Chapter 8

1591 Words
Third POV Hindi sila nagtagal sa hospital. Agad silang umalis ng hotel at agad na dumiretso sa tabing dagat. “ Do you think, Sien may ginawa akong kabalastugan kanina?”tanong ni Chloe kay Sienna habang ito ay nangunguha ng shells. “I don't know, Cloy. Sana nga wala kasi kapag meron nako nakakahiya iyon.”anito sakaniya. Nakaupo lamang si Chloe habang nakatingin sa kaibigan. “I hope so,” Sila'y nagpunta dito upang magpahangin. At medyo naduduwal siya sa sakit nito sa ulo at nahihilo pa ito. “Ang lakas ng tama, Cloy nakaubos ka talaga ng tatlong bote ng wine,"hindi makapaniwalang saad ni Sienna sa kaniya. At pati siya ay makapaniwala sa sinabi ng kaibigan nito. “ Sino nagsabi?”seryosong tanong niya dito. Bahagyang inangat nito ang ulo. “Syempre siya.” “ Oo nga pala, may nadiskubrehan kaba doon sa pinag-aralan mong bulate?”pag-iiba ng usapan nito.Tumango-tango sa kaniya ito bilang tugon sa tanong niya. “Ah, okay. Balik na pala tayo sa trabaho bukas. Hays!”anito “Ganun talaga ang buhay siyentista,Cloy.”sambit ni Sienna sa kaniya. Medyo marami-rami na ang nakuhang shells ni Sienna kaya't huminto na ito at sabay na naghugas ng kaniyang kamay. “ May kakaiba kabang naramdaman sa katawan mo?”biglaang tanong niya dito.Umupo ito sa kaniyang tabi bago sumagot. “Wala naman, bakit mo natanong?” “Naitanong ko lang.”nakatingin ito sa dagat habang sabay-sabay na bumuntong-hininga. “Ang lalim naman nun, Cloy may problema kaba? Pwede mong ishare mo sakin handa akong makinig kung anuman iyon.” “Actually meron, break na kami ni Jake.”malungkot nitong saad kay Sienna na ikinagulat nito. Npahawak pa sa labi ito sa gulat . “What? Bakit kayo nagbreak?”naguguluhang tanong nitp sa kaniya. Nag-ipon siya ng hangin bago,niya ito sinasabi. “ Do you remember nung isang araw? Na nagsine tayo? After nung mahipuan ka niya ay kinumpronta ko siya pero siya pa ang galit sa akin. Lumabas lamang sya ng sinehan kaya't agad ko siyang sinundan ngunit,”muling tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. “Ngunit ano?” “Ngunit, nakita ko siyang may kahalikang ibang babae.” “ Then what you did?” “ Kinompronta ko siya at nagkaharap kami ng babae niya ngunit ang sakit kasi.” “Kasi yung babae niya ay buntis at siya ang ama. Inamin sa akin iyon ni jake at malapit na silang ikasal.” Napatayo si Sienna nang malaman niya ito. Gusto niyang sugurin ang lalaking ito sa ginawa nito sa kaibigan niya. “ Nagpaliwanag ba siya sayo kung bakit niya iyon nagawa sayo?” Muling naging emosyonal si Chloe nang maalala nito ang lahat. “ Wag mong iiyakan ang lalaking iyon dahil hindi niya deserve ang mga luha mo.”sita sa kaniya nito. “ Sorry kung wala sa ako tabi nung mga panahong iyon.” “Wala kang kasalana sa akin,Sien.”muling umupo si Sienna at sabay na niyakap siya nito ng mahigpit. “ Makakahanap kapa ng iba, Cloy na mas better sa kaniya.”. “Hindi na, Sien. Ayokong muling masaktan.” “Hindi naman lahat ng lalaki ay ganun, Cloy may mga lalaki rin na kaya kang mahalin at paninindigan.” “ Pero ayoko muna, Sien kasi kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang pagiging siyentista ko. Magfofocus muna ako sa project natin.” Hinawakan ni Sienna ang balikat nito. “ Dadating din ang taong itinadhana sayo.” “Thank you so much,Sien. Kasi nandito ka medyo gumaan ang pakiramdam ko. ”nakangiting saad ni Chloe sa kaibigan. “As always.” Maya't-maya ay sabay silang tumayo at sila'y naglalakad sa baybayin. Medyo marami-rami ang mga taong pumunta dito. May nakakasalubong silang magkasintahan tila'y nilalanggam sa sobrang sweetness nito sa isa't-isa. “Wag kang mainggit sa kanila,Cloy,” “Hindi naman ako naiingit sa kanila, Sien. At saka bakit naman ako maiinggit?” "Inunahan lang kita,Cloy.” “Just move on to that man!” “Ang dami mong alam, Sien. Tara na nga umalis na tayo.”aya nito sa kaibigan. May kaniya-kaniya silang kotse. “ Saan ang next destination natin?”nakangiting tanong ni Sienna sa kaniya. “ Umuwi nalang siguro muna tayo kailangan kong makapagpahinga ng maayos.”tugon nya dito at sabay na sumakay sa kaniyang kotse. “okay.”sang-ayun ni Sienna sa kaniya at sabay silang umalis. Nauna si Sienna sa kaniya. Upang hindi niya maalala ang mga masasakit nitong alaala ay kaniyang ini-on ang radio at nagpatugtog. Sa kalagitnaan ng kanilang pagmamaneho ay nakita nito ang mag-ina na nakaupo sa kalsada habang ito ay namamalimos sa mga taong dumaraan. Nakita nitong huminto ang kaniyang kaibigan sa tapat nito at lumabas. Inabutan ito ni Sienna ng pagkain at pera kaya't napangito siya ngunit may parte sa puso nito ang lungkot. Agad niyang hininto ang kotse sa tapat nito at bumaba ng kotse. Nagulat ang ginang nang makita siya nito. “ Maam,anong ginagawa niyo dito?”naguguluhang tanong sa kaniya nito. Bahagyang napalingon si Siena sa kaniya. “Magkakilala kayo?”naguguluhang tanong ni Sienna sa kaniya. “Dito rin kami nagkita nun.”tugon niya sa kaibigan. Ngumiti ito sa kaniya. “Buti naman.”