Wala akong kaide-ideya kung bakit at saan galing 'yong text na natanggap ko. Curious ako pero baka mawalan na rin ng pakialam. Baka may nanto-troll lang sa'kin. Sa ngayon, kailangan kong mag-focus sa party na pinuntahan. Kakarating lang namin. Actually, kaka-park lang ng van. Malaki-laki ang parking lot nila at mula rito, natatanaw ko na ang dagat. Wala pa man din pero nae-excite na akong magtampisaw. Mabuti talaga at nagdala akong extra-ng damit. Nasa sa amin daw kasi kung magdadagat pa kami o hindi na. Since ilang taon na mula nang naramdaman ko ang dagat, kinapalan ko na ang mukha ko sa pagdadala ng extra-ng damit. "Ang linis naman no'ng dagat, oh! Tingnan niyo!" Ani ng isa kong kasama at tinuro ang isang gawi. Hindi lang pala ako ang nakapansin. Well, hindi naman siya imposible

