"Yo, guys." Kinawayan kami ni Collier at ngumiti, kahit na natural naman ang ngiti niya, dama ko pa rin iyong kaba niya ngayon. "This is Lyka, iyong sinasabi kong nakilala ko sa ibang bansa." "'Yong kaibigan mong kasabay mong umuwi." Wika ko at ngumiti. "Oo, ayon nga," Lumipat ang tingin ko sa babae. Matangkad siya, halos kasing-laki ni Collier. Maganda ang hugis ng katawan niya pati na ang mukha. Nakaipit ang buhok niya at ang suot niyang damit ay high-waist na pants at oversized t-shirt, habang ang pansapin niya naman sa paa ay kulay itim na rubber shoes. Kung mas matanda ito kay Collier ng pitong taon, ibig sabihin ay 33 na ang edad niya. Nasa 30 mahigit na siya pero iyong itsura niya, pang mga 25 lang. Kung sakaling hindi ko alam ang edad niya, baka inakala kong mas matanda ako.

