Chapter 3

1208 Words
"DAD! MOM!" bati ni Benedict sa kanyang mga magulang. Humalik siya sa kanyang ina samantalang yakap ang binigay niya sa ama. Parehong nasa mid fifties na ang mga ito ngunit hindi mo mahahalatang ganoon na ang mga edad. At ang sikreto raw ng mga ito ay pagmamahalan ng mga ito sa isa’t-isa. Na bagay na gustong tularan ni Benedict. Lumapit ang mga ito sa kanya at kinogratulate siya. "Son, where's Celine?" tanong ni Elisa Gallardo, ang kanyang ina, nang mapagtantong siya lang mag-isa. "Hindi po siya makakasama, Mom, masama po ang pakiramdam," aniyang malungkot. Ayaw na nga niyang pumunta kanina ngunit naging mapilit si Celine na pumunta siya dahil para sa kanya pa naman ang party. Kaya pa naman daw nito ang sarili. Maging ang anak niyang si Angela ay hindi na sumama dahil gusto raw nitong bantayan ang Mommy nito. "Ganoon ba? Sayang naman,” ani naman ni Roman Gallardo, ang kanyang ama. Ilang sandali pa ay dumating na ang ibang mga bisita. They congratulate him for doing his job well. May na-close kasi siyang isang malaking deal. Sa makailang attempt ay napapa-oo niya rin si Mr. Bueneventura. Ito pa nga mismo ang pumunta ng bansa para sa negosasyon nila. Iba't-ibang Five star hotels ang itatayo nila sa buong Pilipinas.Kaya naman napakalaking achievement sa kanya ito. At least napatunayan niya sa mga nagda-doubt sa kanya na nararapat siyang maging susunod na CEO dahil malapit nang magretire ang ama niya. Siya naman talaga ang hahawak ng negosyo ng ama pero marami ang tumututol sa kanya. "Benedict!" Napaharap siya sa nagsalita. Agad siyang nakipagkamay dito. "Mr. Buenevetura." Iginiya niya ang mga ito sa lamesa naka-ukol para sa mga ito. "Anyway, this is my daughter, Mirasol." Doon niya lang napansin na may kasama pala itong dalaga. Isang napakagandang dalaga. "Hi," she greeted, seductively. She's wearing tube dress that emphasized her sexy body. Hanggang sa gitnang hita ang haba nito na dahilan upang lumitaw ang mahahaba at magandang hubog ng legs nito. Parang wala lang din dito ang suot nitong napakataas na heels. "Mirasol." Inabot nito ang kamay sa kamay sa kanya. "Benedict,” pakilala niya. Agad niya rinng binitawan ang kamay nito nang mapansing iba na ang hawak nito. Lalaki siya at alam niyang may ibig sabihin ang paghawak nito. Ganoon din kasi humawak ang mga babaeng naghahabol sa kanya noong college siya--- na dahilan upang mabansagan siyang babaero. Aminado naman siyang may mga flings siya noon. Pero nag-iba na ang lahat nang makilala niya si Celine--- his wife. Napangiti siya nang maalala ang asawa. Kinuha niya ang cellphone upang tawagan sana ito nang makitang may isang text ito at sinabing i-enjoy niya ang gabi at 'wag niyang isipin ito dahil medyo bumuti na ang pakiramdam nito. Biniro pa nga niya ito na baka buntis ito. Na tinawanan lang ng huli. Naka-inject kasi ito kaya malabong mabuntis niya. Wala pa kasi sa plano nila ang sundan ang anak na babae. "Benedict, we talked already na hindi ako ang makakasama mo sa project natin." Lagi kasi itong may business trip kaya hindi raw nito mabibigyan ng pansin ang project nila. Kaya naman may kinausap na ito na siyang makakasama niya para project nila. Tumango siya. "Yes, Mr. Bueneventura. So, sino pala?" "My daughter. Don't worry. Subok ko na ito. She's an architect. Siya ang magdedesign ng mga hotels na itatayo natin. At titiyakin niya daw na unique lahat ng mga hotels na itatayo.," proud na saad pa ng matanda. "Dad!" usal ni Mirasol. Kita niyang namula ang babae. Napangiti na lang siya dahil parang ang asawa niya lang na madali lang na mamula. "Anyway Mr. Gallardo, it's my pleasure to work with you. Hope we'll be successful on this one." "Yeah, I hope so,” tipid niyang sagot. Mukhang harmless naman ang babae. Na-misjudged niya ata ito base sa galaw nito kanina. Baka naman sadyang ganoon lang ang babae sa lahat. Nagpaalam siya saglit. Sinubukan niyang tawagan si Celine ngunit hindi ito sumasagot. Baka maagang nakatulog. Pagbalik niya ay kausap na ng ama niya si Mr. Bueneventura. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang titig sa kanya ni Mirasol. Admiration? Maybe. Hindi na lang niya pinansin iyon. Baka namimisinterpret niya lang ito. Nag-umpisa na ang party. Tinawag siya sa harap upang magbigay ng konting mensahe. Pagkatapos magsalita ay masigabong palakpakan ang natanggap niya. Umupo siya sa mesa kung saan naroon ang mga magulang niya pati na rin sina Mr. Bueneventura. Nakikinig lang siya sa dalawang matandang lalaki na puro business ang usapan. Paminsan-minsan ay naisasali siya sa usapan. "What about you, hija, anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ng ina niya kay Mirasol. "Actually Tita, Senior Architect ako sa isang company ni Dad sa New York. I'm managing some of his businesses too." "So, I guess, you have an inspiration. I can see it," tudyo ng ina niya. Mahinang tumawa ito. "Oh no! Tita, you're wrong. Wala po." "Pihikan ang anak kong ito," singit naman ng matandang Buenaventura. "Really? Sa ganda mong iyan? My god, kung wala lang asawa si Benedict ikaw ang gusto kong maging asawa niya." "You have a wife?" tanong ni Sol na tila disappointed. "Yes." Hindi niya napigilan mapangiti. Anything about his wife, he can't help but to smile sa tuwing mababanggit kahit pangalan lang nito. He's really crazy in love with his wife. "Yeah. Sayang naman hindi ka kasi agad nagpakita,” singit Elisa. Napailing na lang siya sa sinabi ng ina. Tutol kasi ito sa kanila noon ni Celine. Ngunit dahil pursigido siya kay Celine ay pinaglaban niya ito. For her Mom, Celine is too plain. But for him, that's make her unique. Buti na lang ay kinalaunan ay natanggap na rin ito ng ina niya lalo na noong lumabas na si Angela. Nagpaalam siyang muli upang tawagan at kamustahin ang asawa. Hindi rin naman kasi siya mapakali. Lumabas siya sa venue dahil medyo maingay na sa loob. Nakailang tawag siya pero hindi pa rin ito sumasagot. Baka masarap na ang tulog nito. Anong oras na rin pala. Nagdesisyon siyang 'wag na itong tawagan. Pagpihit niya ay bahagya pa siyang natigil nang bumungad sa kanya si Mirasol. "Sorry, nagulat ata kita. I was looking for restroom when I saw you here. Asawa mo ba ang tinatawagan mo?" Tumango siya. "Masama kasi ang pakiramdam, kukumustahin ko lang sana. But I think masarap na ang tulog." "I see." Mataman itong nakatingin sa kanya. "Di ka pa ba papasok?" tanong niya. "Nope. Nakakatoxic ang usapan nila. It's all about business, money, power." Inilagay nito ang buhok sa kabilang bahagi ng balikat nito—exposing her sexy neck. Binaling niya ang tingin sa ibang direksyon. "I'm sorry to say this. But I have to go back there. It's that okay?" aniyang tinatanyta ang sitwasyon. Mukhang hindi kasi magandang tignan na may kasama siyang babae sa ganoong lugar, na medyo tago pa. "Don't mind me." Tumalikod na siya. Ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang nang tawagin siya ni Mirasol. "I'm just wondering... what would be these lips taste?" Bago pa niya mai-proseso ang sinabi nito ay dumampi na ang malalambot at mapupula nitong mga labi. Shit!   "Bro!" Bumalik siya sa kasalukayan ng may tumampa sa noo niya. His bestfriend Xander. "Lalim nang iniisip natin, ah? Hindi ka makaget-over sa magagandang legs ni Mirasol?" "Gago!" aniya rito. Kakalabas lang kasi ng babae at binigay ang designs nito. "f**k! Buti na lang may asawa ka na. At least, may chance akong magpapansin din. Pero, tangna! Ikaw yata ang gusto nun, eh. Lagkit ng tingin sa'yo." "Alam mo dami mong sinasabi. Umalis ka na nga. Marami pa akong ginagawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD