DAYO 42

1283 Words

Lalong nagalit si Tamara nang makitang si Torikara ang may hawak ng korona ng pinuno. "Ang traydor kong anak, nagbalik?" bago tuluyang harapin ang babae ay inihagis ni Tamara ang punyal sa paa nang napaigik na si Shanaya. Hindi makagalaw ang huli at parang napaparalisa pa ang mga tinusukan ng punyal. Matiim namang lumapit si Torikara sa nakahandusay na si Shanaya. Agad na dinampot ang kuwintas at isinuot. Halos magliyab naman sa galit ang mga mata ni Tamara nang makita ang pinalaking dalaga habang nakakuyom ang palad. "Ano ang gusto mong kapalit?" mapaghamong saad niya. Hindi niya rin magawang gamitan ito ng mahika dahil suot nga nito ang kuwintas. Hinawakan niya nang mahigpit ang punyal na nasa likuran at inihanda para gamitin din sa dalaga. "Huwag mo nang gawin dahil hindi 'yab uubra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD