Lumipas ang mga araw at hindi pa rin ako decided kung dapat bang umalis na ako ng work ko. Hindi naman ako nagdududa kay Collier, sure akong tutulungan niya ako pero nanghihinayang lang ako. Lalo ngayon, may pa-party si Sir Bailer sa Saturday dahil na-nominate 'yong product namin sa isang beverage competition, national 'to... and guess what? Nanalo ang company namin. Sa isang resort gaganapin 'yong party. Ang balita ko, malaki 'yong resort na ni-rent dahil maraming pupunta. Lahat daw ng branch, e. Though hindi naman siya sapilitan. Kung gusto pumunta, e 'di go. Kung ayaw, okay lang din. Pero syempre, pupunta ako dahil pagkain din 'yon. 'Tsaka baka may give away ng pera or products na pwedeng pagkakitaan. Sayang din 'yon, aba. "Chain, sasama ka sa Satuday?" Napatigil ako sa pagta-ty

