"First time kong makasakay ng ferris wheel, kayo ba?" Nakangiting tanong sa amin ni Lyka. "Nakasakay na ako rati," aniko. "Ako rin," halos sabay na sagot no'ng dalawa. Kung sakaling magiging si Lyka at si Collier, tingin ko ay magkakatuluyan din sila. Mabait naman si Lyka, wala akong nakikitang kahit anong problema sa kanya. Isama mo pa na masaya siya kausap at maraming kwento, tiyak na hindi magkakaroon ng boring na araw sa kanya si Collier. Masaya ako na may dumating na ganitong babae para sa kaibigan ko. Sana lang talaga at maging successful iyong pag-confess ni Collier ngayon. I don't know if liligawan niya na rin ba kung sakali, or magiging normal pa rin ang samahan nila. Though knowing him, tiyak na liligawan niya agad si Lyka. Nang mapansin kong malapit na kami sa unahan,

