Before the wedding...
"Anya! Ikaw ba ang nag-send ng invitation sa buong company?" tanong sa akin ni Ria.
Pinuntahan niya ako ngayon dito sa office ko. Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya na 'yon. "Huh? What do you mean?" nagtataka na tanong ko sa kaniya pabalik.
"Girl! Your wedding invitations are all over the company. Sa email sinend ng bawat employees. Invited ang lahat sa reception ng kasal mo. Hindi man sa simbahan naimbitahan, pero alam na nilang lahat na ikakasal ka na."
"Hindi ako ang nag-send no'n. Maybe my parents. Ganoon naman ang gusto nila, 'yong ikakalat ang balita tungkol sa buhay namin. Gusto nila na alam lahat ng mga tao ang mga nangyayari sa buhay namin."
Ni hindi ko pa nga nakikita ang invitation card sa sarili kong kasal, eh. Hindi ko rin alam kung ano ba ang pangalan ng mapapangasawa ko. Binigyan na ako ni Mom ng mga impormasyonn tungkol sa kaniya, pero wala akong interes na alamin at basahin ang mga 'yon. Kahit pa malaman ko ang pangalan niya, ang background ng buhay niya, hindi naman ibig sabihin no'n na kilala ko talaga ang lalaki na mapapangasawa ko. Hindi pa rin 'yon sapat para masabi na kilala ko ang isang tao.
"Pero ang bilis ng date ng kasal, ah? Hindi ba at ang sabi mo sa akin ay two weeks ago pa lang nahanap ang lalaki na mapapangasawa mo?" tanong pa sa akin ni Ria.
"Yeah. Gusto nila na madaliin na maikasal na ako. Narinig ko noong nakaraan na may gathering ang mga magulang ko kasama ang mga business partners nila. Napagkwentuhan nila na kasal na raw ang mga anak ng business partners nila in the age of twenty-eight. Halos lahat na ng mga anak nila ay naikasal na. Kaya ang gusto nila ay ikasal na rin ako. Malamang ay baka nainggit sila o naramdaman nila na kailangan na rin nilang ipakasal ang anak nila. Lalo na at twenty-seven na ako ngayon."
Nakita ko naman ang tingin sa akin ni Ria at alam ko naman na nag-aalala siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Sige na, I'm busy."
"Okay. I'll be back sa office ko. Let's grab a coffee later kapag out na tayo."
Tumango na lang ako sa kaniya at saka niya ako iniwan sa office ko. Isa siya sa shareholder ko rito sa company namin. Kaya medyo mataas din ang posisyon niya. Samantalang ang posisyon ko naman dito sa kumpaniya ay acting CEO pa lang. Dahil hindi pa opisyal na ipinamamana sa akin ang kumpaniya na 'to. Ang negosyo ng pamilya ko ay production of food products.
Tumunog naman ang phone ko at saka ko nakita ang mga messages sa group chat namin ng mga kaibigan namin ni Ria. Mga college friends namin ang mga 'to at hanggang ngayon naman ay magkakaibigan pa rin kami. Pero kami lang ni Ria ang mas naging close hanggang ngayon. Dahil kami ang madalas na magkasama. May mga kaniya-kaniyang negosyo ang mga kaibigan namin. Kaya minsan na lang din kami na nakakapagsama.
Sunod-sunod ang mga messages na nasa group chat namin ng aming mga kaibigan.
'Oh my gosh! Anya, you're getting married in two weeks?!'
'How come you did not told us beforehand. Ang bilis naman ng date.'
'Who's the lucky guy that got you?! I'm so excited to meet him!'
'My fiance ka pala, Anya? Nakakatampo ha! Hindi man lang namin alam na in a relationship ka na pala.'
