KABANATA 4

1353 Words
"Hindi ako papayag." Seryoso ang kaniyang mukha nang sabihin niya sa akin 'yon. Tagos sa balat ko ang lamig ng boses niya habang tinititigan niya ako ng deretso sa mga mata ko. "I want to get to know you more. Lalo na at asawa na kita. Lucas Malvar, ikaw 'yon. I am very sure of it. Kaya paanong hindi mo ako naaalala at naging Nicholas ang pangalan mo?" Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya. Sa nakalipas na limang taon, ano ang nangyari sa kaniya? Sa dalawang taon na nagkasama kami, wala lang ba 'yon sa kaniya kaya madali lang niyang kinalimutan? "Akala ko ba naplano na lahat ng magulang mo ang magiging set up nating dalawa? Hindi ka ba na-informed kung sino ang lalaki na ipapakasal sa 'yo? Hindi natin kailangan na kilalanin ang isa't-isa. Magkasama lang tayo sa iisang bahay, pero magkaiba tayo ng kwarto. Magkasama lang tayo sa iisang bahay, pero pwede namang hindi tayo mag-usap. Hindi rin naman ako sigurado kung hanggang kailan na set up 'to." "Pero--" "Ako na ang magmamaneho. Akin na 'yang susi ng sasakyan." Wala na akong nagawa kundi ibigay sa kaniya ang susi ng kotse. Sumakay na ako sa passenger's seat habang siya ay nasa driver's seat na. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko na pinilit pa na pumunta sa probinsya niya. Baka ayaw na niyang balikan ang nakaraan namin? Kaya nagkukunwari na lang siya ngayon na hindi niya ako kilala at wala kaming pinagsamahaan noon. "Nakita mo pala ang bahay natin? I don't even know where's the location and kung ano ang itsura no'n," sambit ko. Nakatingin lamang ako sa bintana ng kotse. "Oo. Pinadala na sa akin lahat ng magulang mo bago pa ang kasal natin. Kaya alam ko na. Malapit lang din sa trabaho mo." "And you mentioned earlier na magkahiwalay tayo ng kwarto. Is that true? Sila Mom ang nag-layout ng bahay. Imposible lang na pumayag silang magkahiwalay tayo ng kwarto. Pinakasal niya nga ako sa 'yo." "Ako ang nag-request na magkahiwalay tayo ng kwarto. Para may privacy ka rin." Hindi na ako sumagot pa. Akala ko ang gagawin ko pagkatapos ng kasal ko ay lalayasan ko na siya agad at matutulog ako sa ibang lugar. But here I am... Panatag ang loob na sumama sa kaniya. Siguro dahil pamilyar ang mukha niya sa akin. Ewan ko lang kung pamilyar din ba ako sa kung sino talaga siya-- dahil mukhang hindi pala. Nang makarating na kami sa labas ng bahay namin, sakto lang ang laki niya. Hindi masyadong malaki pero hindi rin maliit. Typical na bahay ng mayaman sa loob ng isang subdivision. Malawak ang garden, may parking area, sa likod ay malamang may swimming area. I am not that amazed by the house. Tapos malapit pa sa kumpaniya. Parang 'di talaga ako pinapalayo ng mga magulang ko sa kanila. "Nasabi ko na kay Mom kanina na may honeymoon tayo. Alam ko na wala sa plano niya. Pero nagpumilit na ako kanina dahil gusto ko rin muna na magpahinga sa trabaho." "Saan mo ba gustong pumunta ngayon? Gabi na at mahirap bumyahe ng ganitong oras. Mukhang pagod ka pa ngayon," sagot niya sa akin. "I really want to go to Cagayan Valley. I want to visit my Lola's grave. I miss her." Isa din 'yon sa rason kung bakit gusto kong pumunta sa probinsiya. Alam ko naman na parehong probinsya kung saan siya nanggaling. Kaya tinitingnan ko rin ang reaksyon niya. "Sige. Samahan na lang kita na pumunta roon. Pero bukas na lang tayo bumyahe. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna. Kailangan ko ring kumuha ng mga gamit na dadalhin ko." "Okay. Sounds good." Papayag naman pala siya na pumunta roon. Hindi pa siya pumayag sa akin kanina. Iba rin ang tama ng lalaki na 'to. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko, na pinadala ko kay Mang Kanor kanina. Pumasok na kami sa bahay and I must say ang ganda ng interior design. Nauna na akong umakyat at nakita ko na may tatlong kwarto sa taas. Sinilip ko isa-isa ang mga ito. Ang isang kwarto ay parang office room. May mga computer and laptop tapos may mga libro, lamesa, mga gamit pang trabaho. Tapos ang dalawang kwarto ay tig-isa namin ni Lucas. Simple lang ang design ng kwarto ni Lucas. Ang kama niya ay queen sized. Minimal lang ang design. Gano'n din ang sa akin. Alam naman ni Mom na ayoko ng iba-iba ang kulay ng kwarto ko. Sa kama ko naman ay may mga stuffed toys na galing sa dati kong kwarto sa bahay nina Mom. Halos ang mga damit ko rin na narito ay mga bago. Sinilip ko naman si Lucas na kakaakyat lang din. "Bukas ko na aayusin ang mga gamit ko. Magpahinga ka na rin. We'll go tomorrow at six in the morning," sambit ko. Tumango lang siya sa akin at saka na ako pumasok sa loob ng kwarto ko. Tatawagin ko pa rin siyang Lucas kahit na pinipilit niya na Nicholas ang pangalan niya. Hangga't hindi ko pa nalalaman ang lahat ng tungkol sa kaniya. Nag-shower lang ako ng mabilis at saka nagbihis. Nang matapos ako mag-ayos ay agad kong tinawagan si Ria. Sigurado naman ako na soundproof 'tong mga kwarto namin, kaya hindi niya ako maririnig sa labas. "Oh, hello? Kamusta ka? Nasa bagong bahay na kayo?" tanong agad sa akin ni Ria. "Yeah. Unfortunately, malapit lang pala 'to sa office. Anyways, 'di ba binigay ko sa 'yo 'yong kopya ng information tungkol dito sa napangasawa ko?" "Oo, bakit? Ikaw ah! Kikilalanin mo na, 'no?! Saka ka lang nagkaroon ng interes n'ong nakita mo na siya sa personal. Ang gwapo, besh!" Napairap naman ako sa sinabi niya sa akin. "Gaga! Hindi ako gano'n. Wala akong pakialam kung gwapo siya o pangit. Hindi ko pa rin siya kilala kahit mag-asawa na kami ngayon. But anyways, can you send that file to me? Kahit picture-an mo na lang." "Okay, sure. Excited din ako na makilala siya. Kasi ang gwapo niya talaga at mukhang mabait naman siya. Like... gentleman type! Gano'n ang atake niya." "Ewan ko sa 'yo, Ria. I-send mo na sa akin ngayon. 'Wag ka na mag-assume ng kung ano-ano d'yan." "Oo na, ito na!" "Okay, thanks. Bye na. Hintayin ko na lang na i-send mo sa akin bago ako magpahinga. Magpahinga ka na rin at may pasok ka pa sa trabaho bukas." "Ay? Bakit ikaw? Wala ka bang pasok bukas? 'Di ba wala naman kayong honeymoon?" "Magpapahinga muna ako ng mga ilang araw sa trabaho. For sure, maririndi lang ako sa pagko-congrats nila sa akin sa trabaho kapag after ng kasal ko ay magpapakita na agad ako sa mga tao." "Kung sabagay. Tapos magtataka pa sila kung bakit wala kayong honeymoon. Pero Anya, sulitin mo na lang muna ang asawa mo ngayon! Malay mo maging close kayo agad at--" Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya at pinatay ko na ang call namin. Nag-chat agad ako sa kaniya na i-send na niya ang file para mabasa ko na agad. Nang makuha ko na ay saka ko binasa ang mga nakalagay doon. Background check ito ni Mom sa kaniya. Basic information ang nasa unang page katulad ng pangalan niya na Nicholas Malvar. He's 29 years old. Lives here in Manila. Ang probinsiya niya ay Cagayan Valley. Napakunot naman ang noo ko dahil tamang-tama nga ang natatandaan ko tungkol sa kaniya. Dalawang taon ang agwat niya sa akin tapos nakatira siya sa Cagayan Valley noon. Kaya paanong ang pangalan niya lang ang naiba? Tapos hindi rin niya ako naalala? Ang trabaho niya ay... wala. Wala siyang trabaho? Paano siya nabubuhay? Nakita ko rin na wala na siyang mga magulang ayon sa file na 'to. Pero bakit siya nakatira dito sa Manila? Ilang taon na siyang narito? Ang dami ko na namang tanong pero mas napuno ang utak ko sa nakita ko sa huling pahina ng file na binigay ni Mom. "Had a twin brother but died at the age of 26 named Lucas Malvar. No other family left." May kakambal si Lucas? At... patay na siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD