Third POV
Ngunit anong gawing pagpikit ng dalaga ay nanatiling ulirat ang kaniyang diwa. Bangon-higa ang kaniyang ginawa hanggang maghating-gabi ay ganun parin ang sitwasyon niya. “Ano bang nangyayari sakin? Bakit hindi ako makatulog!”
“Patulugin mo naman ako, Mr.Rodriguez nakakainis kana!”
Kaya't tumayo na lamang siya at napagdesisyunang lumabas ng kwarto. Habang pababa siya ng hagdan ay napayakap siya sa kaniyang sarili sa sobrang lamig ng buong bahay. Tanging siya lamang ang gising sa mga oras na iyon, dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina.
Binuksan niya ang rice cooker at sabay na kumuha ng plato't kutsara.Sumandok siya ng dalawang sandok na kanin at inilagay nito ang menudo sa loob ng microwave upang uminit.
Ilang minuto nang masigurado nitong uminit na ang menudo ay kaniyang ini-off ang microwave at inilabas ito. Kumuha siya ng kaunti at sabay na umupo.
Agad niyang nilantakan ang pagkain at sabay na tumayo upang kumuha ng tubig sa loob ng refrigerator. Nagsalin siya ng tubig at saka ininom ito.
Pagkatapos niyang kumain ay iniligpit nito ang kaniyang pinagkainan at hinugasan. Ang mga mata nito ay pagod na pagod na. Nang mahugasan niya ang mga ito ay muli niyang binuksan ang refrigerator ay kumuha ng mansanas. Agad siyang umakyat sa kaniyang kwarto.
Kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan ito. Pagbukas niya ng kaniyang social media account ay bumungad sa kaniya ang halos isang libong notification, tatlong daang messages at public post ng mga followers nito. Umagaw sa kaniyang atensyon ang isang friend request kaya't tinignan niya ito. Nanlaki ang mata nito sa gulat nang makita kung sino ang nagfriend request sa kaniya. Ang taong kinasusuklaman niya dahil sa inis na inis na nararamdaman niya ay kanya itong denelet at sabay na tiniklop ang laptop. Padabog siyang bumalik sa kaniyang kama at sabay na nagtalukbong ng kumot. “ Bakit hindi moko tantanan!”mahinang bulong nito sa kaniyang sarili sa inis.
“Bwesit kang lalaki ka, get lost!”dugtong pa niya. Mag-aala-una na ng gabi siya ay nanatiling ulirat pa. May importante pa siyang lakad kinabukasan. Mangungulekta pa siya ng mga insekto upang mapag-aralan sa laboratoryo ng ama niya. At kailangan pa niyang gumawa ng procedure para sa nagawa nitong eksperimento sa bulate.
Hanggang sa hindi nito namalayan na nakatulog na pala ito. Samantalang si Chloe ay nagising sa isang kalabog mula sa labas ng veranda. Kinuskos niya ang kaniyang kamay sa mga mata at dahan-dahang naglakad palabas ng veranda. Pagkalabas nito ay agad bumungad sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin sabayan ng tinig ng mga insekto sa gabi.
Napatingala siya sa buwan. Namangha siya sa ganda nito at siya'y napangiti habang pinagmasdan ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan. Ilang minuto ay bumalik siya sa loob ng kaniyang kwarto. Nakaramdam siya ng uhaw kaya't lumabas ito ng kwarto at bumaba ng hagdan. Dumiretso siya sa kusina upang kumuha ng tubig. Pagkatapos ay umakyat na ito pabalik sa kaniyang kwarto at humiga sa kaniyang kama. Trenta segundo lamang ay nakatulog na ito.
Kinabukasan alas diyes ng umaga nagising ang dalagang si Sienna. Madaling araw na kasi siyang nakatulog kaya't medyo late narin siya nagising. “ Sieen!”tawag sa kaniya ng ina mula sa labas ng kwarto. Bahagya siyang napabangon at tumayo.
Agad niyang pinagbuksan ng pinto ito. “ Good morning anak, late ka naba nakatulog kagabi?”deretsong tanong nito sa kaniya.
“Opo, mom eh. Ang dami kasing bumabagabag sa isipan ko kagabi. Ala una na ata ako nakatulog.”tugon nito sa ina na ikinagulat nito.
“ Kumusta ang pakiramdam mo anak?”nag-alalang tanong sa kaniya nito. “ Medyo masakit po ang ulo ko, mom.”tugon nito na ikinabahala ng ina.
