Nagulat si Junnie nang bigla siyang haklitin sa braso ni Calvin at kaladkarin pababa ng parking lot. Halos pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil may mga nababangga na sila pero mukhang walang pakialam si Calvin at patuloy lang ito sa paghila sa kaniya. "Calvin, ano ba? Nasasaktan ako." Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito na mahigpit pa ring nakakapit sa braso niya. Hindi man lang ito nagsalita kahit nang makarating sila ng parking lot. Habang naglalakad, kinuha nito sa bulsa ang susi. Matapos na mabuksan ang kotse, basta na lang siyang isinalya nito sa loob ng passenger's seat at muntik pang maipit si Junnie nang pabiglang pagsara ang ginawa ng lalaki. Napaigtad pa siya at napalingon naman sa driver's seat nang pinto naman niyon ang kumalabog matapos na makapasok si Calvin. "Ano b

