Ngayon ang start ng paghahanap ko ng bagong trabaho, papunta si Collier dito mamayang gabi para ibigay sa akin 'yong mga list ng company na pwede kong i-search para malaman ang requirements at makapaghanda. Ang tanging ginagawa ko lang muna ngayon ay ang paglalaba ng damit. Kanina, nakapag-general cleaning ako ng bahay. Simot na simot ko 'yong kalat pati sa mga kailaliman ng kama. Nang bandang tanghali, tumigil muna ako sa ginagawa para magluto ng kanin at bumili ng ulam. Nagpunas ako ng kamay at saka kinuha ang wallet ko sa kwarto. Nagpunta ako sa karinderya ni Aling Flor. As usual, dito pa rin ako bumibili ng ulam. Suki na ako ng tindahan na 'to mula pa no'ng college pero hanggang ngayon, ang sama pa rin ng trato sa akin ng matandang tindera. Para namang tinakasan ko 'yong mga utan

