Chapter 3

1998 Words
Third POV Sa kabilang banda, ang dalagang si Sienna ay tuluyan itong nakatulog sa pag-iyak nito. Muli siyang binisita ng kaniyang ina at sinilip sa kwarto. Nang makita nitong nakatulog na ang anak ay agad din ito bumalik sa sala kung saan naroon ang kaniyang asawa. Ito ay nanonood ng balita sa TV. Samantalang ang bilyonaryong si Adam ay nanatiling ulirat ang mga mata habang ito ay nakatayo sa may veranda ng kanilang kwarto ng asawa habang ito ay humihithit ng sigarilyo. Siya ay napatingala sa langit nang makita nito ang maiitim na ulap tila'y uulan. At biglang lumamig ang simoy ng hangin kaya't agad siyang bumalik sa kanilang kwarto. Ang kaniyang asawa na si Amelia ay nakatulog na ito samantalang ang mga anak nito ay nasa kanilang kwarto. Lumipas ang ilang mga araw ay nanatiling wala sa sarili si Sienna. Ang mga nangyari sa kaniya ay paulit-ulit na bumabagabag sa kaniyang isipan. Tanging silang dalawa lamang ng kaibigan nitong siyentista ang may alam sa sekreto niya maski ang kaniyang mga magulang ay walang alam tungkol sa sitwasyon niya. Araw ng sabado kaya wala siyang duty sa laboratoryo ng kaniyang ama. Upang mapagaan ang loob nito ay inaya siya ng kaniyang kaibigan na lumabas at sila'y manonood ng sine. Nasa loob ng kwarto si Sienna habang ito'y nagbibihis. Isang palda hanggang tuhod at tshirt na hanggang puson. Kunting pulbo ang nilagay nito sa kaniyang mukha at isang lip shiner ay sapat na sa kaniya. Hindi siya mahilig sa make thingy na iyan mas gusto niyang simplehan lang ang dating. Ngunit ang suot nitong croptop na hanggang puson ay kaniya itong tinakpan ng jacket. Ayaw niya kasing nakikita ang katawan ng ibang tao. At isang kulay puting sapatos. Umikot-ikot siya sa harap ng kaniyang salamin at sabay na ngumiti. “ Simple but gorgeous one.”saad nito sa kaniyang sarili at sabay niyang dinampot ang kaniyang bag. Habang pababa siya ng hagdan ay nakita niya ang ina nito na inaayusan ang kaniyang ama. Kahit nasa 50's na sila ay hindi parin nawala ang sweetness nila sa isa't-isa. “ Saan ang lakad niyo mom?” pilyong tanong nito sa kaniyang ina habang nilalagyan ng kurbata. Pasimpleng ngumisi sa kaniya ito, at agad na nakuha nito ang ipinahiwatig ng ina. “ Enjoy your day.”nakangiting bilin nito sa mga magulang ngunit nang akma itong lumabas ay bigla siyang tinawag ng kaniyang ina. “ Siensien? Saan ang punta mo anak?”tanong sakaniya nito kaya't bahagya siyang lumingon dito. “ Somewhere,mom at susunduin ako ni Chloe at Kate dito.”tugon nito sa kaniyang ina. “ Mag-iingat kayo anak. Be safe and we love you ” sambit nito sa kaniya at sabay na nagpalipad ng kiss sa kaniya na agad naman niyang sinulo at inilapat sa puso niya. Pagkalabas niya ng bahay ay insakto ang pagdating ng kaibigan niya at agad itong bumusina sa kaniya. Dahan-dahang naglakad si Sienna palabas ng kanilang gate. “ Blooming ka ngayon ah?”bungad sa kaniya ni Chloe habang ito ay nasa driver seat. At katabi nito ang inaanak ng kaniyang ama na si Kate. “ Hindi ah nasa mood lang ako,”tanggi nito sa mga kaibigan. Nang makapasok siya sa loob ay pinagsusundot ang tagiliran niya ni Kate. “ Blooming siya,”pagpupumilit nito sa kaniya. “ Tssk. Bahala nga kayo diyan.”pagdadabog nito at sabay na binuksan ang bintana ng kotse. Inilabas niya ng kaunti ang kaniyang ulo at sabay na pinakiramdaman ang simoy ng hangin. “ Isara mona iyan, Sien baka mapano kapa sa pinanggagawa mo.”sita sa kaniya ni Chloe habang ang mga nito ay nasa kalsada at minsan ay nasa kaniya. “ Miss, wag mong ilabas ang ulo mo delekado ang ginagawa mo!”sigaw ng isa sa mga kotseng nakasunod sa kanila. Inirapan niya lamang ito at sabay na pinakyuhan. Ang lalaking sumita sa kaniya ay hindi mapigilang mainis sa inasta nito. “ Hayaan mona iyan, drei.”awat sa kanya ng mga kasama nito sa loob ng kotse. Parang bingi si Sienna ay hindi siya pinapansin ang