DAYO 29

1146 Words

"Ano ito, Sandra? Anak, ano bang nangyayari sa 'yo? Una, sa eskuwelahan, ngayon naman... Ito?" Hindi makapaniwala si Carmela na ang anak na pinalaki niyang busog sa pagmamahal at mabait ay magiging ganito sa ilang araw lang? Kanina, nakatanggap siya nang tawag mula sa kaibigan daw nito. Naroon daw sa kanila si Sandra na ang akala niya ay natutulog na sa kuwarto nito. Kahit gabing-gabi na ay sumugod siya dahil kadalaga ng kaniyang anak, nasa labas pa ng bahay. At dito pa sa bahay ng isang... Tomboy ba? Wala naman siyang masamang ibig sabihin o masamang isipin kung sino man ang mga kaibigan ni Sandra. Pero, mukhang higit pa sa magkaibigan ang mga ito. Hindi niya alam ang puwedeng maramdaman sa mga sitwasyong ganito. Lalo pa at labag sa loob ng ina ni Krizzel ang relasyon ng dalawa. "Ma!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD