Chapter 4

1760 Words
Third POV Umuwing wala sa mood si Sienna dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa mall kasama ang dalawa niyang kaibigan. Alas tres ng hapon nang dumating siya sa kanilang bahay. Nagpahatid siya ng taxi mula mall hanggang sa kanilang Village. Nang makapasok ang dalaga sa loob ng kanilang bahay ay wala ang mga magulang nito pagkat sila ay may lakad rin. Ang tanging kasama nito ay ang kanilang mga katulong. “Maam, nandiyan kana pala.”ani ng isang katulong nito at sabay siyang tinulungang maghubad ng kaniyang sapatos at sinuotan ng tsinelas. Pagod at wala sa mood ang dalaga. “ Hindi paba dumating sila mommy't daddy mula kanina, manang?”seryosong tanong niya at sabay na ipinatong ang kaniyang paa sa ibabaw ng mini-table na nasa harap niya. “ Wala pa po, maam eh.”mahinahong tugon nito sa kaniya pilit siyang ngumiti dito. Ang kanilang katulong ay bumalik ito sa kaniyang ginagagawa. Dahan-dahang ipinikit ni Sienna ang kaniyang mapupungay na mga mata habang nakasandal sa sopa. “ Nagugutom kana po ba, maam? Kasi ipagluluto po kita.”tanong nito sa kaniya. Kaniyang idinilat ang mata at lumingon sa kanilang kasambahay. “ Busog pa ako manang at saka wala ako sa mood kumain. Kung nagugutom kayo malaya kayong makapagluto at kumain.” “ Salamat po, maam. Oh sige maiwan na muna kita diyan may aasikasuhin pa ako.”paalam sa kaniya nito at tumango siya bilang tugon dito. Muli niyang ipinikit ang mga mata at siya'y napaidlip. Naalipungatan siya nang magring ang kaniyang telepono na nasa loob ng kaniyang bag. Kinuha niya ito sa loob at sabay na sinagot. “ Oh, bakit napatawag ka?” “Umuwi kabang mag-isa diyan sa bahay niyo? Bakit bigla kang nagwalk-out?” “ Chloe, hindi ko gusto ang nangyari sa akin sa mall. Kaya't umuwi ako dito.” “ ah okay pero sana nagpaalam ka naman sa amin. Alam mo bang nag-away kami ni Jake pagkatapos nun?” “ Bakit mo sa akin sinasabi to?” “ Gusto ko lang mag-apologize sa ginawa sayo ni Jake. Ang buong akala kasi siya ay ako iyon.” “ Oh sige wala ka nabang ibang sasabihin kasi may gagawin pa ako eh ” “ Wala na, tumawag lang ako sayo para malaman kung nakauwi kabang safety sa bahay niyo.” matapos iyon ay agad niyang ibinaba ang tawag at inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa. “ Ang sabihin niya lang, manyak ang boyfriend niya. Nakakainis!”at sabay na inirap ang kaniyang mga mata. Maya't-maya ay bumusina sa labas ang kotse ng kaniyang mga magulang. Agad na lumabas ang kanilang kasambahay upang pagbuksan ito ng gate. “Good afternoon po, maam sir.”bati ng kanilang kasambahay sa mga magulang nito nang makababa ang mga ito sa kotse. May dalang boquet of flowers ang kaniyang ina at ang hindi mawala ang ngiti nito sa labi. “ Si maam Sienna niyo ba ay dumating na?”seryosong tanong nito sa kanilang kasambahay. “ Opo, maam nakaupo po siya sa sala.”tugon nito at magkasabay na pumasok ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay. Tumayo si Sienna upang salubungin ang kaniyang mga magulang at sabay na hinalikan sa pisngi. “ Kay aga mo namang umuwi anak?”diretsong tanong sa kaniya ng ina at ang kaniyang ama ay dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Nandoon sa kusina ang iba pa nilang mga kasambahay at yung iilan ay naglalaba ng kanilang mga damit. “ Wala lang mom, umuwi lang ako dito ng maaga nakakabagot kasi doon.”mapaklang