pagsita ng mga tao sa kaniya. Sa ganung paraan lamang mawawala ang kaniyang stress. Wala siyang pakialam sa mga taong sumisita sa kanya at pati narin ang dalawa nitong kaibigan ay sinisita rin siya ngunit sadyang matigas ang ulo ng dalaga. “ Siensien, stop what you're doin.”naiinis na sita ni Kate sa kaniya. Nababahala lamang sa kaniya ang kaibigan kaya't napagtaasan siya nito ng boses. “ Tsssk. Inggit lang kayo."mapaklang tugon nito sa kaibigan at sabay niyang isinirado ang binata. Kaniyang inilagay sa kaniyang tenga ang airpods na dala nito at sabay na nagpatugtog ng rock song upang hindi marinig ang mga kaibigan. Mas nilakasan pa niya ito na halos ikabingi niya. “ Hay! Para siyang lalaki kung umasta. Babae ba talaga siya?”reklamo ni Kate na ikinangisi naman ni Chloe. Naiintindihan niya ang ponto ng kaibigan ngunit mas kailangan nito ang unawa ng dalaga sa kaibigang nasa mahirap na sitwasyon. “ Hayaan mona si Siensien, Kate. Baka masira pa ang araw niyan nang dahil sa atin.”awat ni Chloe sa kaibigang panay ang reklamo sa inasta ni Sienna. “ Anong title ulit 'nung movie na kakalaunch lang?”pag-iiba ni Chloe sa usapan. Inirapan lamang siya nito at sabay na kinuha ang phone nito sa loob ng kaniyang bag. Napabuntong- hininga na lamang si Chloe sa inasta ng mga kaibigan nito. In a meanwhile ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. “ We're already here!”nakangiting sambit nito samga kaibigan ngunit hindi siya kinibo ng mga ito para silang may sariling mundo. Walang nagawa si Chloe kundi bumaba na lamang at agad namang sumunod sa kaniya ang mga kaibigan. Kinuha ni Sienna ang airpods sa magkabila nitong tenga at ganun din si Kate. “ Pumasok na tayo sa loob baka maubusan pa tayo ng ticket.”aya ni Chloe sa dalawa nitong kaibigan at sabay niyang hinila ang mga kamay nito papasok sa loob ng mall. Ang dalawa niyang kaibigan ay nagpaubaya lamang sa kaniya hanggang nasa tapat na sila ng sinehan. Maraming tao ang pumipila sa ticket at sabay-sabay silang pumila sa pinakadulo. “ Pelikula pala 'to ni Marian Rivera at Dingdong Dantes.”natutuwang sambit ni Chloe nang mabasa niya ang karatola dito. “ Mukhang maganda ang palabas na ito,”dugtong pa niya at sabay na nagsitinginan sa kaniya ang mga ito. “ We see."sabay-sabay nilang sabi, at napapailing na lamang si Chloe sa dalawa nitong kaibigan. Medyo mahaba-haba ang pila kaya't kailangan niyang magbaon ng sapat na pasensya bago makabili ng kanilang ticket. Sila ay napalingon nang biglang nagsitilian at hiyawan ang mga tao sa mall. Nanlaki ang mata ni Sienna nang makita ang lalaking puno't dulo ng kaniyang pagbubuntis. May kasama itong mga apat na bodyguards. “ You're mine, Adam.” “ Mayakap lang kita ay solve na ang buong linggo ko.” “Ang gwapu-gwapo niya talaga.” “Hindi lang siya gwapo, bilyonaryo pa.” Napapailing na lamang si Chloe habang pinapakinggan ang sigawan at tilian ng mga fans nito. Si Adam Rodriguez ay dati ng sikat sa pagmomodelo nito dati ngunit mas tumindi ang kasikatan nito nang maging kampeon sa racing ng mg kabayo. “Makita lang kita, sapat na .” Bahagyang umiwas ng tingin si Sienna nang papalapit sa gawi nila ang lalaki ngunit hindi mapigilang kiligin si Kate nang muling makita ang modelo't bilyonaryong lalaki ay ang mga mata nito ay nagniningning tila'y isang bituin. Nang maalala ni Chloe ang sinapit ng kaibigan doon sa lab ay napapailing na lamang siya at bahagyang napapangisi. Hindi niya lubos maisip na nagmamay-ari ng selyulang iyon ay ang modelo't bilyonaryo sa buong mundo pati sa abroad ay sikat si Adam sa taglay nitong kamandag tila'y isang serpente kung makapang-akit ay sagad sa buto. “ Okay lang kayo?”nababahalang tanong ni Sienna sa mga kaibigan na ngayon ay nakatulala habang nakatingin sa lalaki. “ Kung ika'y maging akin, kahit isang milyong round ang gusto mo ay handa akong ibigay sayo. Titiisin ko ang hapdi at sakit