"Ano namang mayro'n d'yan sa ID mo?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. "Here, ito 'yong proof na hindi ako scam o naglagay ng lason," "Anong connect no'n sa pagpapakita mo sa'kin ng ID mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi ko magets ang logic niya, e. "Alam mo na 'yong identity ko. Kung may lason man 'to, masusumbong mo ako sa pulis," Umawang ang labi ko at unti-unting napatango. "Oo nga, 'no?" Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti sa isa't isa. "Sige na nga, tanggapin ko na– ay, wait lang." "Bakit?" Nawala ang ngiti ko. "Paano kita masusumbong sa pulis kung malalason ako? Mamamatay na ako no'n, 'di ba?" Nawala rin ang ngiti niya at napahawak sa baba. "Hindi ko 'yan naisip..." "Hmm..." "Pero promise, wala talagang lason 'yan!" "E, bakit mo ba kasi ako binibigyan niyan?

