"Nakita ko na sila." Pabulong na wika ko kay Collier at tinuro 'yong pwesto ng mga ka-officemate ko. Nasa isa silang silong at may mga iniihaw. Katulad ko, mga naka-swimming outfits din sila. "Tara, ihabilin na kita sa kanila." Akmang hihilahin niya ako ngunit napatigil siya dahil hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. "'Wag na, ako na lang ang pupunta. Malapit na rin naman," Kumunot ang noo niya. "Bakit?" "E, alam mo na..." Nag-aalangan akong ngumiti at pasimpleng binawi ang kamay ko sa kanya. "Hindi mo ako gustong makilala nila?" Dahan-dahang tanong niya. Mabilis akong umiling at ngumuso. "Hindi sa gano'n. Syempre, proud ako sa'yo at gusto kitang makilala ng iba pero hindi ngayon. Lalo na't kilala ka nila na ikakasal sa iba–" "Then, I'll say the truth," "No." Mariin kong sagot

