Sa totoo lang, gusto kong ipakilala si Collier kay Mee. Tingin ko, magiging close din 'yong dalawang 'yon, pero sa ngayon... hindi muna siguro. So-solo-hin ko muna si Collier– I mean, makikipag-close muna ako sa kanya. Friends na kami pero hindi pa gano'n kadami ang alam ko sa kanya. Gusto kong makilala muna siya at saka ko sabihin kay Mee ang pangalan niya. Napag-usapan namin no'ng nakaraan na magkikita kami bukas, araw ng Sabado, para makapag-usap ulit about sa mga hobbies ko. Makakatulong daw 'yon para ma-pinpoint namin 'yong gusto ko. Actually, hindi ko alam kung bakit ba namin 'to ginagawa. Sinabi ko lang naman sa kanya noon na wala pa akong balak sa buhay ko tapos nag-offer siya ng help– which is nakakahiya naman kung itu-turn down ko kaya napapayag na rin ako. Sobrang bait ni

