HINDI na nagulat si Josefina nang magsisigaw si Monang, habang si Ismael naman ay gulat na gulat sa nangyayaring kaguluhan sa ibaba ng kanilang bahay. Nagpaalalay ito sa asawang nagkukunwaring walang alam. Sa kanang bahagi ng isipan ni Josefina ay sumisigaw ang malaking takot at sundot ng kunsensya. "Huwag kang mag isip ng ganyan, Josefina. Ngayon ka pa ba matatakot? Ngayon ka pa ba magsisisi? Huli na para diyan! Kung aaminin mo ang iyong ginawa ay siguradong makukulong ka. Sino ang mag aalaga kay Ismael, wala? Kapag kinuha ka ng mga pulis ay hindi mo na makakasama ang iyong asawa. Sa tingin mo ba ay matatanggap niya ang isang asawang kriminal? Sa tingin mo ba ay mauunawaan ka niya? Mamahalin ka pa kaya niya at mapapatawad sa ginawa mo? Sisihin lamang niya ang kanyang sarili sapagkat na

