Chapter 6

1765 Words
Third POV Inalalayan ni Kate ang kaibigan palabas ng mall at pinagbuksan niya ito ng kotse. Siya ay hinatid ng kaibigan sa kanilang bahay. Naikuyom ni Chloe ang kaniyang kamao nang maalala nito ang panloloko ng nobyo sa kaniya. “ Ipapakita ko sayo ang bagong chloe na niloko mo.”bulong nito sa sarili at sabay na tumayo. At sabay na nagbihis,siya ay pupunta sa bar upang makapag-unwined ng kaniyang isipan. Lumabas siya ng kwarto at agad na bumaba ng hagdan. Nang mapansin siya ng kaniyang ina na habang ito ay umiinom ng tsaa sa tabi ng ama nito ay nagulat ito nang makita ang suot niya. “ Ano bang klasing isinuot mo, anak napakareveal naman.”pamumuna ng kaniyang ina sa suot nito. “ Mom, kailan mopa ako nakitang nagsusuot ng dress. Ganito na ako manamit.” “Where are you going, anak? May lakad kaba kasama si Siensien?”seryosong tanong ng kaniyang ina at sabay na humigop ng tsaa. “ Hindi ko siya kasama, mom mag-uunwined lang ako ng isipan ko.”tugon nito sa ina. “ Saan kana naman magpupunta anak?”nag-alalang tanong ng kaniyang ina sa kaniya. “ Mom, don't worry hindi na ako alam kona ang ginagawa ko.” “ Diyan lang sa malapit, mom. ” Lumapit siya dito at sabay na hinalikan sa pisngi ang kaniyang ina. Bago siya lumabas ng bahay ay dumiretso muna siya sa quarter ng mga kasambahay at kaniyang binisita ang mag-ina. “ Nasaan ang mag-ina?”seryosong tanong nito sa isang kasambahay nila habang ito ay naglilinis ng binata. “ Umalis napo maam.”sagot sa kaniya nito na ikinagulat niya. “ Anong umalis na? Hindi ba't kabibilinan ko lang sa inyo na tratuhin niya ang mag-inang iyon ng pantay? Bakit siya umalis?”naguguluhang tanong nito sa mga kasambahay habang ang mga ito ay nakayuko. “ Siya ang kusang umalis, maam. Hindi namin siya napigilan. Pasensya na talaga.” “ Alam mo bang ulila na ang mga iyon at inabandona na sila ng asawa nito? Wala iyong ibang mapupuntahan o di kaya'y mauuwian. Sana pinigilan niyo manlang.” “ Pasensya na talaga, maam. ” “ Kailan pa siya umalis?” “ Ngayon lang po maam.” nang sabihin iyon ng kaniyang kasambahay ay dali-dali siyang nagpaalam sa mga magulang nito at lumabas ng bahay. “ Hindi pa iyon nakakalayo, kailangan ko siyang pigilan at ibalik sa bahay.”bulong nito sa kaniyang sarili habang tumaktakbo palabas ng bahay at nagtungo sa parking lot. Kaagad siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinagbuksan siya ng kanilang gwardiya ng gate. Nang tuluyan siyang makalabas ng gate ay kaniyang pinaharurot ang kotse. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nagbabasakaling makita niya ang mag-ina. Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ay may nakita siyang babae habang ito ay naglalakad na walang saplot sa paa. Agad niyang nakilala ang tindig nito kaya't kanyang binuksan ang bintana ng kotse at sabay na tinawag ang babae na may dalang sanggol at gamit nito. “ Manang, sandali mag-usap muna tayo!”tawag niya dito. Lumingon sa gawi niya ang babae at huminto sa paglalakad. Inihinto ni Chloe ang kaniyang kotse at agad na bumaba ng kotse. “ Saan ka pupunta? Bakit umalis ka sa bahay?”nag-alalang tanong nito sa babae “ Maam, ayoko pong gambalain kayo. Kaya't umalis po ako, at saka po hindi niyo naman ako ka anu-ano.”mahinahong tugon nito sa kaniya. “ At saka po