"Hindi! Hindi totoo ang mga sinasabi ninyo!" nanlalaki ang mga mata ni Torikara habang pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakayakap ng hindi nakikilalang ina. Nabigla naman ang mga naroon. Lalo na ang tatlong ninunong dayo sa inaasal ng dalaga. Agad na napatayo naman si Ran para alalayan si Bella sa muntikang pagkakatumba. Napalakas ata ang pagkakatulak ni Torikara sa ginang. "Torikara, sumosobra ka na! Makinig ka muna bago ka maghisterya diyan." Pilit pa ring nagpapakahinahon si Ran. Umiiling-iling na tuluyang tumayo si Torikara mula sa batong kinahihigaan. Umaatras din siya sa mga taong nasa harapan. Ni ayaw niyang mahawakan ng mga ito. Hindi siya naniniwala sa mga hinahabi ng mga itong kasinungalingan! Paanong magiging anak siya nila Bella at Tamak na ngayon ay hindi makahuma mula