tugon nito sa ina at kaniyang iniwas ang mga mata dito. Ayaw niyang malaman ng kaniyang mga magulang ang hindi kaaya-ayang nangyari sa kaniya sa mall. “ Kumusta ang lakad niyo ni Daddy?”pag-iiba niya ng usapan. Muling ngumiti ang kaniyang ina bago sumagot sa tanong niya. “ Okay lang din anak.”nakangiting tugon nito sa kaniya. Makikita sa mga mata nito ang kasiyahan at kuntento. “ Nabisita moba si Ada?”pahiwatig ng kaniyang ina sa alaga nitong parrot. Ito ay iniregalo sa kaniya ng asawang lalaki dalawang taon ang nakalipas. “ Hindi pa, mom. Medyo napagod po kasi ako sa biyahi at saka baka mangungulit lang din iyon sakin.”sambit niya. Ang ibong iyon ay nagkakahalaga ng limang milyon. Hindi kasi siya normal na parrot, marunong itong makipag-usap sa kanilang mga amo, tumula at kumanta. Marunong din itong sumagot ng pabalang at sumagot. At marami siyang alam tungkol sa history. Kabisadong-kabisado niya ang bawat linya. Paminsan-minan ay nagtatampo rin ito kapag walang ni-isa sa mga amo nito ang bumisita sa kaniya. Si Ada ay espesyal para sa kanilang pamilya ngunit nakahiwalay ang malaking hawla nito sa kanilang bahay. “At saka mom, nakakabasa iyon ng isip eh. Chismosa pa naman iyon ”dugtong ni Sienna sa ina na ikinatawa nito. “ Oh sige, anak ako nalang ang bibisita sa kaniya doon.”ani nito sa kanya. Kinuha ni Sienna ang kaniyang bag at agad na umakyat sa kaniyang kwarto. Ang kaniyang ina ay nagpunta sa kabila kung nasaan ang alaga naroroon ang alaga nila. Nadatnan nitong kausap ng kanilang kasambahay. “ Mommy!”masayang tawag sa kaniya ni Ada nang mapansin siya nito at nagsisilipad ito sa loob ng kaniyang hawla. At ang kanilang kasambahay ay napalingon sa gawi nito. “ Magandang hapon po, maam.”bati nito sa kaniya. “ Mommy! mommy! Gusto mo bang kantahan kita?” Ang boses nito ay sobrang liit pero klaro ang bawat linya nito. Huminto ito sa kakalipad at sabay na iginagalaw nito ang kaniyang buntot. Nakangiting pinagmasdan ng ginang ang alaga nitong parrot. “ Oh sige nga, Ada.” “Yippeeey! yipeeey!” “ Makikinig ako sayo, Ada.” “Music maestro!” “ Near, far wherever you are. I believe that the heart does go on, on. ”Tuwang-tuwa ang ginang habang nakikinig kay Ada. “Once more, you open the door and you're here in my heart. Ooooooooh!”matapos nitong kumanta at sabay itong nagbow sa ginang tila isang tao. “ You're a great singer, Ada. I'm proud of you”anito sabay na pumapalakpak. Iginalaw-galaw nito ang kaniyang buntot nang marinig ang kumento ng kaniyang amo. Si Ada ay mayroon trainer na ang sahod sa isang buwan ay isang daang-libo. Isang professional trainer ang kanilang kinuha upang magtrain sa kanilang alagang ibon. “ I missed you a lot, mom.” “ I miss you din.” "Mom, where's daddy?”tanong nito sa kaniya. Kaniyang binuksan ang hawla nito kaya't lumipad ito papunta sa kaniya at pumatong sa kaniyang balikat. At sabay nitong iningudngod ang kaniyang tuka sa ulo ng ginang. “ Nasa kabila, Ada.” “ Can I go with you?”pakiusap nito sa kaniya. Marunong din itong magsalita ng english kaya sinumang tao ang makakasalamuha o makakita sa kaniya ay matutuwa talaga. “ Oh sige,pero saglit lang ah?”anito sa alaga. Kumembot-kembot ito sa tuwa nang payagan ng ginang na sumama sa loob ng kanilang bahay. Habang sila ay naglalakad papunta sa kanilang bahay ay napatingala sa kalangitan ang ginang nang makitang nagsiliparan