bc

My Heartless Fake Husband

book_age16+
184
FOLLOW
2.5K
READ
HE
sweet
bxg
bold
small town
affair
substitute
like
intro-logo
Blurb

"I AM READY TO BE WITH YOU! KAHIT NA SA BUNDOK KA PA TUMIRA AY WALA AKONG PAKIALAM, LUCAS!"

Tanga ba ako sa pag-ibig? Bakit hindi gumagana ang utak ko kapag ang lalaking mahal ko na ang nasa harapan ko? Hindi ko na alam kung paano ako mabubuhay kapag wala siya sa tabi ko... Sobrang mahal na mahal ko si Lucas. Gagawin ko ang lahat para lang makasama ko siya.

Pero bakit hindi pa rin niya ako pinipili? Bakit... nilalayuan pa rin niya ako?

"I am married to someone else, Anya..."

chap-preview
Free preview
PANIMULA
"You're getting married tomorrow, Anya. Kaya kailangan mo nang magpahinga ngayon. You have to be gorgeous for your special day tomorrow!" Ah... Ikakasal na pala ako bukas. Hindi ko sinagot si Mom at umakyat na ako sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon. Ayokong ikasal ako sa lalaki na hindi ko naman kilala at hindi ko naman mahal. This is a force marriage. I don't want a marriage like this. Buong buhay ko ay kontrolado na ako ng mga magulang ko. Sila na ang nagdedesisyon sa kung ano ang dapat na maging takbo ng buhay ko. Pati ba naman sa mapapangasawa ko ay kailangan sila pa rin ang mag-desisyon kung sino ang dapat na pakasalan ko? I tried calling Ria again. Siya lang naman ang kaibigan na makakausap ko ngayon. She's my only best friend. Marami akong mga kaibigan, but I don't think all of them were true to me. Kaya si Ria lang ang mismong pinagkakatiwalaan ko. "Hello? Anya?" "What should I do now? Bukas na ang kasal. Pero hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip ko na ayokong matali sa lalaki na hindi ko naman gusto. He's not even from a rich family." Kakaiba rin ang mga magulang ko. Kung ang sa ibang mayayaman na pamilya, ipinapakasal nila ang mga anak nila sa taong mula rin sa mayaman na pamilya at may malakas na negosyo. Pero iba ang mga magulang ko. Naghanap sila ng lalaki na hindi mayaman, walang trabaho, pero magaling sa mga gawain sa bahay. Kumbaga ang gustong mangyari ng mga magulang ko ay magtatrabaho ako sa kumpaniya namin tapos ang role lang ng magiging asawa ko ay ang alagaan ako at panatilihin na maayos ang bahay namin. House husband imbis na housewife. "As much as I want to help you, my friend... But I can't. Alam mo naman na wala akong lakas ng loob na labanan ang mga magulang mo. Kahit sila Mom and Dad ay ayaw nila na mangialam ako sa mga problema mo sa pamilya mo. Lalo na at kaibigan din nila ang mga magulang mo," sagot sa akin ni Ria. Napabuntong-hininga naman ako. "I know that already. Alam ko naman na wala din akong laban sa mga magulang ko. Dahil kung mayroon man, e 'di sana ay matagal na akong nakawala sa buhay na 'to." Sa totoo lang ay naiinggit ako kay Ria minsan. Hindi siya minamadali ng mga magulang niya na maging handa na asikasuhin na ang mga negosyo nila. Hindi siya pine-pressure ng mga magulang niya at hindi rin nila pinapakialaman si Ria sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Gano'n ang mga magulang na gusto ko. 'Yong tipong ang kaligayahan ng anak ang mahalaga. 'Yong tipong hindi namimilit at suportado lang sa lahat ng bagay na gustong gawin ng anak nila. "You know what... Just divorce him after years of being married. Hindi niyo naman siguro kailangan na umakto na mahal niyo ang isa't-isa. Dahil una sa lahat ay ang mga magulang mo lang naman ang kumuha sa kaniya at hindi mo talaga siya kakilala. Kapag kaya mo nang lumaban sa mga magulang mo, saka mo iwan ang mapapangasawa mo." Ngumiti na lang ako kahit pilit. Naka-video call kasi kami ngayon. "Sige na. Itutulog ko na lang 'to. Magpaganda ka rin bukas, ah. Mahalaga ang role mo sa kasal ko, my bridesmaid," kaunting biro ko pa sa kaniya. "I wish you your real happiness, Anya..." *** Hindi rin ako nakatulog dahil iniisip ko kung ano ang mga posible na mangyari sa kasal ko. Ang kasal ko na pinaalam ng mga magulang ko sa lahat. Nasa harapan na ako ngayon ng simbahan. Pinilit ko na lang na ngumiti, kahit na wala na akong nararamdaman na kahit ano sa mga oras na ito. Nagsimula na ang tugtog sa loob ng simbahan. Si Dad ay nasa gilid ko. "Smile, Anya... This is a precious day for you," utos sa akin ni Dad. "Okay," walang pakiramdam na sagot ko. "Ayusin mo. Dahil lahat ng mga business partners and shareholders namin ay nasa loob. You need to show them how happy you are about your marriage." Nang magbukas na ang malaking pinto ng simbahan ay ngumiti na ako at saka dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng simbahan. I can see many people inside, na hindi ko naman kilala at hindi pamilyar sa akin ang mga mukha. Malamang ay mga kakilala lang ng mga magulang ko ang mga tao na 'yon. Pumapalakpak ang lahat habang naglalakad ako. Hindi ko pa tinitingnan ang mukha ng magiging asawa ko na naghihintay sa akin sa harapan. Hindi ko pa kaya na makita siya. Kaya naman sa mga bisita lang muna ako tumitingin. Nginigitian ko sila dahil 'yon ang utos sa akin ni Dad. Sa bandang unahan ay saka ko nakita ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung masaya ba talaga sila na ikakasal na ako ngayon o naiintindihan nila ang pakiramdam ko na ayoko talaga ang kasal na ito. Ang huling tao na kailangan ko nang tingnan ay ang mapapangasawa ko. Lumapit pa sa akin si Mom at saka naiiyak na tinitingnan ako. "I can't believe that you're finally getting married, my princess," sambit pa niya sa akin. "All thanks to you, Mom..." may halong sarkastiko sa tono ng boses ko nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Inabot na ni Dad ang kamay ko sa lalaki na naghihintay sa akin sa harapan. Nang tingnan ko na siya ay saka ko nakita ang isang pamilyar na lalaki sa harapan ko. Nanglaki ng bahagya ang mga mata ko nang makita ko siya. Bumilis ang t***k ng puso ko... Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong maramdaman ngayon. Ni hindi ako makapaniwala na siya ang lalaki na naghihintay sa akin dito sa altar. Hindi ako maaaring magkamali. Kahit pa matagal na panahon na ang nakalipas ay makikilala ko pa rin siya. He is Lucas Malvar... My first love... Ano ang ginagawa niya rito sa kasal ko ngayon? Don't tell me... Siya ang nakuha ng mga magulang ko para pakasalan ko?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook