GAYA ng nais ni Ismael, inumpisahan na ang paggawa ng maliit na museleo. Hindi na tinutulan ni Josefina ang gusto nitong gawin. Palibhasa ay pakyawan ang naging kontrata kay Andong, ilang araw pa lang ay nakatayo na ito. Pagagandahin na lamang at isusunod na ang nitso na pinagagawa ng asawa. Trabaho man ni Andong ang ginagawa ay hindi pa rin nito maiwasan ang mangilabot. Noon lang nito naranasang ang tao mismong gagamit ng nitsong gagawin ang kumausap at nagpapagawa sa kanya. Gano'n din naman ang nararamdaman ng kasambahay na si Monang. Awang-awa ito sa mag-asawang marami mang pera ay mawawalan naman ng saysay sapagkat hindi naman nila ito madadala sa hukay. Habang abala ang lahat ay abala rin sa pagmamatyag si Josefina. Pinag-aaralang mabuti ang kilos ni Monang. "Kailangang maihanda