ang mga ibon sa himpapawid. Napakaraming ibon tila'y naghahatid ng mensahe na may parating na delubyo. “ Anong nangyayari?”nag-alalang tanong ng ginang sa kaniyang sarili habang nakatingala sa kalangitan. “ May dala po iyang mensahe. Ang ibig pong sabihin niyan ay may paparating na delubyo.”sagot ni Ada na ikinatakot ng ginang. “ Anong ibig mong sabihin,Ada?”naguguluhang tanong ng ginang dito. “ Kaming mga ibon ay may kakayahang maramdaman ang mga bagay na hindi nararamdaman ng tao lalo na't sa kalikasan. May isang paparating na delubyo at kailangan nating maging handa doon kung anuman iyon. ” Biglang kinabahan sa takot ang ginang sa mga sandaling ito. “ Sana ay kung anuman iyon Ada ay hindi ito ng magdudulot ng perwisyo sa mga tao o sa atin.” “Tiwala at pananampalataya po ang dapat pairalin natin.” “Tama ka, Ada.” Muling ihinakbang ng ginang ang kaniyang mga paa papasok sa loob ng kanilang bahay. Nagulat ang kaniyang asawang lalaki nang makita nitong nakapatong sa balikat nito ang kanilang alagang parrot na si Ada. Lumipad ito papunta sa balikat ng ginoo. “ Alam mo bang kinantahan niya ako sa paborito kong kanta?” “ Talaga, Ada ginawa mo iyon?” “ Opo.” “ Teka lang, mahal nakita moba ang mga ibon na nagsiliparan sa himpapawid?”naramdaman ng ginang ang presyon sa asawa nito. “Oo, mahal kinakabahan ako sa paparating na delubyo.”nababahalang tugon nito sa asawa. “ Bakit mo nalaman na may paparating na delubyo, mahal?”naguguluhang tanong nito sa kaniya. “ iyan ang sabi sa akin ni Ada.” “ Bakit, Ada? Naramdaman moba?” “ Opo.” “Kung ganun, kailanganan nating paghandaan kung anuman iyon mahal.” “ Oo mahal.” Sabay silang pumasok sa loob kasama si Ada na nakapatong sa balikat ng asawa. Hindi mapigilang mangamba nito sa mga possibleng mangyari sa hinaharap. Bumuntong-hininga na lamang ang ginang at kinalma ang kaniyang sarili. Ilang minuto ay agad na ibinalik ng kanilang kasambahay si Ada sa hawla nito. Sa kabilang banda si Sienna ay nakaupo lamang sa sopa nito na nasa kaniyang kwarto at nagmumuni habang ang mga palad nito ay nasa mukha. At muli siyang napapikit nang maalala ang mga nangyari sa kaniya sa mall. Iyong muling pagtagpo nila ng taong may ari ng sperm cell na aksidenteng nakapasok sa kaniyang puwerta at yung kamay ng boyfriend ni Chloe na napunta sa kaniyang hita. Halos mabaliw ang dalaga sa mga pangyayaring iyon. Maya't-maya ay tinawag siya ng kaniyang ina mula sa labas ng kaniyang kwarto. Kaniyang ikinalma ang sarili at sabay na tumayo. “ Sien, lumabas kana diyan magdi-dinner na tayo.”tawag sa kaniya ng ina. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto at sabay na pinagbuksan ito.“ Sorry mom, pero wala akong ganang kumain. Mamaya nalang po ako kakain.”tanggi niya dito. “Oh sige, anak.” May naramdamang kakaiba ang kaniyang ina sa kaniya ngunit hindi na ito nag-atubiling tanungin siya bagkus ay nagpaalam na lamang ito sa kaniya at bumaba ng hagdan. Kaniyang isinarado ang pinto at sabay na humiga sa kaniyang kama. Pilit niyang winawala ang mga negatibo nitong alaala ngunit hindi niya ito magawa kaya't dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at nagtalukbong ng kamot. Kahit anumang gawin nitong pagpikit ay hindi parin siya nakaramdam ng antok. Mag-aalas otso na ng gabi subalit ang kaniyang diwa ay gising pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD