Third POV
Padabog na pumasok si Chloe sa kaniyang sasakyan at pinaharurot ito. Upang mawala ang sakit ng kaniyang naramdaman ay agad siyang nagtungo sa bar na dalawang kilometro ang layo mula sa bahay nila. Nang makarating ito sa bar ay agad itong pumasok sa loob ng bar. Lumapit siya sa binatang bartender at sabay na umorder ng dalawang boteng wine.
“ Miss, ikaw lang bang mag-isang iinom niyan?”nababahalang tanong sa kaniya ng binatang bartender. Nginisian niya ito bago sumagot.
“ Bakit? Nagdududa kaba na hindi ko kayang ubusin ang mga ito?”nakataas kilay nitong tugon ng binataang bartender. Yumuko na lamang ang binata at napapailing.
“ Mga walang kwenta!”dugtong pa nito at sabay na tumunga ng isang boteng wine. Palihim siyang sinusulyapan ng bartender ngunit hindi niya ito nahahalata.
At muling bumalik sa isipan nito nang mahuli ang nobyo at nalaman niyang pinaglaruan lamang siya nito at ang masaklap pa ay may nabuntis ang nobyo nito. Dumagdag pa ang nangyari sa kanilang bahay ilang araw ang nakalipas. Para ng sasabog ang puso nito sa sakit na kaniyang naramdaman. “ Bakit sila ganun?”umiiyak nitong tanong sa kaniyang sarili at sabay na tumunga ng alak.
“ Ganito ba talaga ang buhay ko?”dugtong pa nito. Nang maubos nito ang ikalawang bote ng wine ay muli itong umorder ng isa pang bote. Ang mga mapupungay niyang mga mata ay natabunan ng mga luhang nag-uunahan sa pagtulo.
“ Cheers!”sigaw nito at sabay na tumayo. Paika-ika siyang naglakad papunta sa dance floor. Sumasayaw ito habang itinataas ang bote ng alak. May mga lalaking umaaligid sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin sumayaw lang siya ng sumayaw hanggang sa matumba ito sa sobrang kalasingan.
“ Miss, pwede ba kaming maki-join sayo?”may biglang tatlong lalaki ang lumapit sa gawi nito. Sa sobrang lakas ng tugtog ay hindi niya ito narinig. Patuloy lang siya sa pagsasayaw hanggang hindi nakayanan ng kaniyang katawan.
Muli itong natumba ngunit pilit itong tumayo. Ang lalaking bartender ay nababahala sa kaniya habang ito ay hindi mapakaling nakatingin sa kaniya. “ Ganyan ba talaga ang mga babae? Ang wild niya!”bulong nito sa kaniyang sarili.
Nang tuluyang matumba si Chloe at hindi na nakabangon pa ay pinagpipiyestahan siya ng mga taong lasing at hindi lasing. Yung iba ay hinihipuan siya at yung iba ay kinukuhanan siya ng litrato ngunit napansin iyon agad ng binatang bartender kaya't dali-dali siyang nilapitan nito at sabay na inalalayang tumulo. Sa sobrang lakas ng epekto ng tatlong boteng wine sa dalaga ay nito kinayang tumayo pa kaya wala akong choice ang binata kundi buhatin lamang siya nito. “ Mga inutil kayo!”nagwawala ito habang binubuhat siya ng binata. Napapailing na lamang ang binata at inilabas niya ito sa bar. “Minahal naman kita ah? Bakit? Bakit mo ako sinaktan ng ganito. Ang sakit -sakit ng ginawa mo alam mo ba iyon?”pinaghahampas siya nito ngunit binalewala lamang ito ng binata.
“ Nasaan ang susi ng kotse mo?”tanong niya dito. Umasa pa siyang makakausap niya ito ng matino. “ Miss, yung susi ng sasakyan mo nasaan?”muli nitong tanong sa dalaga.
“Jake, bumalik ka sa akin please!”umiiyak na turan nito sa kaniya. Hindi niya talaga makakausap ng matino ang dalaga pagkat ang isip at katawan nito ay tuluyang nilamon ng kalasingan.
