang wala itong kasintahan ngayon. Sa ganda ba naman nito, tanga na lang ang mga lalaki kung hindi ito mapapansin. Ngumiti nang matamis ang kaibigan, ngiting tila nang-aakit din. "Sa ngayon wala pa." Mataman itong tumingin sa kanya at bumaling ang tingin kay Benedict. "Pero... mukhang malapit na." Di yata't panay ang tingin ng kaibigan niya kay Benedict? Hindi naman kaya may gusto ito sa asawa niya? Winaksi niya ang kanyang nasa isipan. Kaibigan niya ito; her bestfriend to be exact. Hindi niya dapat ito pag-isipan nang kung anu-ano. Isa pa, napakagwapo naman kasi ng asawa niya at sobrang bait. At higit pa roon ay loyal ito sa kanya. "Hon, i-aakyat ko muna si Angela sa taas," ani Benedict pagkaraan. Hinalikan pa siya nito sa pisngi. Kahit naman may gusto ang kaibigan niya kay Benedict ay mukhang hindi naman siya ipagpapalit ng asawa. Mahal na mahal siya nito at ramdam na ramdam niya iyon. "Oh no! Sobrang sweet ng asawa mo! Gusto ko rin ng tulad niya. Pweding akin na lang siya?" "Loka! Akin lang 'yon. Hanap ka na lang ng iba!" sagot niya sa biro nito. Nagkibit-balikat lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD