CHAPTER 9 - Unang kabilugan ng Buwan

950 Words

"MAAARING hindi ka maniwala sa sasabihin ko, Josefina. Baka isipin mo pa na nababaliw na ako, pero totoo! Totoo, Josefina!" Hindi na alintana ni Ismael ang pagtalsik ng laway sa labis na tuwa habang kinukumbinsi ang kabiyak. Nangangatal ang mga braso nito at kamay. "Hindi kita maintindihang tao ka. Liwanagin mo nga ang sinasabi mo. Ano ba 'yon? Tignan mo't nanginginig ka at namumutla. Ano'ng nangyayari sa'yo? Magtungo na tayo sa doktor mo hanggang maaga. Baka kung napapano ka na." Mabilis at sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ni Ismael. "Hindi na. Hindi ko na kailangan ang doktor?" "Ha?" Pinainom niya muna ng tubig ang asawa dahil sa pag-aalalang baka hindi ito makahinga. Tuwang-tuwa ito na tila nakapagsara ng isang malaking kontrata sa pagbebenta ng bahay at lupa na siyang hanapbuhay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD