Third POV
Pagkatapos nitong kumain ay nagpaalam na siya sa kaniyang mga magulang. “Mom,dad una napo ako sayo sa lab.”paalam nito sa kaniyang mga magulang.
“Oh sige, anak mag-iingat ka pagdri-drive, anak ah.”bilin sa kaniya ng kaniyang ina. Pinunasan ng ama nito ang kaniyang baba bago nagsalita. “ okay anak.”
Kinuha nito ang kaniyang bag at umalis. Agad siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaandar ito. Pagdating niya sa laborataryo ng ama ay agad siyang gumawa ng procedure at analysis sa nakuha nitong impormasyon tungkol sa selyula ng bulate.
Hindi pa dumating ang kaibigan nitong siyentista na si Chloe. Tanging siya palang ang narito. Maaga kasi siyang nagising kaya, maaga siyang pumasok.
Ilang oras ang nakalipas ay dumating na ang kaniyang ama at mga iba pa nitong kasama. Bumeso sila sa isa't-isa. Muling nagsagawa ng eksperimento si Sienna at isang paniki ang susunod niyang e-examine.
Lumipas ang isang buwan ay hindi dinalaw si Sienna nang kaniyang buwanan kaya't nangingnig ang tuhod nito habang nasa loob ng cr. May bitbit itong pregnancy test na, habang hinihintay niya ang resulta nito ay hindi mapigilan nito ang maluha. “ Sana negative ”bulong nito sa kaniyang sarili. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi ito alam ng kaibigang si Chloe, inilihim niya muna ito mula sa kaibigan. Recently may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang katawan at ang palagi nitong pagsusuka kaya't simula non ay nagdududa na talaga siya.
Habang nasa loob siya ng cubicle nanginginig ang mga tuhod nito. Napaiyak siya nang makita ang resulta at naging positive ito. Muling gumuho ang kaniyang mundo sa mga oras na iyon. Nangyari na ang kaniyang kinatatakutan, ang magbunga ang aksidenteng iyon.
Hindi niya alam kung paano niya ito ipapaliwanag sa kaniyang mga magulang ang pagbubuntis nito lalo na't wala naman siyang nobyo. Mahina siyang napahikbi upang hindi siya marinig ng mga kasama sa lab. At muli na naman siyang naduduwal. Walang ka-alam alam ang mga magulang niya sa kaniyang sitwasyon.
Kaniiyang binalot ang pregnancy test na ginamit nito sa isang tissue at sabay na itinapon ito sa loob ng basurahan. Kaniyang inayos ang sarili upang hindi makahalata ang mga kasama nito lalo na't ang kaniyang ama. “ Anong gagawin ko?”muli niyang tanong sa kaniyang sarili.
Nang makalabas siya ng comfort room ay kumilos ito ng normal tila walang anumang nangyari. Ngunit palihim siyang sinusulyapan ng kaibihang si Chloe habang ito ay abala sa pagpro-process. Nakikita nito ang unti-unting pagbabago ng kaniyang katawan kaya't hanggang kailan niya ito itatago sa mga magulang nito.
Hindi niya maloloko ang kaniyang kaibigang si Chloe. Nang matapos ang kaibigan nito sa kaniyang ginawa ay dahan-dahan itong lumipat sa pwesto ni Sienna.
“ Sienna, may dapat ba akong malaman.”mahinang tanong nito sa kaniya at sabay na luminga-linga sa paligid. Ang ama nito ay abala sa kaniyang ginagawa.
“ W-wala naman,”nauuutal nyang tugon dito. Umupo ito sa kaniyang tabi at sabay siyang tinitigan. Unti-unting nagbago ang mukha nito at naramdaman ni Chloe na siya ay buntis. “ Alam kong buntis ka, Cloy kaya wag mo ng itago sa akin kasi nakita ko ang pregnancy test mo kanina don sa comfort room. ”
Bumilis ang t***k ng kaniyang puso. “ wag mong sasabihin kay daddy ito, ayokong magalit siya sa akin.”.
“Oo, hindi ko ipagkakalat ang pagbubuntis mo. ”
“Salamat, Cloy.Pero hindi natin iyan matatago habang buhay kasi unting-unting magbago ang hugis ng katawan mo.”anito sa kaniya
“Paano kung malaman nila ang tungkol dito? Masasaktan sila, Sein kaya't kung hindi kapa handa ngayon, ay humanap ka ng ibang paraan kung paano mo sasabihin kina tito't tita ang sitwasyon mo. Wag mong kimkimin ang lahat. Alam kong maiitindihan ka nila kapag isinaysay mo ang nangyari sayo.”
Natatakot si Sienna sa mga possibleng mangyari kapag nalaman ng mga magulang nito ang kaniyang pagbubuntis. “Ano na ang plano mo? Sasabihin ba ito kay Adam? Ang bilyonaryong ama ng batang dinadala mo?”
“Hindi ko alam, Cloy.”
“Kailangan ka niyang panagutan kahit walang nangyari sa inyo. Nabuntis ka sa pamamagitan ng sperm cells niya kaya obligasyon ka niya kasi anak niya parin iyan.”
“ hindi ko pa kaya, Cloy. Saka kona sasabihin kapag handa na ako.”
“ Nandito lang ako sa likod mo, Sien hindi kita pababayaan sa journey mong ito. ”
Palihim na nagpupunta sa obegayne nito. At sinasamahan siya ng kaniyang kaibigan na si Chloe. “ Misis, napakahealthy ng baby mo, ipagpatuloy mo ang pag-iinom ng mga vitamins na ibinigay ko sayo.”mahinahong sambit ng obe nito.
Laking gulat nito nang biglang iniluwa ng pinto ang kaniyang mga magulang. Ang mga mukha nito ay nadidismaya sa kaniya.
“Anong ibig sabihin nito? Totoo nga ang balita tungkol sa yo ? Buntis ka nga!”galit na galit ang kaniyang ama. Hinawakan ng mahigpit ni Chloe ang kamay nito.
“ Mom, dad let me explain.”pakiusap niya sa mga ito.
“ Ano paba ang gusto mong ipaliwanag sa amin? Kung paano mo kami, niloko? Ganun ba iyon anak? ”ani ng kanyang ama.
“Gusto kong malaman kung sino ang taong nakabuntis sayo.”
“ngunit dad," hindi naituloy ni Sienna ang kaniyang sasabihin nang sumabat si Chloe.
“Tito, tita pakinggan niyo muna ang pakiwanag ni sienna. Hayaan niyo muna siyang magpaliwanag sayo.”
“ Alam mo ba ito, Cloy?”
“ Matagal na po tita, naghahanap lang kami ng timing kung paano namin ito sasabihin sa yo.”
“Kunsitidor, ka Cloy."sigaw ng kaniyang ina sa kaibigan. Mas lalong hinigpitan ni Chloe ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
“ Sorry po, tita. ”
“ At ikaw, Sienna pinagkatiwalaan ka namin ng daddy mo paano mo nakuhang magpabuntis.?”Nanatiling nakayuko si Sienna habang ang mga luha nito ay patuloy na tumulo. “ Sino ang taong nakabuntis sayo? Kailangan niyang managot sa akin!”
“Dad, huminahon kapo. ”
“Paano ako hihinahon, anak? Pagkatapos mo kaming lokohin? At gawing tanga? Gusto mo akong huminahon.”
“ Aksidente po akong nahulog sa aking kinauupuan at kasabay non ang pagbagsak ng sperm cells na dapat ay pag-aralan ko. Ngunit natapon ito sa may puson ko. ”
“ Ang gusto mong ipahiwatig,ay nabuo ang batang iyan nang hindi mo sinasadya?”..
“ Bunga lang po siya ng aksidente, dad, mom.”
“ Paano mo haharapin ang mga tao kapag nalaman nila ang tungkol sa batang dinadala mo.”
“Masisira ang pangalan natin.”
“Sino ang ama ng batang dinadala mo?”
“ Siya po ay si Adam Rodriguez po."nang sabihin iyon ni Sienna ay halos atakihin sa puso ito kaya't dali-daling nagtawag ng nurse ang kanyang ina.
Alam ng ama nito kung paano kasakim at kasalbahe ang ama nito kaya't hindi siya makapaniwala na ang anak ay nabuntis niyo sa pamamagitan ng cells nito. Ngunit batid ng ama nito na may asawa't-anak na ito. Kaya imposibleng mapanagutan nito ang kaniyang anak. Naawa siya sa sitawasyon ng anak.
“ Walang sinasanto ang ama nun anak. Ayaw naming mapahamak ka, at yung batang dinadala mo.”