"Noong nasa tuktok na kami, bigla na lang siyang tumahimik tapos maya-maya, umubo. Tinawag niya ako sa pangalan ko tapos ayon, umamin siya na gusto niya nga raw ako," nakangiting pagkukwento ni Lyka. "Anong naramdaman mo noong umamin siya? I mean, nakasagot ka ba agad? Na-shock?" Pang-iinterview ko. "Noong una, gusto kong matawa kasi baka pinapagaan niya lang ang loob ko. Nabanggit ko kasi niya na kinakabahan ako, nag-o-overthink na baka mahulog kami kapag nasa pinakatuktok na. So, noong umamin siya sa akin, ang unang pumasok sa isip ko is baka nagjo-joke lang siya para mawala iyong pressure," "Paano mo na-realize na hindi iyon joke?" "Hindi ako nag-response, tinitigan ko lang siya. After ng ilang segundo na hindi pa rin siya nagbabanggit ng kahit anong salita, na-realize ko na walan