Dali-daling inilapat ng ina ang palad nito sa kaniyang noo. “ Mainit ka anak ah?”sambit nito.
“ Medyo masakit lang po ang ulo ko pero kaya ko pa naman.”
“ No, anak kailangan mong magpahinga. Aalagaan kita ngayon at saka wala ka namang duty ngayon eh kaya magpahinga ka muna ng maayos.”
Inalalayan siya nitong bumalik sa kama at inihiga nito. “Manang, dalhan mo nga ako ng maligamgam na tubig at panyo.”tawag nito sa kaniyang mga kasambahay.Maya't-maya ay dumating ito dala ang hinihingi nito. Kaagad siyang pinunasan ng kaniyang ina sa mainit na parte ng katawan nito at pinainom ng gamot. May importante pa siyang lalakarin ngayon at sa sitwasyon nito ay hindi na niya ito magagawa.
Samantalang ang bilyonaryong si Adam Rodriguez ay nakaharap sa kaniyang laptop. Napakagat siya sa kaniyang labi nang idecline ang friend request nito sa dalagang si Sienna at sabay na bumuntong-hininga. Kaniyang itiniklop ang laptop at sabay na kinuha ang remote control ng tv. Binuksan niya ito at nanonood ng basketball. Ang kaniyang asawa't mga anak ay nass kani-kanilang kwarto habang ang kaniyang asawa ay nasa kusina.
Ipinatong nito ang kaniyang paa sa mini-table at sabay nagsindi ng sigarilyo. Ang kaniyang asawa ay pababa ng hagdan habang may kausap ito sa phone. “ Okay bye, I'll call you later.”paalam ng asawa sa kausap nito sa phone. Isinilid ng asawa ang kaniyang phone sa bulsa ng coat niya. “ Hon, where are you going?”deretsong tanong ni Adam sa asawa nang mapansin niyang bihis ito. Kinagat muna ng asawa ang labi nito bago sumagot.
“ May kikitain akong kliyente, hon.”tugon nito at tumingin sa kanya ng mapang-akit . “ Okay, hon.”tanging naisambit ni Adam sa asawa.
Tumayo si Adam upang salubungin ang asawa ng yakap't halik. “ Wala ka paring pinagbago, hon you're so pretty.”bulong ni Adam sa tenga ng asawa na ikinangiti ng asawa niya. “ Umuwi ka ng maaga later ah? May utang kapa sa aking tatlong rounds.”pilyong sambit ni Adam sa asawa.
Kaagad silang bumitaw sa isa't-isa at tuluyan nang nagpaalam ang asawa nito. Kinindatan ito ni Adam bago tuluyang makalabas ng mansion. Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan at kumuha ng isang dyaryo na nasa ibabaw ng center table nito. Napangisi si Adam nang makita ang mukha ng babaeng siyentista na binigyan niya ng kaniyang samples. Ito ay nasa dyaryo pagkat mayroong nadiskubre ang ama nito sa pinag-aralan nitong cells sa isang daga. Ang pamilya ni Sienna ay kilala sa buong mundo sa pagiging magaling nito sa larangan.
“ Daddy!” tawag sa kaniya ng mga anak na kababa lamang ng hagdan.
Bahagyang lumingon si Adam sa mga anak. “Kumusta ang mga baby ko?”nakangiting tanong nito sa mga anak at lumapit ang mga anak nito sa kaniya. “ We are okay, dad but I want to go shopping. I want to buy new toys.”nakapout na saad ng anak nitong babae na si Akasya.
Kaniyang ginulo ang buhok ng anak. “ Okay, we'll go shopping.”saad nito na ikinatuwa ng mga anak. Ang anak nitong si Akasya ay mahilig sa mga barbie doll, barbie houses at marami pang iba samantalang ang anak nitong si Aki ay mahilig ito sa laruang robots,cars at video game. Nagtatalon sa tuwa ang dalawang anak ni Adam lalo na't si Akasya. “ Yiee, thank you so much dad and I'll love you always as always.”masayang sambit ng anak nito at sabay siyang niyakap ng mahigpit.
“ Before we go, to the mall, magbreakfast muna kayo, okay?”saad ni Adam sa dalawang anak nito.
“Okay, dad let's go, Aki.”masayang tugon ni Akasya at sabay na hinawakan ang kamay ng kapatid nito. Dumiretso sila sa kusina at kaagad na inasikaso ang mga ito sa kaniya-kaniya nitong yaya.
Sa kabilang banda ang kaibigang siyentista ni Sienna na si Chloe ay umiiyak itong nakatitig sa kaniyang phone. “ I thought that you're love is true pero niloloko molang pala ako.”sambit nito at masamang nakatitig sa litrato ng nobyo.
“ Ano bang pagkukulang ko sayo, Jake? Binigay ko naman lahat sayo ah? Bakit nagawa mo pa akong saktan?”
Noong nasa sinehan sila matapos bastusin nito ang kaibigang si Sienna ng nobyo ay kaniya itong kinausap ng mahinahon kung bakit iyon nagawang bastusin ang kaibigan ngunit nagwalk-out lamang ito at lumabas ng sinehan.
Nang kanila itong sundan ay nakita nila itong may kayakap at kahalikang ibang babae. Kitang-kita ng dalawang mga mata nito ang pagtataksil ng nobyo. Sa galit ni Chloe sa nobyo ay kaniya itong sinugod, hinila nito ang babae na kahalikan ng nobyo at inilayo.
“ Kaya pala wala kanang gana sa relasyon natin dahil may iba ka na palang nilalandi!” sambit nito at sabay na sinampal ang nobyo. Lumapit ang babae nito at ipinagtanggol sa kaniya.
“ At ikaw babae, ka. Masyado nabang makati? Huwag kang magpakamot sa taong may nagmamay-ari na. Napakalandi mo!”
“ Sino kaba sa inakala mo?”ani ng babae sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay nanlilisik nang marinig ang sinabi nito sa kaniya.
“ Sino ako? Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nilalandi mong lintaka!”sigaw niya dito at sabay na hinila ang buhok nito.
Biglang natigilan si Chloe nang magsalita ang nobyo. “ Tama na iyan, Chloe wag mong sasaktan ang babaeng nagdadala ng anak ko!” biglang gumuho ang mundo ni Chloe sa mga oras na iyon. Ang nag-uunahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha at sabay na tumayo. “ Bawiin mo iyan!”pagsisigaw nito
Ngumisi ng malapad ang babae at sabay na tumayo. Kaagad itong pumulupot sa braso ng nobyo. “ Ano ang ibig mong sabihin?”.
“ Buntis siya at ako ang ama,”
“ Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?”
“Sa akin siya pumupunta kapag inayawan mo siya. Kumbaga ako ang nagpupuna ng mga pagkukulang mo.”sabat ng babae
“ Sabihin mo na sa kaniya, jake upang malaman niya ang lahat at makalaya na tayo sa kaniya.”
“ Sorry, Chloe hindi ko sinasadyang lokohin ka. Nadala lamang ako sa tukso.”
“ All these years ako lang pala ang nag-assume na okay tayo kasi ikaw may iba kanang diniligan.”
“Sorry!”
“ Bakit Jake? May magagawa ba iyang sorry mo?”
“Sorry, mahal naman kita eh pero nung---”
“ Pero ano? dahil mas magaling siya sa kama kaysa sa akin? Ganun ba iyon!”
“ Nagkakamali ka, Chloe. Nang malaman kasi ni daddy na nabuntis ko si Kim ay pinapili niya ako kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin ko. At kung ikaw ang pipiliin ko tuluyan niya akong itatakwil bilang anak niya. Kaya't pinili ko si Kim.”
“ Isa lang ang ibig sabihin nun, hindi ikaw mahal nya kundi ako.”sabat ng babae.
“ Tumahimik ka hindi ikaw ang kinakausap ko!”
“ Gusto kong malaman sayo kung minahal moba talaga ako o ako lang ang nagmahal?”
“ Mahal kita pero pinili ko siya.”
“ Truth hurts hindi ba?”
“ Tumahimik ka, Kim. Away namin ito kaya pwede bang hayaan mo kaming makapag-usap. Mauna kana dun sa kotse.”
“ Ayoko nga, baka umatras kapa sa kasal natin nang dahil sa kaniya.”
“ kasal?”
“ Oo, Chloe kami ay ikakasal sa susunod na linggo.”sagot ni Kim sa kaniya. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa mga oras na iyon. Gusto niyang maglaho na lamang upang mawala ang sakit na nararamdaman niya. “ Please, Chloe pag-usapan natin to ng maayos!”
“ Ano pabang kailangan nating pag-usapan? Malinaw na sa akin ang lahat, jake. Kaya't ngayon ay masakit man sa akin ang gawin ito pinapalaya na kita.”
Tumalikod si chloe habang ang mga luha nito ay nag-uunahan sa pagtulo. Hinila ng babae ang braso ng nobyo at lumabas ng mall.