Wedding Day...
"Lucas..."
Bigla ko na lang na nabanggit ang kaniyang pangalan. Seryoso lang ang tingin niya sa akin noong una at para bang walang kahit na anong emosyon na makikita sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit wala siyang ipinapakira na reaksyon sa akin ngayon. Natatandaan pa kaya niya ako? Kilala pa ba niya ako?
"Shall we?" tanong niya sa akin.
Inabot na niya ang kaniyang braso para hawakan niya ako. Tapos bigla siyang ngumiti sa akin. Pero napansin ko naman na ang ngiti niya na 'yon ay pilit lang. Para siguro ipakita sa lahat na masaya siya. Hindi naman ako makangiti ng ayos ngayon. Naguguluhan pa rin ako kung bakit siya ang papakasalan ko ngayon.
Bakit nga ba kasi hindi ko man lang tiningnan ang pangalan ng papakasalan ko?
"Smile... Nakatingin sa atin ang lahat," bulong pa niya sa akin.
Natauhan naman ako at ngumiti na rin tapos inilingkis ko ang kamay ko sa kaniyang braso. Nagpalakpakan ang lahat nang magpunta na kami sa harapan ng parii. Isang normal na kasal lang ang nangyari. 'Yong normal na mga nangyayari sa kasal. Tapos may script na binigay sa akin si Mom ng mga dapat kong sabihin, para magmukhang matagal na talaga kami sa relasyon. Sigurado ako na galing lang din sa script ang mga sinabi sa akin ni Lucas.
Para lang kaming mga estudyante na nagre-recite ng mga sinaulo namin. Wala man lang emosyon na mararamdaman. Siguro dahil alam namin sa isa't-isa na peke at set-up lang naman itong kasal namin. Alam namin na hindi naman kami nagkaroon ng relasyon talaga. Pero para sa mga nanonood sa amin ngayon ay maiisip nila na sinsero ang mga sinasabi namin, kahit na hindi.
"I now announce the both of you as husband and wife. You may kiss the bride."
Ito na ang hinihintay ng mga nanonood sa amin ngayon... Ang halikan na ako ng asawa ko. Who would have thought that my first love will going to be my husband? Kanina ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil ikakasal na ako. Pero mas hindi ko maintindihan ngayon kung ano ang mararamdaman ko nang malaman na si Lucas ang napangasawa ko.
"Kiss! Kiss!"
Sumisigaw na ang mga nanonood sa amin na halikan na ako ni Lucas. Dahil hindi pa rin niya ginagawa. Tumingin naman siya ng deretso sa mga mata ko at saka siya lumapit sa akin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa paglapit niya. Saka ko lang napansin na mas lalo siyang gumwapo ngayon. His tan skin is more attractive to him. Medyo malaki ang katawan niya. Kahit nga nakasuot siya ng formal suit ngayon ay napapansin ko na bumabakat ang kaniyang mga muscles at biceps. Nang hawakan ko rin kanina ang braso niya ay naramdaman ko 'yon. Brown pa rin ang kulay ng buhok niya kahit wala naman siyang ibang lahi. Tapos ang mga mata niya ay parang kulay light brown kapag natatamaan ng araw o ilaw. Mahaba rin ang mga pilikmata niya, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay, tapos medyo mapula ang labi.
Hinawakan niya ako sa baywang ko at saka itinalikod sa mga audience. Hinawakan niya ang mukha ko at akala ko talaga ay hahalikan niya ako. Napapikit pa ako dahil hindi ko kaya na tingnan siya ng deretso sa mga mata niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang hinlalaking daliri niya na dumikit sa labi ko at 'yon ang hinalikan niya. Sa tingin ko ay hindi napansin ng mga audience ang ginawa niya na 'yon dahil nagpalakpakan ang lahat.
Nakahinga ako nang maluwag at tumayo na ng ayos. Saka ulit ako ngumiti sa mga tao na nasa harapan namin. Tiningnan ko naman si Lucas na nakangiti lang ng bahagya. Hindi naman niya kilala ang mga tao na narito ngayon.
Nang matapos na ang seremonyas ay nag-picture taking na kami. Mabilis lang at dumeretso na ang mga bisita sa reception area. Pasakay na sana ako sa kotse nang marinig ko na magsalita si Lucas. "Ako na lang ang magmamaneho. Gusto ko lang na makasama ang asawa ko ngayon nang kami lang dalawa," sambit niya.
Nagtataka ko naman siya na tiningnan habang hinihingi niya ang susi ng sasakyan sa driver dapat namin. Walang nagawa ang lalaki at ibinigay ang susi kay Lucas. Sumakay na ako sa passenger's seat dahil si Lucas naman ang driver ko. Naka-dress na lang din naman ako ngayon dahil natatanggal ang mahabang palda ng wedding dress ko. Naglugay na rin ako ng buhok. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko sa loob ng kotse at saka sumakay si Lucas sa driver's seat. Ang mahaba at kulot kong buhok ay nilugay ko na.
Nang makaalis na kami para pumunta sa reception, medyo malayo 'yon mula sa simbahan. Mga trenta minutos siguro ang biyahe. Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa magsalita na ako.
"Natatandaan mo ba kung sino ako?" tanong ko sa kaniya.
Deretso lang ang tingin ko sa harapan at hindi ko siya tiningnan. Pero nakikita ko naman siya sa peripheral vision ko at hindi niya rin naman ako tinitingnan ngayon. Focus lang siya sa pagmamaneho niya.
"Ikaw si Antasha Halton."
Kinunutan ko naman siya ng noo at napatingin na sa kaniya. "That's all?"
"Makakasama na kita sa isang bahay kaya mas makikilala kita kapag nagtagal. Sa ngayon, ang pangalan mo pa lang ang alam ko. Pasensya na," malamig lang na sagot niya sa akin.
Natawa naman ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na hindi na niya ako naalala ngayon. "Wow... I'm speechless... Sa dalawang taon pala na nagkasama tayo noon ay hindi mo na ako naalala?"
Napabuntong-hininga naman siya. Hindi niya muna ako sinagot at naghintay pa ako. Pero wala talaga siyang sinagot sa akin, Kaya naman ay nakaramdam na ako ng inis. Ngayon na lang ulit kami nagkita tapos hindi ko pa inaasahan na sa kasal ko pa siya makikita ulit. Mas hindi ko inaasahan na siya ang mapapangasawa ko. Tapos hindi man lang niya ako kakausapin ng ayos?
Dalawang taon kami nagkasama noon. Well, hindi naman buong dalawang taon. Pero dalawang taon kami na nagkakasama kahit hindi araw-araw. Parang sa isang buwan ay dalawang linggo lang kami na nakakapagsama at nagkikita. Pero nawalan na ako ng contact sa kaniya nang bumalik ako sa probinsya na wala na siya sa tinitirahan nila. Bumibisita ako sa probinsya dahil ang lola at lolo ko ay sa Cagayan Valley nakatira. Gusto nila na roon manirahan nang tumanda na sila, kahit na hindi payag ang mga magulang ko noong una. Doon ko nakilala si Lucas.
"Hindi mo ba talaga ako sasagutin? Hindi mo ako naalala? Nagka-amnesia ka ba or something? Kasi ako, tandang-tanda ko pa rin ang itsura mo kahit limang taon na ang nakalipas mula noong huling nakita kita," sambit ko muli sa kaniya,
"Ako ba ay kilala mo?" tanong niya rin sa akin.
Seryoso na siya ngayon at tumingin sa akin, tapos hininto pa niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Napalunok naman ako at biglang kinabahan dahil sa seryoso na tingin niya sa akin. "O-Of course," nauutal pa na sagot ko sa kaniya.
"What's my name?"
Ano ba ang tingin niya sa akin? Nagkukunwari lang ako na naalala ko siya kahit na hindi?
"You are Lucas Malvar. Hindi kita makakalimutan."
Ngumisi naman siya at bahagyang napayuko dahil sa sinagot ko sa kaniya. "See? You don't even know my name. Kaya paano mo nasabi na kilala mo ako at natatandaan mo ako?"
Napakunot ang noo ko at hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. "What do you mean?"
"I am Nicholas Malvar."