"Torikara, anak huwag kang masiyadong lalayo at baka mawala ka." Inayos pa ng babaeng malabo ang mukha ang kaniyang damit bago binilinan ang isang batang lalaki na bantayan siya saglit. Hinalikan naman siya ng lalaking kasama nito na malabo rin ang pagkakakilanlan ng mukha bago inakbayan ang babae. Masiyadong nawili ang batang lalaki sa paglalaro, kaya hindi na niya namalayan na nakalayo na pala siya. Tuwang-tuwang hinabol niya ang isang itim na paru-paro hanggang makarating siya sa hugpungan ng mga nakalimutang dayo. Humahagikgik pa siya habang sinusundan ang itim na paru-paro. Mayamaya pa ay dumapo ito sa pintuan ng kuweba. Sabik na hahawakan sana niya ito nang bigla siyang madapa. Sumubsob siya sa pintuan na agad namang napuno ng liwanag. Mga tawa ng tagumpay ang sunod niyang narini

