Agad na pinahid ni Jeselle ang luha nang makita ang kalagayan ng kaibigan. Hindi siya makapaniwala na ang dating masigla at mabait na si Sandra, ngayon ay nasa isang hospital na kailangan siyang gabayan. Tulog ito at may dextrose sa kaliwang kamay, may benda sa kanang pisngi. Ito 'yung nadaplisan noong nag-agawan sila sa kutsilyo ni Johnny. Napalingon siya kay Krizzel nang hawakan siya nito sa kanang balikat. Tipid na ngumiti ito. "B-bakit? Paanong...?" hindi na halos matapos ni Jeselle ang sasabihin dahil naiiyak na naman siya sa muling pagsulyap niya sa matalik na kaibigan. Bago pa man sagutin ni Krizzel ang kaniyang tanong, nabasa na niya sa isip nito iyon. Nanatili kasing nakahawak ito sa balikat niya. "Hindi ko rin alam. Basta, mula nang maging kami mas lalo siyang lumala at halos