nagpapasalamat ako sa ginawa mo sa amin ng anak ko kaya't habang ko iyon dadalhin sa puso ko.” “ Hindi manang, hindi mo kailangang umalis ng bahay. Welcome po kayo doon at ng anak niyo.” “Salamat sa kabutihan niyo po maam. Pero ayoko pong abusuhin ang kabaitan niyo.”sa mga linyang binitawan ng ginang ay ramdam ng dalaga ang pighati nito. “ Hindi kayo nakakaabala sa akin o sa amin manang. At saka delekado ang buhay niyo dito sa kalsada lalo na't ang kalusugan ng anak mo.” “ Kay buti-buti ng puso mo, hija. Sana pagpalain ka ng poong maykapal.” “ Sumama napo kayo sa akin, manang. Ibabalik po kita sa bahay, ayokong nakikita kayong nahihirapan dito sa kalsada at saka nag-alala ako sa kalusugan ng anak mo.” “ Hindi na kailangan, hija. Ayokong makaabala sayo at sa pamilya mo.” “ Kailanman ay hindi po naging abala sa amin o sa akin. Bagkus po ay masaya po ako na may natutulungan akong ibang tao. Sige na po bumalik napo kayo sa bahay, kahit para nalang sa anak niyo.” pakiusap ni Chloe dito. “ Kung nahihiya po kayo sa amin o sa akin, pwede kayong pumasok sa amin bilang kasambahay habang inaalagaan mo ang anak mo.”pagpupumilit ni Chloe dito “ Saka kana, umalis ng bahay kapag nakapag-ipon kana ng sapat na pera.”dugtong nito Ang luhang kanina pa pinipigilan ng ginang ay kusa itong tumulo mula sa mga mata. “ Kung nabubuhay lang sana ang anak ko, sana kasing edad mona siya ngayon.”sambit nito. Bakas sa mga mata nito ang lungkot at nasaktan ang dalaga nang makita ang ginang na umiiyak. Kaniya itong nilapitan at niyakap. “ Don't worry po, isipan niyo nalang po na ako ang anak ninyo.”sambit nito habang niyakap niya ito. “Ayokong kuhanan ng karapatan ang mga magulang mo hija lalo na't ang ina mo. Oh sige aalis na kami.”paalam nito sa kaniya ngunit hindi tumigil si Chloe sa ginang. “ Hindi manang, hindi moko pwedeng iwan. Babalik ka sa bahay namin, okay?”sambit ni Chloe. Sa kakulitan ni Chloe ay napapayag niya itong bumalik sa kanilang bahay. Kaniya itong inalalayang pumasok sa kotse. “ wag kang mag-alala, manang simula ngayon ako ay anak mo at ikaw ay mama ko. At ako ang magpupuna ng lahat sayo.”naging emosyonal ang ginang sa isinambit ni Chloe dito. Unang kita palang nila ng gabing iyon ay magaan na ang pakiramdaman ng dalaga dito tila ay matagal na niya itong kilala. At saka naramdaman nito ang pighati at sakit na nasa puso nito. “ Huwag kang mag-alala hindi ko hahayaan ang sinuman ang manakit sa inyo ng anak mo. Proprotektahan po kita sa abot ng aking makakaya, mama.”hindi inakala ng ginang na may taong tatanggap sa kaniya ng buong puso. At kaniyang naalala ang anak nang ito ay nabubuhay pa. Ang anak nito ay namatay sa isang aksidente nang mabangga ang kanilang sinasakyang jeep at tanging siya lamang ang tanging nakaligtas. Patuloy na dumadagayday ang mga luha nito sa mga mata samantalang ang sanggol nito ay mahimbing na natutulog. “ Salamat, hija. ” “ Anak po, mama. Simula ngayon gusto ko tawagin mo akong anak.”anito Hinawakan ni Chloe ang kamay nito at nakangiti dito. “ Huwag kang mag-alala, anak susuklian ko ang kabutihang ginawa mo samin ng anak ko. ”sambit ng ginang sa kaniya. “ Hindo napo kailangan mama. Sapat na sa akin na nasa mabuting kalagayan at ligtas po kayong dalawa ng sanggol mo.” “ Kung nasaan man ang anak niyo ngayon mama, alam ko pong ayaw niyang makita na nasa mahirap kayong sitwasyon. Ayaw niyang maging delekado ang buhay niyo.” Nang makarating sila sa village ay agad na pinagbuksan siya ng gate ng kanilang gwardiya. Ang mga kasambahay lalo na't ang mayor domo ng mga ito ay nagulat sa kanilang nakita. Kaya't lalong nagalit at naiinis ito sa ginang na kasama ng kanilang amo. Nagulat ang kaniyang mga magulang nang makita ang ginang na kasa-kasama ng kanilang anak. “ Sino siya, anak?”seryosong tanong sa kaniya ng ina. Bahagyang yumuko ang ginang. Nanlilisik na nakatingin ang mayordomang kasambahay nito. “ Siya po si Aling Melissa at sanggol niya po ang karga-karga niya.”pakilala nito sa ina. “ Saan mo siya napulot? At bakit mo siya dinala dito?”sa tono ng pananalita ng ina nito ay tila hindi nito nagustuhan ang desisyon ng anak. “ Teka lang, hindi ba't siya iyong babae na kalalabas lamang ng bahay natin? Bakit mo siya ibinalik dito?”. “ Mom, kagustuhan ko pong dalhin siya dito. At saka hindi po ba kayo naaawa sitwasyon nilang mag-ina? Delekado ang buhay nila sa kalsada.”depensa nito sa ina. “ Ayokong makikita ang pagmumukha niyan sa pamamahay ko. Ibalik mo iyan kung saan mo iyan napulot!” “ Hindi mom, hindi mo siya gagalawin. Dito siya titira sa bahay.”pagpupumilit nito sa ina “Ngunit bahay ko to, anak kaya ako lang magdedesisyon kung sino ang gusto kong patitirahin sa pamamahay ko!” hindi inakala ng dalaga na masasabi iyon ng kaniyang ina. May naramdaman siyang mali sa pagtrato nito sa kaniya. “ Aalis nalang po ako, anak. Magkikita pa naman tayo.”ani ng ginang. Hinawakan ni Chloe ang kamay nito at sabay sabing. “ Kung aalis ka ay aalis narin ako. Ayokong pabayaan kayo kaya't sasama na ako sa inyo.”anito na ikinagulat ng kaniyang ina. “ Kaya mo kaming ipagpalit sa babaeng iyan? Ano ba ang nakita mo sa kaniya?”galit na tanong ng ina nito. “ At ikaw babae ka, ginayuma mo ba ang anak ko?”pagdidiin nitong tanong sa ginang. Yumuko lamang ang ginang kasi alam niya ang boundaries niya sa bahay. “ Hindi naman mom. Ayoko lang nakikitang miserable ang buhay ng mag-inang iyan.”tanggi niya nito “ Kapag sinubukan mong sumama sa kaniya ay wag kanang bumalik sa pamamahay na ito!”galit nitong sambit sa kaniya. “ At kakalimutan mong naging parte ka ng pamilyang ito!” “ Wag mong suwayin ang mama, hija. Wag mong gawin ito sa kaniya. Piliin mo siya wag ako ang piliin mo.”ani ng ginang “Ako ang dahilan kung bakit kayo nag-aaway kaya't aalis na ako. Pasensya na kayo sa perwisyo na dinulot ko sa inyo."paghingi nito ng tawad sa dalaga at sa ina ni Chloe. “ Salamat sa lahat, anak ”huling sambit ng ginang sa kaniya at umalis. Hindi na niya ito napigilan, at padabog na pumasok ang kaniyang ina sa loob ng bahay at nanatili siyang nakatayo. Tumulo ang kaniyang luha, apektadong-apketado siya sa mag-ina. Napaupo na lamang ito habang mahinang humihikbi. Hindi niya alam kung bakit naging ganun na lamang ang naging trato niya sa mag-ina tila'y nasasaktan siya sa mga sinasabi ng kaniyang ina sa mag-inang tinulungan niya. Noong unang nakita ng ina nito ang mag-inang tinulungan ng anak ay nakilala niya kaagad ito sa unang sulyap pa lamang niya rito. Kaya't pinalayas niya ito nang hindi nalalaman ng anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD