"NICHOLAS, WHO???"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw dahil sa sinabi niya na 'yon. Hinawakan ko naman ang kaniyang mukha at tiningnan ng maigi kung may sakit ba siya o wala. "Are you okay? Did you hurt your head before? May amnesia ka na ba?" sunod-sunod pa na tanong ko sa kaniya.
Walang emosyon niya lang ako na tiningnan at saka inalis ang pagkakahawak ko sa mukha niya. Napabuntong-hininga naman siya at saka umiwas ng tingin sa akin. "Hindi natin kilala ang isa't-isa. Tapos na ang usapan," malamig na sagot niya sa akin.
Pinaandar na niyang muli ang kotse. Pero hindi ako natinag at hindi ko pa rin tinapos ang usapan naming dalawa. "No. I am pretty sure na ikaw si Lucas Malvar. Hindi ko makakalimutan ang itsura mo, well... kahit mukhang mas naging matured at gwapo ka na lalo ngayon. Anyways! That's not what I am talking about. May pinagusapan ba kayo ni Mom na magkunwari ka na hindi mo talaga ako kilala? Or baka hindi alam ni Mom na magkakilala talaga tayo? Nang sa gano'n ay maikasal ka sa akin? Is that it?"
"Kung gusto mo talaga na masigurado na totoo ang sinasabi ko, pwede mo naman akong paimbestigahan. Mapera ka naman. Kaya alam ko na kaya mong malaman ang pagkatao ko."
Hindi na ako nakasagot pa dahil agad niyang binilisan ang pagmamaneho ng sasakyan na akala mo nasa isang race siya! Napahawak ako ng mahigpit sa seat belt at naitikom ko na lang ang bibig ko. Nang makarating na kami sa reception area namin ay agad siyang bumaba at saka niya ako tinulungan. Dahil kailangan na naman namin na magpanggap ngayon ay ngumiti ako at saka inabot ang kamay niya. Pumasok na kami sa loob at naroon na rin ang mga bisita namin.
Nangyari na ang mga programs namin. May mga speech pa nga ang mga magulang ko, pero hindi ko naman na pinakinggan pa. Nagkunwari lang ako na pinapakinggan at iniintindi ko ang mga sinasabi nila. Pero lumilipad ang isipan ko. Dahil wala namang katotohanan sa mga sinasabi nila ngayon. Purong kaplastikan lamang. May mga magulang din si Lucas o si Nicholas... Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya dahil nalito na rin ako. Pero hindi ko naman alam kung totoo ba na magulang niya ang mga 'yon. Hindi na sila nag-speech pa. Siguro ay ayaw din nila Mom at Dad. Sa napansin ko rin ay mukhang hindi 'yon ang tunay na mga magulang ng lalaki na napangasawa ko at baka inarkila lang ng mga magulang ko. Hindi na nakakapagtaka kung gano'n nga talaga ang ginawa nila.
Nang matapos na ang buong program ay unti-unti nang nag-aalisan ang mga bisita. Nilapitan naman ako ni Mom. "The both of you should rest now. Kami na ang mga bahala sa remaining guests," sambit niya. Naisip ko naman na magtanong sa kaniya. "Mom, don't we have a honeymoon event?"
Naalala ko lang na wala akong napansin na honeymoon sa plano ng mga magulang ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Mom dahil sa tanong ko. Saka siya tumingin sa paligid upang tingnan kung may mga makakarinig ba sa usapan namin. Nang masiguro niya na wala ay tumingin ulit siya sa akin.
"Why would you need a honeymoon? Hindi naman talaga kayo magkasintahan."
Gusto kong matawa sa sinabi niya na 'yon, pero pinigilan ko ang sarili ko. "But we are married now. This is not a fake marriage, right? Kasal kami legally. So, we should have a honeymoon. People will gossip if the word spreads about us being a newlywed couple but didn't have a honeymoon. Besides... we will be together in one house for life."
Nakita ko naman na nagtaka si Mom bigla sa mga sinasabi ko. "Why are you insisting a honeymoon right now? Parang last time lang ay wala kang pakialam sa kasal mo o kung sino ang papakasalan mo."
"I am just concerned that the image that you want for our family will be ruined by some gossips. Tsaka gusto ko rin na magpahinga muna kahit ilang araw mula sa mga trabaho. That's the sole purpose of this. And to get to know about the guy whom I married."
"Okay. But I will plan your honeymoon first--"
"No need to plan it. I already have a plan. I just want to inform you. Honeymoon na lang ang pinaghandaan ko. I want to relax. Aalis na din kami ngayon."
Hell, no. That's not true. Wala akong pinlano na honeymoon. Pero may naisip lang ako ngayon dahil nakilala ko kung sino ang napangasawa ko. Hindi ko na pinagsalita pa si Mom at saka ko na hinila bigla si 'GUY WITH TWO NAMES' para umalis. Nagpaalam na kami at saka ko kinuha ang kotse ko na pinadala ko sa driver namin kanina. Ito na ang gagamitin ko to travel. Nagpadala na rin ako sa kaniya kanina ng mga damit ko lang. Bago pa matapos ang event kanina ay nautusan ko na si Mang Kanor.
"Get in," utos ko lang kay TWO NAMES.
Hangga't hindi ko pa nalalaman kung ano talaga ang pangalan niya, TWO NAMES na lang muna ang itatawag ko sa kaniya. Nagtataka siya na napatingin sa akin dahil nasa tapat na ako ngayon ng pinto ng driver's seat. "Get inside my car, now," utos ko pang muli. Sumakay na ako at wala na siyang nagawa kundi sundin ang utos ko.
Mabilis ko nang pinaandar ang sasakyan at gabi na rin ngayon. "Saan tayo pupunta? Sa bahay na?" tanong pa niya sa akin. Tapos napatingin siya sa likuran at nakita niya ang isang bag na medyo malaki, naroon ang mga damit ko.
Hindi ko naman siya sinagot. "Ako na ang magmaneho. Alam ko naman kung saan ang titirahan natin," sambit pa niya.
"We are not going to our house," malamig lang na sagot ko sa kaniya.
"E 'di saan tayo pupunta ngayon? May nabago ba sa plano ng mga magulang mo? Ang alam ko ay wala na tayong kasunod na gagawin kapag natapos na ang wedding event."
"We're going to your hometown... to find out who you really are."