DAYO 41

1184 Words

"Dahil sa muling pagbabalik ni Shanaya, magkakaroon ng piging sa bulwagan malapit sa falls. Nais kong ang lahat ay pumaroon mamayang bago ang pagbilog ng buwan." Nakangiting umalis si Praka, ang taga-hatid ng balita sa lahat. Tahimik namang hinawakan nang mahigpit ni Shanaya ang boteng kinalalagyan ng pampatulog na nasa kaniyang bulsa. Ibinigay iyon ni Tamara para maisagawa niya raw ng walang sagabal ang pagkuha sa korona. Nais pa nga nitong lason na lang, kaso sinabi niyang hindi niya nais na patayin ang mga dayo. Naisip din naman ni Tamara na wala na siyang mga taga-sunod kung sakali ngang mamatay ang mga ito. Parang alam na alam ni Tamara na magkakaroon ng handaan, kaya siguro ibinigay nito iyon sa kaniya. At mamaya niya ilalagay iyon sa lalagyan ng inumin. Para maisagawa na niya ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD