MALAKAS na humalakhak ang may-ari ng tinig. "Huminahon ka, Ismael. Hindi ba't ikaw pa mismo ang nagpagawa ng nitsong tinitignan mo ngayon? Ang akala ko ay talagang natanggap mo na ang iyong kamatayan. Nagtatapang tapangan ka nga lang pala. Tsk, tsk, tsk. Natalo tuloy ako sa pustahan namin ng mga kaibigan ko." Reklamo ng lalaking may dilaw na mata. "S-sino ka?" Sa wakas ay naisatinig na tanong ni Ismael. "Kaibigan mo, Ismael. Isang kaibigang handang tumulong sa'yo." Malambing ang himig nito ngunit tuso ang pagkakangiti. "Ano'ng tulong ang sinasabi mo? At ano ang kapalit, ang aking kaluluwa? Hah! Masyado nang luma ang estilo mo, dimonyo ka!" Buong tapang na sagot ni Ismael. Malakas ang naging pagtawa ni Alister sa matalas na isip ng kaharap. "Bumaba ang ranggo ko sa impyerno dahil nata

