Naniningkit ang mga mata ni Shanaya nang dumating ang anak. Kahit anong sabi ni Luke na kausapin munang maigi si Jeselle bago pagsabihan. Baka kasi naninibago ang kanilang dalaga dahil ngayon lang nakaranas ng ganitong karanasan. First boyfriend kaya baka hindi pa nito gamay ang pagkakaroon ng nobyo. Pero, kahit ano pang sabihin ng asawa niya ay agad na pinaupo ni Shanaya ang anak sa harap nila sa pang-isahang sofa. Nalilito naman si Jeselle sa inaasal ng magulang; ang ina habang naniningkit ang mata nang maratnan niya galing eskuwelahan at iminuwestra nga nitong umupo siya pagkarating. Ni hindi nito pinansin ang tangka niyang pagmano. Tanging ang ama lang ang tumugon. Katabi nito ang ina at parang inaalalayan ang asawa na...galit ba sa kaniya? "Magtapat ka nga sa 'kin, Jeselle. Sa'n ka

