"Natutuwa kami at nagkakatotoo ang nakasaad sa mahiwagang libro. Matagal na panahon man ang lumipas, natupad pa rin ito. Lumapit kayo Torikara at Jeselle," saad ni Misha. Nasa magkabilaan niya ang dalawa pang ninunong dayo. Nalilitong nagkatinginan ang dalawa. Matapos nilang manggaling sa tahanan ni Mugsy, ipinatawag sila ng mga ninunong dayo. Tanging sila lang ang naroon; silang dalawa at mga ninunong dayo. Huminga nang malalim si Torikara at agad na tumalima sa utos ni Misha. Napipilitang sumunod na rin si Jeselle. Nang nasa harap na sila ng tatlong ninunong dayo, agad na nagsipagngiti ang mga ito at itinaas ang kaniya-kaniyang kanang kamay sa gawi ng dalawang dalaga. Naunang yumuko si Torikara at pumikit, na siyang sinundan nang napalingong si Jeselle. Agad na pumikit ang tatl