. “Kumunsta kayo dito, ma.” “Anong tawag mo sa kaniya,Cloy?” “Mama,” “Bakit siya ba ang tunay mong mama.” “Hindi, pero simula nung una ko siyang nakita ay magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. “ Naawa kalang siguro amin ng anak, ko maam.” ”Hindi,parang kung anong kirot ang naramdaman ko.” “Anong ibig mong sabihin,Cloy.” ”Hindi ko rin alam, Sien eh. Parang nakita kona siya dati.” “Bunga lang iyon ng awa mo, maam.Salamat sa pagpapatuloy mo sa amin ng anak nong gabing iyon.” “ Walang anuman iyon.” saad nito at saka may kinuha siyang sobre sa loob ng kotse. At sabay niyang inabot ang puting sobre sa ginang. “Kunting tulong ko iyan, ma tanggapin mona. ”abot niya dito ngunit tinanggihan lamang siya nito. ” Please! Kunting tulong ko to para sa inyo. ” “Hindi ko pwedeng tanggapin iyan, maam. Salamat nalang po ” “Oh sige,tanggapin mo sana ang pagkaing ibibigay ko sayo.” Muli itong nagpunta sa kaniyang kotse at kinuha ang isang box ng pizza na hindi nila nakain. Ngunit bago niya ito,ibigay ay palihim niya itong nilagyan ng pera. Tinanggap naman iyon kaagad ng ginang. “ Sumama po kayo samin ihahatid kta sa binili kong apartment pra sayo." “Para sa kaniya pala ang apartment na iyon,Cloy?” “Oo, Sien para sa kanila iyon. Kahit sa ganung paraan ay matutulungan ko sila.” “Ang bait mo talaga,Cloy.” “Sige na manang sumama na po kayo sa amin kasi ang apartment na iyon ay para sayo.” Laking tuwa ng ginang na magkakaron ulit siya ng mauuwiang bahay. “Salamat, maam.” At agad na inalalayan ni Chloe ang ginang na papasok sa kaniyang kotse. Bahagya siyang napangiti sa mga sandaling iyon. “Salamat, maam.”. “Walang anuman, mama.”hindi na muling nagsalita ang ginang hanggang sa nakarating na sila sa sinabi nitong apartment. Kaagad na hininto ni Chloe ang kaniyang kotse at sabay na inalalayan ito palabas ng kotse. “ welcome to your new home, mama.”nakangiting saad ni Chloe dito. Hindi mapigilan ng ginang ang maiyak sa saya na naramdaman nito. Inalalayan siya nitong pumasok sa loob ng apartment. Medyo may kalakihan ito. “Sayo na ito, mama ” anito at sabay nyang niyakap ang ginang. Hindi mapigilan ng ginang ang maging emosyonal. “Salamat ng marami maam. ”sa mga mata ni Chloe at sa puso nito ay may kulang ito. Hinintay niya itong tawagin siyang anak ngunit hindi na niya ito muling narinig sa ginang. “Oh sige, kung may kailangan pa kayo, sabihin niyo lang, kumpleto na iyan sa loob ”paalam nito sa ginang. Umuwi ito na may bahid na lungkot. Gusto lang naman niyang marinig na tawagin siya nitong anak. Pagdating nito at agad siyang dumiretso sa kaniyang kwarto at doon nagkukulong. Kaniyang inilock ang kwarto at tinago ang duplicate na susi ng kwarto nito. Sa kabilang banda si Sienna ay nakauwi narin ito sa kanilang bahay. Kaagad siyang sinalubong ng kanyang ina at sabay na niyakap't hinalikan sa pisngi. “Saan ka galing anak?”seryosong tanong sa kanya ng ina. Sabay siyang umupo sa sopa bago sumagot. “ Diyan lang po mom.”tugon nito sakaniyang ina. “ Kumain ka naba anak?” muli niton ng tanong sa kaniya. “Busog na ako, mom.”tugon niya dito at sabay na tumayo. Kaniyang kinuha ang kaniyang bag at kaagad na umakyat ng kotse. Kinabukasan ay may duty pa siya kaya agad siyang natulog ng maaga. Hindi na muling bumabagabag sa isipan nito. Paggising ni Sienna ay agad siyang dumiretso ng banyo upang maligo. At pagkatapos ay nagbihis siya suot ang kaniyang uniporme. Nang makababa siya ng hagdan ay nakita nito sa dining table ang kaniyang ama habang ito ay kumakain ng agahan. Tinawag siya nito at kinaway. “ Halika ka dito, anak sabayan mona kaming magbreakfast ng mommy mo.”tawag sa kaniya nito. “ Oh sige po, ”lumapit siya sa kinaoroonan nito at sabay na umupo sa tabi ng kaniyang ina. ”kumusta na ang pakiramdam mo anak?”biglaang tanong ng kaniyang ina. Kumuha siya ng kaunting tinapay't ham. Inilagay niya ito sa kaniyang plato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD