"Are you hurt?" Napatingin ako sa kanya nang marinig siyang magtanong. Umiling ako. "No." "Trying to be tough, huh?" "I'm saying the truth though," Ngumisi siya. "Ini-English mo na ako ngayon." "Bakit, ikaw lang ba pwede?" Masungit na tanong ko sa kanya. Saglit pa itong nakatitig sa'kin bago umiling. "Anyway, ayaw mo bang lumangoy? Hindi 'yong para ka d'yang tanga na nakatingin sa kanila." "Ha, ako pa? E, ikaw 'yong nagturo sa'kin." Inis ko siyang inirapan. "What will you do now?" "Anong what will you do? E 'di wala, ano namang magagawa ko?" Aware naman ako na ina-assume ng media na may something kina Collier at Myrica. Kahit noon pa, hinahanda ko na 'yong sarili ko sa mga ganitong pangyayari. Rati, para pa akong ewan na iiyak-iyak tuwing gabi. Tapos ngayon, masakit pa rin