Malamang sa malamang ay gumawa na rin ng kwento ang mga magulang ko sa ibang tao. Nag-type na lang ako ng ire-reply sa kanila. Hindi ako makapaniwala na ang mga magulang ko pa ang nag-send ng invitation letter sa mga kaibigan ko, imbis na ako. Inuunahan na lang talaga nila ako saa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung bakit ba ganoon ang utak na mayroon sila. Hindi naman porket sila ang nagpanganak sa akin sa mundo na ito ay may karapatan na sila na magdesisyon sa lahat ng mga dapat na mangyari sa buhay ko.
'I'm sorry if you are all shock about the news. Yes, I'm getting married with my one-year boyfriend. Lowkey lang kasi ang relasyon namin. Kaya si Ria at ang mga magulang ko ang may alam na may boyfriend na ako.'
Pinatay ko na lang ang internet ko para hindi ko na makita pa ang mga mensahe nila para sa akin. Tinawagan ko naman si Mom. Nang sagutin niya 'yon ay kinalma ko muna ang sarili ko. Kailangan ko pa rin na umakto bilang mabait na anak nila. Kahit na inis na inis ako sa ginawa niya sa akin.
"Mom, do you really have to do this? Bakit mo naman sinend sa lahat ang tungkol sa kasal ko?"
"Honey, it's fine. Dapat naman talagang malaman ng lahat na ikakasal ka na. Gusto ko na marami ang makaalam na ikakasal na ang unica hija ko. Tsaka mahalaga ang araw na 'yon para sa ating lahat, kaya ginagawa ko ang lahat para maging maganda ang kalabasan ng kasal mo. Ayoko rin naman na maistorbo ka pa sa trabaho mo. Kaya ako na ang nag-send ng invitations sa mga kaibigan mo and everyone."
"Okay. Bye."
Wala na rin naman akong masasabi sa kaniya, kaya pinatay ko na lang ang tawag. Ano pa ba ang magagawa ko? Dapat ay hindi ko na lang siya tinawagan.
Ang bilis nila maghanap ng lalaki na mapapangasawa ko. Paano pala kung masama pala ang ugali ng lalaki na makakasama ko sa iisang bahay? Kakaiba rin ang mga magulang ko. Sa pagkakaalam ko ay gusto nila na mag-viral ang kasal namin. Para bang isang content ang kasal ko. Kaya hindi pumili sila Mom at Dad ng lalaki na mula sa mayaman na pamilya, dahil ayaw nila na maisip ng mga tao na arrange marriage ang mangyayari sa akin. Ang gusto nila na kwento ay magmukha silang supportive na magulang sa akin.
Isang taon ko na raw na boyfriend ang lalaki na mapapangasawa ko, tapos mula siya sa hindi mayaman na pamilya. Pero kahit na ganoon ang estado ng buhay ng lalaki ay tatanggapin pa rin ng mga magulang ko dahil mahal nila ako. Ganoon ang kwento na gusto nila na mangyari. Para maiba sila at mas maging angat sila kaysa sa mga business partners nila. Alam nila kung paano kukunin ang positive comments ng publiko. Para lang silang nagpo-promote ng negosyo nila. Ginagamit nila ako para mas dumami ang mga customers nila. Nakakatawa lang. Pero ito ang kalagayan ng buhay ko ngayon sa puder nila.
Ang sabi ko kay Mom ay gusto kong makita ang lalaki na 'yon sa araw na lang mismo ng kasal ko. Hindi ako pumayag na magkaroonn pa ng pre-nup photoshoots. Magkakaroon din naman kami ng mga litrato sa araw ng kasal namin. Hindi ko alam kung ano ang itsura ng lalaki, kung sino ba siya, kung ano ang pangalan niya. Dahil balak kong alamin na lang ang lahat ng mga 'yon sa oras na ikasal na kami. Pero alam ko ang takbo ng relasyon namin, base sa kwento na ginawa at sinabi sa akin ng mga magulang ko. Dahil 'yon din ang kwento na ikakalat nila sa mga magiging bisita sa kasal ko.
Ano kaya ang mangyayari sa araw ng kasal ko? May pag-asa pa kaya na makalaya ako sa buhay na kontrolado ng mga magulang ko?