“Hindi mo ba nagustuhan ang kiffy ko, hindi ba masarap? Kaya ka tumikim ng ibang putahe ha, jake?”hindi na alam ng dalaga ang pinagsasabi nito. Napapalunok na lamang ang binata sa mga isinambit nito. At nagpipigil ito sa kaniya pagkat nakita nito ang pinkish na n****e ng dalaga. Hindi ito nakabra, at sa sobrang laki nito ay yumuyugyog ito. “ Sh*t! Pigilan niyo ako!”ani nito at sabay na kinagat ang kaniyang labi.
Nang matagpuan ng binata ang kotse nito ay agad niya itong binuksan at sabay niya itong ipinasok sa kotse. “ Jake! Come back please! I'll promise ilelevel up ko ang skills ko sa kama. Bumalik kalang!”
Lalong uminit ang katawan ng binata nang marinig ang sinabi nito. Aakma na sana siyang isarado ang pinto nang bigla siyang hilahin nito. “ pssshn wag kang umalis jake, dito kalang sa tabi ko.”pagmamakaawa nito sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang ang binata. Ang kanilang mga mukha ay magkakalapit sunod-sunod na paglunok ang ginawa ng binata nang magdampi ang kanilang mga labi kaya't agad niya itong naitulak.
Kinuha ng binata sa loob ng bag nito ang cellphone ngunit nang kaniya itong buksan ay nakalocked ito. Nasapo na lamang ng binata ang kaniyang mukha. Wala siyang ibang choice kundi pumasok na lamang ito sa kotse ng dalaga.
Dumiretso sila sa hotel. Agad na pinark ng binata ang kotse ng dalaga. Ang dalaga ay nakatulog ito sa sobrang kalasingan kaya't binuhat niya ito papasok ng hotel.
Ang mga staff ng hotel ay nagsitinginan sa kaniya at sa babaeng buhat-buhat nito.
“Miss,dalawang kwarto nga po ”anito sa isang staff habang nag-aayos ng kanilang files.
“Sorry, sir pero fullybook na ang mga room ngunit isa na lamang ang nakatira.”nanlaki ang mata ng binata sa isinambit ng hotel staff.
“ Good for two people po ang room naming iyon. At saka may promo po kami sa mga couples.”dugtong pa nito
“Sorry,hindi ko siya girlfriend.” tanggi nito.
“ Kahit siya nalang po. Hindi ko kasi alam kung saan ihatid.”
“ Oh sige po sir.”
Agad silang inalalayan ng isa sa mga hotel staff. At nang makarating sila sa second floor.
“ Ito po room ni maam, sir.”anito ng staff sa binata. Ngumiti siya dito at agad na nagpasalamat.
Nangangalay na ang binata sa pagbuhat nito sa dalaga. At marahan niyang pinihit ang pinto ng kwarto at kaniya itong ipinasok.
Kaniya itong pinahiga sa kama.Mag-aalas onse na ng tanghali. Panay ang tingin nito sa kaniyang relo. Nang masigurado niyang secured na ang dalaga ay agad siyang bumalik sa bar ngunit bago siya umalis ay ibinilin niya ito sa mga staff ng hotel. Sa kaniyang pagbalik ay nakita niya ang babaeng palagi nitong kasama na si Kate. Nagpalinga-linga ang kaibigan ni Chloe sa paligid at kaniya itong nilapitan.
“Excuse me, miss hindi ba't ikaw ang palaging kasama ni Ms. Chloe?”seryosong tanong ng binata sa kaibigan ni Kate. Bahagya itong lumingon sa kaniya.
“Bakit mo kilala ang kaibigan ko?”naguguluhang tanong nito sa kaniya.
“ Actually miss, ako ang nagdala sa kaniya sa hotel.”saad ng binata na ikinagulat ni Sienna
“ Anong ginawa mo sa kaibigan ko?”hindi na napigilan ni Sienna ang sarili. “ Wala akong ginawang masama sa kaniya, Miss hindi ko kasi alam kung paano siya ihatid sa bahay niya. Nakalocked din kasi ag phone niya kaya wala na akong choice kundi dalhin na lamang siya sa hotel. ”tanggi nito sa dalaga
“Paano ko masisiguro na hindi mo siya pinagsamantalahan?”nainsulto ang binata sa sinabi nito sa kaniya.
“ Miss, malinis po ang konsensya ko at hindi ko po kayang gawin iyon sa mga babae dahil may kapatid din akong mga babae. Nirerespeto ko po sila.”
“ Wag kang magdrama sa harapan ko sabihin mo nalang sa akin kung saang lupalop mo dinala ang kaibigan ko.”
“Medyo malapit lang dito, Miss. Nasa Adam's Hotel po siya miss?”nanlaki ang mga mata ni Kate nang marinig ang kaniyang sinabi.
“ Adam? You mean, si Adam Rodriguez ang may-ari ng hotel na pinagdalhan mo sa kaniya?"di makapaniwalang tanong sa kaniya nito. Naguguluhan namang tumingin ang binata sa dalaga.
“ s**t! This can't be kailangan ko siyang puntahan doon kaagad. Bilis samahan mo ako.”hindi na siya nakatanggi pa sa dalaga pagkat hinila na nito ang kaniyang kamay palabas ng bar. Dali-daling sumakay si Sienna sa kaniyang kotse at sumakay narin ang binata sa kotse nito. Agad na pinaharurot nito ang kotse papunta sa nasabing hotel ng binata. Pagkalabas nito sa kotse ay patakbo itong pumasok sa loob ng hotel at lumapit sa front desk.
“ Anong number ng kwarto ng kaibigan ko?”.
“May naiwan kaba dito sir?”
“Ah wala, nandito kami upang sunduin siya!”
“Oh sige po sir. ”
Dali-daling pumasok si Kate sa loob ng elevator. Ilang minuto ay agad sila nitong iniluwa sa ikalawang palapag.
Ngunit habang sila ay naglalakad papunta sa kwarto ng kaibigan ay kanilang nakasalubong ang may-ari ng hotel na si Adam Rodriguez kaya't lalong hindi mapakali si Sienna nang makita ang lalaking kinasusuklaman nito.
“Okay kalang, Miss?”nag-alalang tanong ng binata.Hindi siya nito sinagot bagkus ay nagpatuloy lamang ito sa paglalakad.
Kaniyang nilagpasan ito at pumasok sa loob ng kwarto ng kaibigan nitong si Chloe. Ngunit nadatnan nila itong natutulog.“Oh sige pwede mo na kaming iwan dito salamat sa pagdala mo sa kaniya dito.”
Agad na nagpaalam ang binatang bartender at sabay na umalis. Nakaupo lamang si Sienna sa sopa na malapit sa kama nito at pinagmasdan ang kaniyang kaibigan. Habang inaalagaan siya ng kaniyang ina ay agad na bumaba ang lagnat nito, ngunit nakatanggap siya ng text galing sa mama ni Chloe. Nang malaman niyang,hindi p umuuwi ang kaibigan at dali-dali niya itong hinanap kahit medyo masakit pa ang ulo nito.
Ilang oras ang nakalipas ay nagising ang kaniyang kaibigan na si Chloe. Laking gulat nito nang makita siya nito. “Where am I? At paano ako napunta dito?”deretsong tanong ni Chloe sa kaniya.
“Wala ka talagang maalala?”
“Aaargh!Ang sakit ng ulo ko,anong nangyayari, Sien?”
“ Nasa hotel ka at hindi mo ba talaga naalala kung paano ka napunta dito??”
“Wala talaga akong maalala, Sien. Ang tanging naalala ko ay nagpunta ako sa bar.”
“ ikaw ba ang nagdala sa akin dito?”
“Why would I? Bakit naman kita dadalhin dito eh alam ko naman kung saan kita ihahatid.”
“Then who?”
“ I didn't know him pero madalas natin siyang nakikita sa bar.”
“Oh my god! Pinagsamantalahan ba niya ako?”
“No,Sien. I think he's kind naman para gawin niya iyon sayo. At saka alam moba, gwapo siya kaso hindi ko bet bagay kayong dalawa.”
“Stop saying that,Sien!”
“Wait? May nabanggit ba siya sayo sa mga sinasabi ko? ”
“No!"
“Salamat naman!”
“Wag ka muna magpasalamat, kasi hindi natin alam kung mayroon ba o wala kang sinabi sa kaniya. ”
“Sien naman eh. Wag naman sana.”
“Okay ka naba? Alam mo ba kung sino ang nakasalubong ko kanina?"
“sino?”
“Ang lalaking may-ari nung sperm cell.”
“What? Bakit siya napunta dito?”
“He's the owner of this hotel.”
“Oh my god! Nagkita kayo?”
“Sympre umiwas ako.”
“Nga pala, kumusta ang pakiramdam mo?”
“Okay lang naman ako. Nawala na ang sakit ng ulo ko.”