mapaligaya lamang kita."pakantang sambit ni Chloe. Nabalik ito sa kaniyang huwesyo nang inaalog nito ang kaniyang mga kaibigan. “ Hoyy!” “ Kung makaalog ka naman sa amin, Sien para kang isang lindol.”pag-aalburuto ng kaibigang si Kate at sinenyasan siya ni Chloe kaya't agad niyang itinikom ang kaniyang bibig. Ito ay papunta sa kanilang pwesto. Ang bawat hakbang ni Adam ay unti-unting tumindig ang mga balahibo ni Sien at bumibilis ang t***k ng puso niya. “ Attention, kapag pinauna nyo ang tatlong babaeng ito sa pila ay mayroon kayong free kiss at hug mula sa akin!” Parang bubuyog ang mga fans nito ay nagsitakbuhan ang mga ito sa kinaroroonan ni Adam. Nakayuko lamang si Sien dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ng taong nagmamay-ari ng selyulang iyon. Ngunit bahagyang inangat ni Adam ang nguso ng dalaga kaya't napapaatras ito upang iwasan ang mapang-akit at maamong mukha nito. “ Kiss and hugs!” Nang dumugin ng mga fans si Adam ay dali-daling tumakas si Sienna at kaniyang inwan ang dalawang kaibigan. Dumiretso siya sa comfort room at humarap siya sa salamin. “ s**t! Muli ko na namang naalala ang nangyari sa akin sa lab.”bulong nito habang nakatingin sa salamin tila'y pinaglalaruan siya ng tadhana. Ang mga kaibigan niya ay hinanap siya nang nawala ito na parang bula sa kanilang unahan. Pareho kasing natulala sina Chloe at Kate nang makita ang kanilang idolo. Palihim siyang sumisilip sa labas upang siguraduhing wala na ang lalaking ayaw nitong makita. “ Sein, nasaan ka?” “ Sein!” “ Where are you, Sein!” “ Malapit nang magstart ang sine. Magpakita kana sa amin sayang itong nabili naming ticket libre pa naman ito ng inidolo namin.”ani Chloe habang ito'y kinikilig at sabay na pinagsusundot ang tagiliran ni Kate. Maya't- maya ay lumabas na siya galing comfort room at kaniyang nadatnan ang dalawa nitong kaibigan habang nakikipaglandian sa dalawang lalaki. Napapailing na lamang si Sien sa mga kaibigan. “ Akala ko ba magsta-start na ang sine bakit nakikipaglandian kayo diyan?”sita nito sa dalawang kaibigan kaya't agad na kumawala ang dalawa sa kani-kanilang partner. Ang mga lalaking iyon ay ang kanilang boyfriend tanging si Sienna lamang ang walang boyfriend semi tumboy kasi iyan pero magbabago nang dahil lang sa isang sperm ng bilyonaryo. “ Nandiyan kana pala, saan kaba galing?”Nakangisi lamang ang boyfriend ni Chloe habang ang mga kamay nito ay nasa dibdib ng kaibigan. Gusto niyang pagsusuntukin ang mga mukha ng boyfriend ng dalawa nitong kaibigan ngunit hindi niya magawa pagkat magagalit o di kaya'y aawayin siya ng mga to kapag ginawa niya ang nais niyang gawin. Kaniyang ikinalma ang kaniyang sarili. “ Somewhere!”padabog siyang umalis at iniwan ang dalawang kaibigan kasama ang kani-kanilang boyfriend. Wala sa mood na pumasok si Sienna at sabay na umupo sa pinakadulong parte ng sinehan. Maya't-maya ay sumunod narin ang mga kaibigan nito na may dalang popcorn at softdrinks na nakalagay sa isang plastic. Hinanap nila ito ngunit hindi siya mahagilap ng mga to sa sobrang dami ng tao, halos puno na ang sinehan ngunit may espasyo pa sa tabi ni Sienna. Bago magsimula ay agad siyang natunton ng mga kaibigan kasama ang mga boyfriend nito. Umupo sila sa gawi ni Sienna. Mas lalong naiirita ang dalaga sa mga kaibigan at sa mga jowa nito. Nang magsimula ang movie na pinamagatang the Billionaire's Exotic Wife ay ang lahat ay tahimik at sa kalagitnaan biglang napatayo at napasigaw ni Sienna nang ang kamay ng isa sa mga boyfriend ng dalawang kaibigan ay gumapang sa kaniyang hita. “ Bullshit! Ang babastos niyo!”pagsisigaw nito kaya't ang mga tao ay nagsitinginan sa gawi niya at sabay na nagsign ng silence. Umusok ang ilong ng dalaga sa ginawa ng boyfriend ni Chloe. “ I'll f*****g kill you!”sambit nito at sabay na sinuntok ang mukha nung lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD