Ngayon ang napag-usapan naming araw ni Collier, magkikita kami para magpunta sa mall at mamili ng couple outfits na susuotin namin sa reunion ng family niya. Sure na naman na sasama ako sa kanya– nasabi ko na rin kaya ang killjoy ko naman kung aatras pa ako. Though kagabi lang din pumasok sa isip ko na kahit wala 'yong issue between sa amin ng tatay ni Collier, magiging awkward pa rin 'yon para sa akin dahil puro pamilya niya ang nandoon, para akong magiging saling ketket nito. Sabagay, makapal naman talaga ang mukha ko. Ano pa bang inaalala ko? Noong high school nga, sumasama ako lagi roon sa kapitbahay namin papunta sa church nila para lang makakain ng meryenda. Naranasan ko rin 'yong pumipila sa mga kandidato para lang magkaroon ng pagkain. Life was really hard back then... Napapa

